16. "PARA SAKANYA"

3.6K 49 2
                                    

EZZY'S POV

"Hmm ingat ka pagpasok, wag masyado pakapagod ha?" sinundan ko pa ng isang matamis na ngiti ang bilin ko kay Cass pagkababa nya sa motor. Kakarating lang namin dito sa company na pinagtatrabahohan nya.

"Oo naman. Salamat nga pala dito sa mga bulaklak. Sinasanay mo naman ako masyado." sabi nya naman sakin. Medyo napakamot pa ko sa ulo ko. Nahihiya kasi ko.

Alam nyo ba kung bakit ako nahihiya??

Eh kasi naman yung bulaklak na binigay ko sakanya ay galing lang sa tabi-tabi. Hehe di naman kasi talaga para sakanya yun. Para dapat kay gurang, aasarin ko sana. Kaso kanina nung nakita kong napatingin si Cass sa bulaklak ayun, naibigay ko na. At mukha namang nagustuhan nya.

Nakakahiya!

"Sige, pasok na ko sa loob! Hmm salamat dito sa mga bulaklak" tiningnan nya pa ang mga bulaklak na hawak. Grabe dyahe! Pinaghalo-halong santan ba naman yun, gumamela at rose pero yung rose na palanta na! Mas nakakadyahe kasi sinamahan ko pa ng ilang dahon ng kataka-taka. Lolokohin ko sana ang gurang na kailangan nya yun para totoong tumalino sya.

Halos mapapikit na lang ako sa pagkadismaya sa sarili ko kapag tinitingnan kong hawak ni Cass iyon tapos parang sobrang naappreciate nya pa?! wooh!!

Naku yung mga samapaguita? Eh kasi naman may nagbebentang ale kanina na nadaanan ko, naawa naman ako kaya binili ko na lahat ng tinda nya. Di ko alam kung san ko yun ilalagay kaya sinabit ko na lang dun sa motor! Haha panes! Agaw pansin sa mga tao. Agang-aga sikat ako! Whohoo!

Tumalikod na sya.

"Ah Cass!" biglang tawag ko at agad naman syang lumingon. Binuksan ko ang backpack na dala ko at dinukot mula doon...ang tanging pambawi sa kahihiyang nagawa ko! "Eto nga pala oh, para dika na bumili.. ako nagluto nyan..." tiningnan nya ang lunchbox na iniaabot ko sakanya at nakita ko ang matamis nyang ngiti.

"Hmm salamat.. Kakainin ko to' mamaya." sabi pa nya.

"Haha try mong wag kainin, paframe mo kaya?" biro ko. "Hehe joke lang!" sabay kamot ko sa ulo. Kasi naman baka di nya magets ang joke ko.

Ngumiti sya. "Puro ka talaga biro. Sige pasok na ko, salamat ulit.." ngumiti na lang din ako habang bahagya pang napapakamot pa din ng ulo. Haizt ano ba tong nakasanayan ko? Wala naman akong kuto pero feel na feel kong magkamot ng ulo!!

"Sir may hinihintay pa po ba kayo?" yung guard sa company nila.

"Hehe wala po. Sabi ko nga aalis na ko..!" bakit ba naman kasi dipa ko umaalis eh di naman ako dito nagtatrabaho. Matapos akong tanungin ng gwardya ay pinaandar ko na ang motor. Ang tanong - san na ko ngayon magliliwaliw?

Ayoko naman munang bumalik dun sa apartment na inuupuhan ko. Boring eh!

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon