EZZY'S POV
Ilang araw na din ang lumipas simula noong magdate kami.
Andito ko ngayon sa tapat ng school nila Ber at hinihintay ko sya. Maaga pa. Tinext nya kasi ko kanina na maaga daw silang uuwi dahil wala na silang prof sa last subject nila.
Malayo pa lang ay nakangiti na ko habang tinitingnan sya na paparating kasama ang mga kaibigan nya. "Naks naghihintay na ang boyfie! Dinaig na si Reerie!! Haha" dinig kong pang-aasar ni Chabs sa kaibigang si Reerie.
"Magtigil Chabbelin!!" mataray na sagot naman ni Reerie. Si Ber naman ay panay lang ang tawa. Nang nasa malapit na sila ay kumaway pa sya saakin kaya kinawayan ko din sya.
"Oy una na kami.." paalam ni Reerie.
"Eh mukhang maggagala sila sama tayo Ree..." sabi naman ni Chabs.
"Wala naman kaming gala Chabs.." sabi ni Ber.
"Tsaka wag ka ng umepal dyan Chabs.! Privacy naman!" buti pa tong si Reerie marunong makiramdam. Haha.
"Sige na nga! Hehe geh bye!"
"Bye Zelle! Bye din Kuya Ezzy!"
"Tara na?" sabi ni Ber at isinuot ko na sakanya ang helmet nya.
Habang nasa daan ay panay kwento nya saakin ng kung anu-ano at tawa naman ako ng tawa. "Teka hindi naman dito ang daan pauwi sa bahay ah?" takang tanong nya nang bigla kong iliko ang motorsiklo.
"Haha hindi ko naman sinabing uuwi na tayo ah." natatawa pa ko. Bigla ko lang kasi naisipang lumabas kasama sya. Lagi din naman akong nagpapaalam kay Cass kapag malilate sya ng konti sa pag-uwi. Pero syempre hindi naman kami umuuwi ng sobrang late.
"Eh?! San tayo pupunta?" curious na tanong nya.
"Date?" sabi kong patanong. Haha oo date na nga!! Ano pa bang gagawin namin? Syempre kapag lumabas kami date na ang tawag dun diba?
"Date? Hmmm August 10, 2014!" ay anak ng tipaklong naman oh!!
"Tss! We're going on a date! I'm not asking you the date today!!" adik talaga tong babaeng mahal ko!
"Ay!! Hehe sorry naman!" sabi nya sabay kakamot sana siguro sa ulo pero may helmet nga sya kaya ibinaba na lang nya ang kamay nya. Kahit nagdadrive panay pa rin ang tingin ko sa side mirror sakanya. Wala na yatang oras o minuto ang kaya kong tiisi na hindi sya tingnan.
Nang makapasok na kami sa loob ng mall ay nagdiretso agad ako sa second floor. Syempre kasama ko sya. Haha. Bumili ako ng dalawang ticket. Gusto ko kasing manuod ng movie na kasama sya. Ni hindi ko alam kung anong klaseng movie ba yung napili kong panuorin. Hindi ko nga rin naisip na tanungin pa sya dahil naexcite na talaga ko. Haha. "Grabe.. .di man lang tinanong ang opinyon ko about sa movie na papanuorin natin?"
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...