EZZY'S POV
Pagkatapos naming ihanda ni Knap ang buong lugar ay umuwi agad kami. I took a shower bago nagsimulang ihanda naman ang mga pagkain para sa dinner date namin.
Mahaba din ang oras na ginugol ko sa pagluluto. Tinulungan pa rin ako ni Knap. "Pwedeng mag chop kana lang ng vegies... ako na ang bahala sa lahat." sabi ko sa kanya.
"Sure Ezz!! para sa success ng first monthsary date nyo!! Hahaha." sabi nya at tumawa pa. Naging abala ako sa pagluluto. Hindi ko na sya hinayaang tulungan pa ko doon. That's too much.
After cooking ay nagpahinga muna ko saglit then nilagay ko sa tupper ware ang mga niluto ko. Doon ko na lang ito aayusin.
Nagpahinga muna ko. Nang makita ang oras na hapon na pala ay agad akong kumilos at bumalik doon sa lugar. Kasama ko pa rin si Knap. Dala namin ang lahat lahat. Inayos ko iyon at ng matapos ay bumalik nanaman ako sa apartment. Knap offered na siya na lang daw muna ang maiiwan sa lugar kung saan kami magdidinner ni Zelle para magbantay. "Thanks a lot Knap.!" sabi ko dito. Tumango sya at nag thumbs up sakin. Pagkatapos ay pinaharurot ko na ulit ang sasakyan pabalik ng apartment para mag shower ulit.
I made sure na walang kumapit na kung anong amoy sa katawan ko. After shower ay nagbihis agad ako. Hindi na ko natagalan sa pagpili ng susuotin dahil hinanda ko na rin ito kanina. Inayos ko ang buhok ko at sinipat ang sarili sa salamin kung maayos ba ang pagkakashave ko saaking bigote. I want to look younger, eager to look younger and I think na attain ko naman iyon sa simpleng pagshishave lang.
Nagspray ako ng pabango at bago talikuran ang salamin ay siniguro kong ako ang lalaking magiging pinakagwapo sa paningin nya sa lahat ng oras lalong lalo na ngayon.
Nakangiting dinampot ko ang maliit na box sa ibabaw ng aking kama bago lumabas ng kwarto at bumalik sa park.
Yup! Napili kong sa park na iyon ganapin ang date namin tonight. Bukod sa maganda ang lugar at presko ang hangin ay ilang beses din kaming nagpunta doon, magkasama at masaya.
Dahil public ang place ay humingi pa ako ng permit sa munisipyo para isara muna ito pansamantala. Pati sa mga papunta doon para mamasyal noong araw ay humingi din ako ng pasensya. And I'm grateful dahil nakisama silang lahat at inintindi ako.
They even wish me luck.
Siguro ay simple lang kung iisipin dahil ordinaryo na sa kanya ang lugar na iyon. But I exerted too much effort to make the place special and romantic this time.
ZELLE' POV
Bago matapos ang klase ko ay tumawag na si Zy. I'm expecting it. Nagpaalam ako sa prof namin na pupunta lang sa comfort room, excuse ko lang yun para masagot ang tawag nya.
He instructed me na si Knap daw ang susundo saakin mamaya pagkatapos ng klase ko at siya na din daw ang maghahatid sakin sa lugar kung saan kaming dalawa magdidinner date.
Sobrang excited ako at feeling ko talaga kumikinang-kinang pa yung mga mata kong bumalik ng classroom.
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...