13. "FREE"

4.2K 54 1
                                    

ZELLE'S POV

"Ate anong masasabi mo kay kuya tan--- este kay kuya ezzy? ano pwede??" pangungulit ko sa ate ko. Kasi naman simula ng umalis si kuya tanda wala ng imik tong kapatid ko. Ano pakipot ba siya o ayaw?

"Tumigil ka nga sa pangungulit mo, pagod ako!" yan lang ang sabi nya habang ako kulang na lang ay maging kasing haba na ng autobiography ang mga sinasabi ko!

"Okay! Just tell mo kung ayaw mo ng pabalikin si kuya ezzy dito... di ko na ulit sya dadalhin pa... sayang naman... single yun.... tapos obviously gwapo... ahhhhhhh siguro pag naghubad yun ng tshirt nya malamang ilang pandesal ang makikita mo dun!! Haha tingin pa lang busog kana!! wahhhh aw naman te!!!" kanino ba naman nagmana tong ate ko kung makapanapok naman sa kapatid nya ay walang pakundangan!

"Ikaw ni hindi kapa nagkakaboyfriend pero ang manyak na ng utak mo!!" sabi pa nya at inayos ang sarili sa pagkakahiga. "Labas na at gusto ko ng matulog!" utos nya pa.

"Haha papabalikin ko dito si kuya ezzy! wala ka namang sinabing ayaw mo eh!!" sabay tayo ko at takbo palapit sa pinto ng kwarto nya. "Bye te! sweetdreams! wag munang pagnasahan yung mga pandesal ah!! Paligaw muna... hmmmmm" pahabol ko pa bago tuluyang lumabas. At parang ayaw ko pang maniwala dahil bago ko isara ang pintuan ng kwarto nya ay nakita ko pa syang natawa sa sinabi ko.

Is that mean na may pag-asa si tanda sa kapatid ko?? Yeeeeeiiiiiiii haha sila na may lovelife!!!! Baka malapit na din ako, konting push at tyaga pa! Haha

Matapos ang gabing yun ng usapan naman ni ate ay pinipilit kong dumalaw sa bahay namin si kuya tanda. Medyo nag-aalangan pa sya twing iniimbita ko sya dahil parang hindi daw sya gusto ng ate ko. Sabi ko naman pano nya yun nasabi kung sa una palang ay ganon na agad iniisip nya.

Sa mga sumunod na araw ay napapansin ko ang pagtango ni ate kay kuya tanda twing maabutan nya ito sa bahay hanggang sa magkaroon ng improvement at nakikita ko na silang nag-uusap kahit na paano.

"Ano na balita?" minsang tanong ko kay kuya tanda. "mabait naman pala ate mo.." sagot nya sakin ng nakangiti pa. Natuwa naman ako dahil mukhang nagkakaunawaan na sila. Wala pa sa stage ng pagkakamabutihan pero nasa stage na sila ng getting to know each other at friendship.

Paminsan pa ay naaabutan ko na lang sa bahay si kuya tanda pagkagaling ko sa school. Ni hindi ko na sya kailangan pang imbitahin o piliting sumama sakin para dalawin ang ate ko. Napapadalas na din ang pag-uwi ni ate ng maaga galing sa trabaho at bibihira na kung mag overtime. Medyo ipinagtaka ko pa nung una dahil workaholic talaga sya at kapag kailangan ng overtime ay hindi nya yun tatanggihan.

Isang araw pa nga nung sunday na wala syang pasok. "Te san ka punta?" tanong ko sa kanya habang bihis na bihis at ikinakabit ang kanyang hikaw. Simple lang ang ate ko at miminsan lang kung magsuot ng alahas, hindi rin sya mahilig lumabas ng bahay para mamasyal. Pero nitong mga nakaraan ay napakadalas ko syang makitang ayos na ayos. Pati sa pagpasok sa trabaho ay talagang masasabi kong sobrang ganda nya, yun bang sinasabi nilang blooming? "hmmm date?" halos patanong pero nakangiti nyang sabi. Natawa naman ako dahil parang teenager na nagdadalaga ang ate ko.

Kunwari ay tinanong ko pa sya kung sino ang kadate nya kahit mukhang duda naman ako, "sino kadate mo?"

"Seriously? Talagang tinatanong mo pa yan?" yun lang ang sagot nya at napanguso lang ako. Ilang saglit lang ay may narinig akong tunog ng sasakyan kaya napasilip ako sa bintana. Kunot noo kong tiningnan kung kaninong kotse ang pumarada sa tapat ng bahay namin.

"Te sino yan?" ngumiti lang si ate at humalik sa pisngi ko. "Thanks Amber..." sabi nya bago lumabas ng bahay. Amber ang tawag nya sakin pag masaya sya, so meaning masaya talaga sya. Pero bakit papasalamat pa sya sakin? Tsaka binasted nya ba si kuya tanda at iba ang lalaking kadate nya? Sosyal pa at dekotse!

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon