ZELLE'S POV
Noong araw na hindi natuloy ang date namin ni Zy ay nakakwentuhan ko ng matagal si Miel. Nag-aalangan pa ko nung una dahil naiisip ko yung posibleng maramdaman ni Zy pag nalaman nyang nag-uusap kami.
Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan ni Miel na mapalapit ulit saakin. Siguro ay dahil nagiguilty sya masyado sa nagawa nya sakin, sinabi ko kasing sobrang nasaktan ako noon.
Pero napatawad ko na sya, ayos na ako dun.
Pinuntahan ko si Zy sa apartment nila pagkaalis ni Miel sa bahay. Plano ko kasing sabihin sakanya ang pagdalaw nito. Gusto ko ring sabihin sakanya na nakikipagkaibigan ulit saakin si Miel, at wala ng ibang maaaring mamagitan pa saamin kundi pagkakaibigan na lang talaga.
Medyo nalungkot lang ako dahil pagpunta ko sakanila ay wala pa din sya. Umuwi ulit ako sa bahay at makalipas ang ilang oras ay bumalik ulit ako sa apartment nila. Nakakalungkot ulit dahil wala pa din sya.
Inabot na ng gabi pero hindi ko pa rin sya nakikita. Hindi na rin nasundan yung message nya sakin. Sinubukan kong tawagan sya pero cannot be reach. Nagtext din ako pero walang reply. Masyado ba talagang importante yung lakad nya??
Sabagay, matanda na yun! Hehe madaming inaasikaso. Pumasok sa isip kong dapat ay maging understanding ako at times lalo pa at may mga bagay na hindi pa abot ng utak ko. Aminado naman kasi kong hindi pa ko masyadong mulat sa reyalidad ng mundo, marami pa kong dapat matutunan para panatilihing matatag ang relasyon ko sa taong mahal ko.
Kinabukasan ay sabik akong lumabas ng bahay pagkarinig ko sa sasakyan ni Zy na pumarada sa tapat ng bahay.
Grabe lang! Feeling ko ilang buwan ko syang hindi nakita kahit na isang araw lang naman!! Sobra ko yata syang namiss!! "Good Morning!!" masayang bati ko sakanya saka sya niyakap ng mahigpit.
"Namiss mo ko masyado ah!!" sabi nya habang nakayakap ako sakanya. Naramdaman ko rin ang mga bisig nyang pumalibot sa katawan ko at niyakap din ako ng mahigpit.
Ang sarap sa pakiramdam.!
"Haha oo na!! Kasi naman ang busy mo kahapon!! Di tuloy kita nakita!! Tapos pati texts at calls ko wala kang sagot!! Grabe!! Pamiss ka masyado!!!" sabi ko at kinurot sya sa tagiliran. Hehe masakit yata ang pagkakakurot ko sakanya kaya namilipit sya. Napakalas din sya sa pagkakayakap saakin.
Tsk! Kung alam ko lang dina sana ko nangurot!!!
Humarap sya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Sorry..." sabi nya sa seryosong mukha. "Sorry dahil wala akong reply sa mga messages mo kahapon... sorry din dahil hindi ko nasagot ang mga tawag mo... sorry kasi hindi natuloy yung lakad natin... at sorry kasi nang dahil sakin... hindi tayo nagkita ng isang araw..." hala!! Ang aga naman yatang magdrama nito ni Zy ngayon?? Haha!! If I know!! Namiss nya din ako ng sobra dahil sa isang araw na hindi namin pagkikita. "Sorry kasi namiss mo ko ng sobra!!" pahabol nya pang sabi saka mapanuyang ngumiti. Shemz!! Nahihiya ako... namumula nanaman ba yung rosy cheeks ko?? Oh my gahd!!!
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...