05. "IKAW?!"

5.9K 80 1
                                    

EZZY'S POV

Parang nahalata ako ng gurang na sinusundan ko siya.

Haha Oo!

Nagpunta ko ng laguna. Gaya ng plano ko ay nagpunta ko sa sm kung saan mag gagala ang gurang na bata!. Sabi kasi ni Zle ay gagala daw sya doon kasama ang mga kaibigan nya.

Ang totoo di ako sigurado kung makikita ko ba talaga sya. 

Unang una diko pa sya nakikita ng personal.

Pangalawa ay hindi ako sigurado kung siya nga yung nasa profile pic nya.

At pangatlo, hindi naman ganun kadali ang maghanap ng isang taong ni hindi ka nga sigurado kung ano ba talaga ang itsura nya plus sa isang mall pa na marami pang ibang mga tao.!

Haha ano ba tong naisipan ko at ginawa ko ang bagay na to!?

Habang palinga linga akong naglalakad papasok ng sm ay naagaw ang atensyon ko ng dalawang babaeng parang nasa 20's yung age. Halos wala kasing preno ang mga bibig ng dalawa habang may katawagan sa cellphone.

Mga kabataan talaga ngayon!

Dinaig pa ko!

Biglang bumaling ang atensyon ng dalawang babae sa isa pang babae sa may likuran nila. Kaibigan din siguro nila yun.

"Kayo na ang may lovelife!" biglang dinig kong sabi nung isang babaeng nakatalikod. Tumawa naman agad ang dalawa at nabaling ang atensyon sa kasama nila. Haha parang gusto kong sumang ayon at tumango tango sa sinabi nung isa.

"Sino bang ayaw maglovelife?" baling nung isang babae.

"Sino nga ba Chabs?" sabi naman nung isa pa na parang may panunukso pa sa ngisi at tono.

Naku panigurado walang lovelife ang isang yun kaya di makarelate sa dalawa.! Haha that's life.

Biglang humarap yung babae at hinila yung dalawa. Lakad sila papunta sa direksyon ko. Napatingin ako bigla sa babaeng nakatalikod kanina.

Bakit parang kilala ko sya? Parang nakita ko na sya?!

Holy cow!! 

Kamukha siya ni Zle!!!

Ang tsinitang malaking mata?! Pero bakit walang bangs? Tapos ang haba ng buhok? hindi sya yan! Kamukha lang nya yan! Yun ang nasa isip ko. Pero yung mga features ng mukha nya ay hawig talaga doon sa profile ni Zle?! Hindi ko maiwasang palihim na titigan ang babae para kilalanin.

Diretso lang silang naglalakad at habang papalapit sila sa direksyon ko ay tinitigan ko pa ang babae.

Siya talaga ata si Zle eh!?

Sigurado ako. Ang mukhang nakikita ko ngayon ay ang mukhang laging nasa screen ng chatbox pag kachat ko si Zle. Teka ano nga bang totoo nyang pangalan?

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon