07. "BATI NA TAYO"

5.7K 69 0
                                    

EZZY'S POV

Napapatawa ko.

Kaya pala ko tinakbuhan ng batang gurang dahil nahihiya sakin. Haha nagsisisi na daw siya sa mga panlalait nya sakin.

Naku maniwala ako dyan!

Haha nahihiya lang sakin yan sa ngayon pero pag nagtagal malamang lalait laitin nanaman ako nyan at babarahin ng babarahin.

"Oh bakit ka ba nahihiya sakin ngayon?" tanong ko bigla. Nakatingin na siya sakin ngayon pero nakanguso pa rin. "Sabi naman sayo gwapo ko diba? Haha tsaka di talaga ko mukhang manyak! Kita mo to?" tinuro ko ang mukha ko. "Kita mo ang mukhang to? Haha bait ng dating diba?!" pagmamalaki ko.

"Tsk! Tigas talaga ng mukha! Di nga mukhang manyak.! Kasi totoong manyak! tsk!" sabi ko na eh! Nahihiya pa sya sa lagay na yan diba? At nagsisisi siya?! tss kakaiba pala talaga tong magsisi!

Walang modo ang batang to!

Haha!

Ayos lang. Sanay naman ako dyan!

Hala teka! "hoy gurang di ako manyak ah!! Feeling mo naman mamanyakin ko yang bilbil mo!!" napahawak agad sya sa may tyan nya kaya natawa ko. Haha masyado pala tong conscious sa katawan nya. Hindi mataba pero lambot ng belly!! Haha namimike ang katawan ng batang gurang!

"Wooh!! Para paraan ka..! Talagang bata pa pinili mong manyakin.. tapos pumili kapa talaga ng maganda...!" matigas daw ang mukha ko oh. Oh eh ano pa kaya ang mukha nya? Panay buhat ng sariling bangko. Haha

"Haha ganito pala kalakas ang aircon dito sa sm. sta rosa!!" sabi ko na lang at umaktong parang nilalamig.

"Naman! Mga sosyal kasi kami dito..!" sagot nya. Di talaga nauubusan ang kutong lupa ng pang-asar.

"tsk!" haha asar talo nanaman ako.

"Uy teka nga pala kuya tanda! Magkaliwanagan nga tayo..! Ako ba pinagloloko mo talaga ha? Kala ko ba nasa canada ka pero bakit ngayon nandito ka sa sta rosa? Ginoyo mo lang ako? Sabi ko pa naman irereto kita sa ate ko tapos manloloko ka din pala. Ayoko na! Nagbago na isip ko! Magpakatandang binata kana lang!"

"Ayan ka nanaman! Hinuhusgahan mo nanaman ako.. .Manloloko agad? Diba pwedeng nasa canada ko kahapon tapos nasa pinas na ko ngayon? Diba pwedeng umuwi ako dito at galing ako doon? tsk! tsk! Kaya nga kita pinasalubungan diba?" paliwanag ko. Napatingin naman agad sya sa paper bag na binigay ko kanina at agad itinago sa likuran nya. Tsk! Kala mo naman babawiin ko. Bata talaga!

"Eh bakit di mo sinabing uuwi ka pala? Magkachat lang tayo ah.."

"Diba sabi ko see ya???" pagkakatanda ko sinabi ko talaga yun. Di lang nya sineryoso. Haha napaisip pa siya oh. 

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon