85. "WHY CRY?"

2.1K 28 1
                                    

EZZY'S POV

"Hey.. ." usal ko pagkakita ko kay Gail na tumitingin-tingin sa palibot ng ospital. Nakangiti naman siyang bumaling saakin.

"Hey hi..." sagot nya sakin at saka lumapit.

"Kanina ka pa?" tanong ko dito at umiling naman agad ng ilang beses.

"Kakarating ko lang din... hehe sorry sa abala.. masyado kasing malaki tong hospital..." sabi nya habang nakangisi at the same time ay medyo nakangiwi, naka peace sign pa nga siya. Ganon pa rin pala siya.. .madali siyang maligaw sa isang lugar dahil hindi siya matandain o kaya naman ay kulang sa lakas ng loob na iexplore ang isang lugar lalo na kapag hindi siya pamilyar dito.

"Okay lang... let's go?" tumango siya at sabay na kaming naglakad papunta sa room ni papa. She contacted my mom at free daw siya ngayon kaya naisip nyang dumalaw. Noon pa man kasi ay close na talaga siya kay mama at papa. They like her... they like her for me.. .kaya hindi sila makapaniwalang magagawa nya saakin ang bagay na nangyari sa nakaraan.

I know I've already moved on... and it took so long before I did.. masyado kasing masakit. Kaya nga minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit sa halip na magalit ako at hindi ko siya pansinin noong magkita kami ay nag-usap pa kami na parang walang nangyari. Weird. I'm not going to deny this.. akala ko talaga noon siya na, sobrang nabigla ako, I almost can't believe na posible palang mangyari ang ganoon sa totoong buhay, I thought it was just a nightmare before the wedding date, but it happened.. really happened.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan ang mapasulyap sa kanya. Ano ba ang mga nangyari sa kanya after she went  to New York? May mga pinagdaanan ba siya sa buhay na nagpahirap sa kanya? Is she a stronger person now? Ni hindi ko pa nga siya natatanong kung may asawa na ba siya, anak o boyfriend. Kailangan ko pa nga bang malaman ang tungkol doon?? "Stop staring Ezz... you're making me feel conscious.." sabi nya habang diretso ang tingin sa daan. Napapahiyang inalis ko naman ang tingin sa kanya. Hindi ko namalayang napatitig na pala ko. "Nagtataka ka ba kung bakit ganito na ang buhok ko?" bigla nyang tanong kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sakin na para bang hinihintay ang pagsagot ko, bahagya na lang akong tumango. Parang ang awkward ng feeling ko, it's like ako pa yung nahihiya sa kanya. She stopped from walking and faced me. "Ibubulong ko sayo kung bakit nagpasemikal ako.." nagsign siya na ilapit ko ang tenga ko sa kanya... nakakatanga dahil agad ko namang ginawa. "Masyado kasi kong maganda... gusto kong maturn off naman sakin yung mga lalaki dito.. .nakakapagod kasing tumakbo dahil sa dami ng stalker ko.." she whispered, then giggled. She reminds me of her.

"Tss.." singhal ko na lang. She laughed, at bigla ay napatawa na lang din ako. Haha ang baliw talaga ng babaeng ito. Tumatawa kami habang naglalakad, ng humina na ang paghalakhak nya ay naramdaman ko ang mga mata nyang nakatitig saakin. Feeling ko ako naman yung  naconscious, kaya sa halip na tumingin sa kanya ay diniretso ko na lang ang tingin hanggang sa marating namin ang room ni papa.

Pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng nakangising si Tita Linda. There's something in her smile, and again... it's weird. "Hi.... Gail..?" lumapit si Tita Linda kay Gail. Everyone in the family knows her anyway.

"Tita Linda?? Hey... hello.." nagbeso silang dalawa. Bumaling si Gail kay mama "Tita Nads..." nagbeso din siya kay mama, pareho kaming nasa hospital ni mama ngayon dahil gusto daw nyang magkasama-sama kami ngayong dumalaw sina Tito Gardo at Tita Linda. Ipinagkatiwala na nya muna ngayon yung resto doon sa isang empleyado na matagal na ring nagtatrabaho doon at may alam na din naman sa pamamalakad. Binati din nya si Tito Gardo at nagmano dito. At ng makita nya ang papa na nakahiga sa hospital bed ay nilapitan nya ito. Tumahimik kaming lahat. Mulat naman ang mga mata ng papa. Kinuha ni Gail ang isang kamay ng papa at hinawakan ito. "Tito... .I'm happy na okay na po kayo.. at sana po tuluyan na kayong maging okay... I know it will happen so soon... ikaw kaya ang pinakamalakas sainyong magkakapatid.. haha"

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon