EZZY'S POV
Sa wakas nasabi ko din sakanya!
Pakiramdam ko ay aatakihin na ko sa puso ngayong nasabi ko na ang lahat, lahat lahat ng nandito sa puso ko. Lahat lahat ng nararamdaman ko para sakanya.
Pero teka!
Ano-ano nga ba yung mga pinagsasabi nya? Ang sobrang tumatak lang sa isip ko ay yung sinabi nyang masasaktan daw sya kapag umalis ako, kapag iniwan ko sya. Ano ba ibig sabihin nun?
Shit!
Hindi kaya may nararamdaman din sya para sakin? Gusto nya din kaya ako? O mahal?! Haizt letse parang ang assuming ko naman para isipin ang mga yan! Ako na ang dakilang ambisyoso sa lagay kong to!!!
Natigilan sya sa mga sinabi ko. Malamang naman! May matan-este gwapo ba namang magtapat sayong mahal ka dika ba matitigilan? Tss! Hindi ko masabi sa ngayon ni mahulaan kung ano ba ang nasa isipan nya o kung paano ba sya magrereak sa sinabi ko, pero ang malamang gusto nya kong manatili sa may tabihan nya ay nagpapalundag na sa aking puso.
Zelle. Ano ba ang ginawa mo sakin at nahulog ako sayo ng ganito??
Ilang minuto ang lumipas pero wala pa rin syang kibo. Ang bagal naman magprocessing ng utak nya ngayon samantalang kung mambabara eh mabilis pa sa alas kwatro kung mag-isip. "Sa wakas nasabi ko din sayo!" basag ko na sa katahimikan naming dalawa. Nakita ko ang paglunok nya. "Sa wakas nalaman mo na rin ang nilalaman ng puso ko para sayo." huminga ko ng malalim. Nakatitig ako sa mga mata nya at ganun din sya sakin. Sa halip na maduwag ay hindi na iyon ang naramdaman ko, nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin lahat ng saloobin ko, tumapang ako. "Ayoko ng maging kuya tanda mo dahil para akong sinasapak ng sampung barako kapag naririnig ko ang salitang kuya mula sayo. Pero kahit ayoko ko ay tinanggap ko.. kahit masakit at nakakainsulto para saakin tinanggap ko pa rin... kasi gusto ko makasama kita... . Pero ngayong may iba namang handang gawin ang lahat para sayo... Kailangan na yata kitang iwan at kalimutan na lang itong nararamdaman ko... ." mapait ang ngiting pinakawalan ko. Ginulo ko pa ang buhok nya dahil tulala pa rin sya habang nakikinig sa mga sinasabi ko. "Isang malaking kahibangan to diba? Haha pasensya na gurang!! Tama ka nga siguro... may saltik talaga ko!! Wag kang mag-alala... .titigilan ko na to....." tinuro ko ang aking dibdib. Ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko. Ayoko na ring guluhin pa ang isipan nya.
"****g!" mabilis nyang sambit kaya hindi ko naintindihan. Tinagilid ko lang ulo ko at sinubukang intindihin ang sinabi nya. "W-wag..." utal na ulit nya pero napakalinaw sa pandinig ko. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Wag??
"Wag?"
Yumuko sya. "Wag kang tumigil... Ayokong umalis ka at iwan ako... " sabi nya habang nakatingin sa mga kamay na parang namamawis na.
Ilang saglit lang ay nag-angat sya ng tingin saakin kaya nagtamang muli ang aming mga mata. "Naalala mo ba yung sinabi mo sakin noon?" tanong nya pero hindi ko naman masagot dahil wala namang specific na tanong syang nabanggit.
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...