ZELLE’S POV
Ngayong araw ay pupuntahan namin iyong restaurant na pinahanap ni Tito kay Clifford para aloking makipagsosyo. Marami raw kasing guests ang naghahanap ng mga pagkaing siniserve ng resto na iyon na mga pagkaing Pilipino. Maigi na ding lumabas ako palagi, para kahit papaano ay maiwaglit ko man lang sa dibdib ko ang nararamdamang sakit.
May board meeting na kailangang asikasohin si Tito Alfred kaya nagpresenta si Tita Amelyn na siya na lang ang aasikaso doon. Kasama nya ako at sa Clifford para makipag-usap sa may-ari ng resto. Kumpyansa naman kami ni Tita na mapapapayag namin ang may-ari dahil base sa mga menu nila ay mga lahi silang Pilipino na kagaya namin.
Nang tumigil ang kotse na sinasakyan namin ay agad na bumaba si Clifford. Unang pinagbuksan nya si Tita Amelyn tapos ay ako naman. Mabait din talaga ang lalaking ito, at kung umasta siya ay mahahalata mong napakanatural, transparent ika nga.
Bago kami tumuloy sa loob ng restaurant ay dumako ang mga mata ko sa itsura ng labas nito, pinagmasdan ko ang disenyo ng resto at doon mahahalata agad na may halo talaga itong pagkapilipino. “L.V. Filipino Cuisine” mahinang basa ko sa pangalan nito. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng pagkasabik na pumasok. Siguro ay dahil sa maraming kalahi namin ang naghihintay sa loob at marami ring mga pagkaing ilang linggo pa lang ay namimiss ko na. “Let’s go?” pag-aaya ni Tita. Nginitian ko siya bago ako tumango. Sumunod saamin si Clifford.
“Good morning... welcome to L.V. Filipino Cuisine… ” magiliw na bati saamin ng isang babae, papasok pa lamang kami ay nakatanaw na siya saamin. Sa itsura pa lang ay halata ng isa itong Pinay pero bakas din sa mukha nya ang pagkatisay dahil sa maputi at makinis nyang kutis, pati na rin ang ilong nya ay matangos. Siguro ay matagal na siyang naninirahan sa bansang ito. Maayos din ang kanyang pananamit, simple ngunit elegante. Mukha siyang manager o di kaya naman ay ang may-ari mismo.
“Good morning… you’re a Filipino right??” pagbati ni Tita dito at agad namang lumapad ang ngiti ng babae na tila ba naramdaman agad nya na mga kababayan nya kami.
“Yes! And I guess you Madame and this young lady beside you are filipinos' too right?" tanong nito na ang tinutukoy ay ako, ngumiti naman kami bilang sagot. "Do you understand or speak in tagalog??” sa paraan ng pag-uusap ng dalawa ay halatang nagkakasundo agad ito.
“Haha oo naman!!” tuwang sagot ni Tita. Nagkatawanan silang dalawa saka ay nagkamayan. "Nice to meet you..."
"Nice to meet you too..come...take a seat...welcome to our very own restaurant..." sabi ng babae. Nagkatinginan kami ni Tita, tama nga ako ng hinala. “Namiss nyo ba ang mga pagkain natin sa Pilipinas kaya napasyal kayo dito??” iginiya nya kami sa lamesang nasa may bandang gilid kung saan tanaw ang labas dahil sa salamin na bintana. “Ito ang nga pala ang menu namin... pumili na kayo... yung iba dyan sa menu ay gawa ng anak ko..” sabi ng babae pagkaabot nya saamin ng menu.
“Namiss ko nga ang mga nasa menu nyo… at mukhang interesante din itong mga hindi ko kilalang putahe…” sabi pa ni Tita habang nakatingin sa menu. Umorder muna kami ng makakain naming tatlo. Pati yung driver na kasama naming ay tinawag na din nami para sumalo sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay doon na ni Tita Amelyn binuksan ang topic na tungkol sa sadya namin. “Pasensya na.. kanina pa pala tayo nagkikwentuhan pero hindi pa ko nakakapagpakilala… ako nga pala si Amelyn.. ito ang pamangkin kong si Zelle at ang kaibigan naming si Clifford…” pagpapakilala ni Tita sa sarili at pati na rin saamin. Kinamayan nya ako at pati na rin si Clifford. Nakakatuwa lang dahil palagay agad ang loob namin sa kanya.
“I'm Nadia… if you want pwede nyo rin akong tawaging Nads…” sabi nito. Biglang tila may dumaan sa utak ko at parang naging pamilyar saakin itong babae na si… “You can call me Tita Nads Zelle..” sabi nito saakin ng nakangiti. Tita Nads??
“Nakakatuwa at mukhang nakahanap pa ako ng kaibigan… Actually Nads… we’re here to offer something… sana naman ay wag mong masamain ang iaalok namin…” panimula ni Tita sa tunay naming sadya. Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Tita Nads. “We are from Tia’an Hotel… I’m not sure if you know something about it… that was actually owned by my husband’s family…”
Nakita kong tila nag-isip pa saglit si Tita Nads. “Tia’an Hotel?? The fast growing hotel in this country na may ilang branch na din sa mga kalapit na city??” patanong na wika nito.
“Ah… mukhang may alam ka nga…”
“Yeah… alam ko yan.. So you mean kayo pala ang may-ari ng hotel na yun?? At ano itong offer na tinutukoy mo??”
“Some of our guests.. Or let’s say most of our guests were actually demanding to have the menus that you are serving here in your resto.. . karamihan kasi sa mga chefs namin doon ay mga taga rito kaya walang may alam ng mga Filipino dishes… at isa pa… mukhang karamihan sa mga menu nyo dito ay originaly made by your chefs… if it’s okay with you… in behalf of Tia’an Hotel… we’re offering a partnership… we would like your restaurant to be a part of us….” Mas sumeryoso ang mukha ni Tita Nads. Naconfuse ako maging si Tita din sa reaksyong pinapakita nya. “Hindi naman sa namimilit kami… pero sa tingin ko naman ay makabubuti sainyo kung tatanggapin nyo ang offer namin…” nag-aalangang sabi pa ni Tita.
“No.” matigas na sagot ni Tita Nads.. Bigo ang mga mukha namin, mabilis pa sa ihip ng hangin ang pagkakasagot nya ng no. “No… as in hindi namin tatanggihan ang alok na yan!!” agad naming nabawi ang reaksyon sa mga mukha namin kanina pagkasabi nya niyon. Akala ko talaga ay hindi siya papayag na maging bahagi ng Tia'an Hotel ang kanilang restaurant. "Tatawagin ko muna ang anak ko sa kitchen...ipapakilala ko siya sainyo..." hindi pa man kami nakakasagot ay tumalikod na si Tita Nads. Halatang sabik ibalita sa anak nya ang tungkol sa napag-usapan. Kung tutuusin naman kasi ay malaking tulong ang partnership na inooffer ng Tia'an Hotel sa resto nila.
"Thank God..Akala ko ay bigo na talaga tayo.. Sayang naman pag nagkataon... our guests will surely like their menus kahit na hindi sila pamilyar sa mga ito... masarap ang mga putahe nila..." sabi ni Tita habang kaharap kami ni Clifford.
"Yeah...its masarrap..." tumatango-tangong pagsang-ayon ni Clifford.
Maya-maya pa ay pabalik na si Tita Nads. Psh! Parang masyado akong palagay sa pagtawag sa kanya ng Tita.! "Nahihiyang magpakita ang anak ko... Baka daw bawiin nyo pa ang offer kapag nakita nyo siyang haggard ang itsura.. but he's happy to know about the offer of Tia'an..." natatawang sambit nito pagka-upo sa may table namin.
"Haha mukhang masyadong self conscious ang anak mo Nads..." biro ni Tita.
"Haha hindi naman... medyo lang....." nagkabiruan pa ang dalawa. Konting kwentohan at napag-usapan din ang tungkol sa magiging contract at sistema ng pagiging part ng L.V Filipino Cuisine sa Tia'an Hote
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...