86. "SMALL BOX"

2.1K 31 1
                                    

ZELLE'S POV

Titig na titig ako sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. Suot ko ang itim na toga at sa ganitong lagay ay dapat lang na malawak ang ngiting nakikita ko sa labi ko. "Labas na tayo... gusto ka ng makita nina mama at papa sa labas.." sabi ni ate cass pagkalapit sakin. Kagaya ng ginagawa ko ay tumitig din siya saakin gamit ang salamin. Ngumiti pa sya kaya sinabayan ko na lang.

Humarap ako kay ate at niyakap ko siya. "Salamat sa lahat te... kaya naexperience kong magsuot ng togang ganito dahil sayo..."

"Bakit naman dahil sakin?? Tatanggapin ko yung pasasalamat mo... pero suot mo ang togang yan ngayon dahil nagsikap ka, nagsipag.. nagawa mo yan dahil ginusto mo..." sabi ni ate cass. Mas hinigpitan ko ang pagyakpa sa kanya.

"Siguro nga. pero salamat pa rin..." sabi ko na lang.

"Di ka pa nga nakakaakyat sa stage at nakukuha ang diploma mo nagdadrama ka na...! Haha reserve mo na yan mamaya!! Tara na?!" sabi ni ate at nagtuloy na kami sa labas kung saan naghihintay sina mama at papa. Pwede ba namang mawala sila sa graduation ko diba? Bumyahe sila galing probinsya para lang samahan ako sa espesyal na araw ng pagtatapos ko.

Mas magiging special sana ang araw na ito kung andito siya.. kasama ko...

"Nak!" tuwang salubong sakin nina mama at papa na sinabayan pa ng yakap. Yumakap din ako sa kanila. Nakakamiss. Ang sarap sa pakiramdam na yakap ka ng mga magulang mo lalo pa sa mga oras na kailangan mo ito. 

"Sa wakas makakapagtapos ka na Zelle...ang saya namin ng papa mo.." sabi ni mama habang hinihimas pa ang nakalugay na buhok ko.

"Salamat po ma..." tugon ko.

"Bakit parang hindi ka masaya anak?" tanong sakin ni papa at agad akong umiling at ngumiti.

"Masaya po ako pa.. mas masaya kasi andito kaya para samahan ako.." hindi ko maintindihan at bigla na lang parang gustong umapaw ng emosyon sa loob ko.

"Zelle nak wag kang umiyak.. baka kumalat yung make up mo..di pa nag-uumpisa program..." natatawang sabi ni mama sakin at pinahid ang papatulo kong luha.

"Oo nga po.. tara na po sa labas?" pag-aaya ko na lang.

Nang marating namin ang venue kung saan idadaos ang graduation namin ay namataan ko agad sina Reerie at Chabs na naghihintay sakin. Nasa tabi nila ang kanilang mga magulang at iba pang kamag-anak.

"Zelle!" tuwang tawag nila saakin at masiglang kinawayan pa ako. Napangiti naman agad ako habang papalapit at pinagmamasdan silang suot ang kanilang mga toga. Hindi pa rin ako makapaniwalang ngayong araw ay matatapos na ang buhay studyante namin. Panibagong mga pagsubok at pagdaraanan sa buhay ang naghihintay saamin kinabukasan. Sana naman madali lang, sana kaya kong harapin at lagpasan ang mga iyon.

Binati ko ang mga kapamilya nilang naroon at ganon din sila sa kasama kong sina mama at papa at syempre si ate Cass. Nagkakwentuhan pa sila kaya habang hindi pa nagsisimula ang program ay panay salita din ng mga kaibigan ko.

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon