Special Update: "WEDDING"

4K 59 4
                                    

"Ang ganda mo bruha!!!" nanggigigil na tili ni Reerie habang nakatingin kaming tatlo nina Chabs sa salamin. Hahaha tinitingnan namin yung mga sarili namin pagkatapos kaming maayusan. Hehe hindi ko nga lang sigurado kung sarili ba nilang dalawa ang tinitingnan nila o ako lang talaga. Kasi naman ang bongga kaya ng ayos at gown ko!

"Waahh true!! Ngayong araw ikaw ang bida!!" tili naman ni Chabs. Haha I know!!

"Haha I'm not bruha!! Today... I am a dyosa!!" nakangisi ko namang sambit habang panay beautiful eyes pa sa harap ng salamin. Yaaahhh ang ganda ko talaga!! Haha bahala ng maglaway mamaya si Zy kapag nakita nya ko!! Dapat pala nagbilin ako sa kanyang magdala ng tuwalya!! Wahahahaha!

(^________^)

"Hahaha fine!! Di ako kokontra since madami ka namang handa at free foodtrip kami mamaya!!" tiningnan ko ng masama si Reerie. Grabe lang!! Talagang dahil dun kaya siya mabait sakin ngayon?? "Oops! Don't touch!! Nyahahaha no! no! no! my dear.. hindi ako papayag na ikaw lang ang maganda.. dapat ako din!" sabi pa nya habang dahan-dahang umaatras para makalayo sakin. Hehe kasi naman nangangati yung kamay kong batukan siya. (^____^)

"Haha nga naman! Dapat standout din ang beauty namin mamaya pag rumampa na kami sa red carpet!" sabi naman ni Chabs. Makared carpet naman 'to kala mo celeberity lang! Haha mga gaga talaga!!

Yaaahhh. Sorry! I forgot to tell you everybody na today is my wedding day! Oh my gahd. Yes it is!! Kala nyo naman nag-iilusyon ako? Course not! Haha true na talaga 'to! Ewan ko ba naman sa fiance ko at hindi makapaghintay! Masyado akong mahal at masyadong excited na matali ako sa kanya!! Ganda ko ba naman!! Haha.

"Haha! Uy dyosa tama na yang pantasya!! Tara na sa simbahan baka malate ka pa!!" sabi ng dalawa habang nakasilip sa may pintuan. Pantasya? Duh! Hindi kaya ako nagpapantasya. Naku! Kahit ganyan yang mga yan I'm sure happy silang dalawa para sakin. Kahit panay biro sila, alam kong deep inside gusto na nilang maiyak!! Haha maiyak sa inggit!!

Nakachin-up akong naglakad papunta sa may pintuan. Nakatakbo na ang dalawa kaya hindi ko na sila naabutan. Duh! Ayoko namang tumakbo noh! Naka high heels kaya ako. Ganda pa ng sapatos ko!! Haha parang nagiging malandi at maarte yata ako ngayon?! Pagbigyan! Ikakasal eh!

Pagkalabas ko ay sina Ate Cass naman at Mama ang naroon kasama sina Tita Amelyn at Mink. "Hey ate! You're so beautiful!" sabi ni Mink pagkakita saakin. Haha kids don't lie! Napakahonest talaga ng mga bata! Halata naman kasi parang nagtitwinkle pa yung mga mata ni Mink habang nakatingin sakin. Naku! Hindi na ko magtataka pag inidolize ako ng batang 'to.!

"You look like a donut!! You know... the bavarian?!! Why you have too much powder on your face? You scared me!" aba't nasa likod din pala ni Tita Amelyn si Prad?! At ano daw?? Donut? Bavarian?? Ang mukha ko?? Oh my gahd!! Bigla akong naconscious!

Sabi ko na nga ba! Hindi lahat ng bata honest! Yung iba kailangan munang turuan at disiplinahin para matuto.

Tatakbo na dapat ako papasok ulit sa room kung saan ako inayusan ng baklush kanina na bitbit pa ni Tita galing canada ng may humawak sa kamay ko. Grabe! Yari sakin yun!! Kinapalan yata masyado ang nilagay sakin na foundation!! Pero bakit kanina nung nagsasalamin kami hindi naman? Ganda nga eh! "Ate you're beautiful po.. don't mind Prad. .he just don't know how to distiguish true beauty from scary and ugly.." love ko na talaga si Mink. So kaya pala nasa likod ng mommy nya si Prad kasi natakot sa mukha ko?? Namang bata 'to!! Kawawa naman siya! Di marunong tumingin ng maganda. Gudluck na lang sa kanya!!

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon