15. "MASAYA NA!"

4.5K 51 1
                                    

ZELLE'S POV

Mula ng pumayag akong magpaligaw kay Amiel ay madalas na kaming magkasama. Magkasabay kami sa pagpasok, hinahatid nya ko pauwi at maging sa breaktimes sa school ay magkasabay kami.

I can say na talagang maswerte ko dahil mayroong isang Amiel ang nagkagusto sakin. Hindi naman sa natutuwa ako sa nangyari sakanila ng ex nya. Natural lang naman kasi sa isang relasyon ang may masaktan.

At natural lang din sa isang relasyon ang may isang biglang magbabago yung nararamdaman dahil may ibang tao na sa tingin nila ay mas mahal nila at mas dapat nilang piliin para maging masaya sila.

Di naman talaga natin masasabi kung hanggang saan aabot ang pagmamahal natin sa isang tao. Kaya sobrang hanga talaga ko sa mga mag-aasawang tumagal hanggang sakanilang pagtanda. Yung sila lang? yung walang sawaan? yung kahit na maraming pagsubok at problema na pinagdaanan naging matatag pa rin sila at ang relasyon nila dahil magkasama sila.?.

Ang sarap siguro ng feeling pag ganun.!

Kailanman hindi natin masasabi kung mananatili ba o magbabago yung damdamin natin para sa isang tao. Kaya hangga't ramdam natin na mahal at mahalaga satin ang isang tao, iparamdam natin yun sakanila. At kung sakali mang umabot sa puntong may nagbago na, maging tapat tayo at wag matakot na aminin ang totoo.

Monday ngayon at parehong maaga ang pasok namin ni Ate. Madalas ay una sya saking pumasok dahil 8:00am pa naman ang first subject ko. Sakto lang sa oras para masundo ako ni Amiel at sabay na kaming pumasok.

"Te ingat ka.." sabi ko kay ate habang papalabas ng pinto. Nagbeso kami bago sya lumabas. "sige, ikaw din. Kayo ni Amiel!" sabi naman nya sakin.

"Naman Te!! Mas mag-ingat ka lalo pa at hindi ka man lang ihatid sa trabaho ng manliligaw mo!!" pang-aasar ko sa ate ko.

Madalas kasi ay kasama lang nya si Kuya Ezzy kapag pauwi na sya. Kapag papasok ay bibihira nyang ihatid ang ate ko. Naku ang matandang yun!! Buti na lang hindi ganun si Amiel.

"Haha may sariling buhay din yung tao. Hindi naman pwedeng lagi na lang ako ang inaasikaso!" sabi pa ni ate habang papalabas. Nagkibit balikat lang ako.

Sabagay may point sya!

Simula din nung magkagaanan na ng loob ang ate at si kuya tanda ay nabawasan na ang paglabas labas namin. Madalas kasi ay si ate kasama nya at ako naman si Amiel. Bibihira na din kaming magkachat dahil kadalasan ay katext o katawagan ko si Amiel. Si kuya tanda naman siguro ay ganun din kay ate. Nagkakatagpo na lang  ang mga landas namin kapag nadalaw siya dito sa bahay. Haha lalim nun - tagpo at landas talaga?!

Ewan ko lang kung sweet ba ang tanda na yun sa ate ko! Naku malamang walang kaalam-alam yun sa salitang SWEET at ni hindi yun marunong MAGPAKILIG!

"Ahhhhhhh!" agad akong napalabas ng bahay ng marinig ko ang pagsigaw ni ate. Mukha syang nagulat kaya napasigaw!

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon