EZZY'S POV
Ugh!
Naiinis ako!
Hindi ako makatulog at nahihirapan akong matulog!
Bakit ko ba ginawa yun?! Ano naman kaya pumasok sa mataba kong utak at naisipan kong gawin ang bagay na yun?! Haizt!! sa totoo lang di ko naman talaga naisip yun, bigla ko na lang nagawa!
Nakakahiya kay Cass!
At nakakainis ang gurang na yun!
Halos malaglag na sa sahig ang bedsheet ng kama ko dahil sa likot ko! Anong oras na din?! Grabe!! 01:03Am na!! Madaling araw na pero dipa rin ako makatulog gawa nung ginawa kong paghalik kay Cass! Para sakin hindi big deal yun eh. Pero kapag naiisip ko yung reaksyon ni Cass sa ginawa ko nakokonsensya ko.
It's none of my intention. It's just... I... I want to piss her off. Gusto kong asarin, inisin at galitin si Zelle.
Ni hindi ko alam kung maiinis ba sya sa ginawa ko pero I guess nainis nga sya base sa reaksyon ng mukha nya.
Gusto kong matuwa ng makita ang inis sa mukha nya. Kung anong klaseng inis man yun ay wala na kong pakialam basta masaya ko dahil nainis ko sya.
Nakaganti ako!
Gusto ko din talaga syang inisin dahil hindi ko matanggap yung naging reaksyon ng sistema ko sa lambingan nilang dalawa kanina ni Amiel.
That man!!
Dapat magpasalamat ako dahil mukhang sincere naman sya sa nararamdaman nya para kay Zelle pero hindi ganun ang nararamdaman ko.
Dapat maging masaya ko para kay Zelle dahil sa wakas ay masusuklian na ang pagmamahal nya ng lalaking matagal na nyang gusto pero hindi.
Bakit pakiramdam ko ayokong maging mas malapit pa sila, ayokong maging sila.
Ugh!
Bakit ganito?
Napatigil ako sa paggulong ko sa kama at napabangon. "Hindi pwede to!" bulong ko sa kawalan.
Nahawakan ko ang dibdib ko sa naisip ko at nasapo ang sariling ulo.
"Jusko! Hindi kaya nagugustuhan ko na sya ng higit pa sa isang kaibigan? Nang taliwas sa isang nakakabatang kapatid?" halos mapatigil ako sa paghinga sa konklusyong nabuo ko sa sarili.
Anong gagawin ko?! Hindi ako pwedeng magkagusto sa isang bata! At hindi ako pwedeng magkagusto kay Zelle! Pano si Cass? Pano ang masayang samahan namin bilang isang tanda at gurang?!
Sumakit ata ang ulo ko!
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...