41. "B-DAY PAINS"

2.8K 38 0
                                    

ZELLE'S POV

Nang makabalik na sina Knap at Klein ay inayos na namin ang mesa para makapgsalo-salo. Nang nakaupo na kaming lahat ay nagpasya na kaming kumain.

Hala!

"Teka lang!! Wala pa si Miel!!" biglang sabi ko at napatayo sa upuan. Kinuha ko agad ang phone ko at tiningnan kung may text ba o missed call si Miel saakin. 

Meron nga!

Binuksan ko ang message nya at nabasang malapit na daw sya. Napangiti naman ako agad at nagtungo sa may labas para abangan at salubungin ang pagdating nya.

Hindi ko pa man nabubuksan ang gate ay tanaw ko na ang papalapit na si Miel. "Akala ko hindi kana makakapunta!" sabay tapik ko sa braso nya.

"Haha pwede ba naman yun??" sabi naman nya. May kakaiba talaga sakanya, kahit sa paraan ng kanyang pagtawa.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko ng mapansin ang mga kakaiba sakanya.

"Haha oo naman!! Tara pasok na tayo!!" hahawakan nya dapat ang kamay ko pero hindi nya iyon tinuloy. Ready na sana ko! Tsk! Haha "No holding hands allowed nga pala sabi nung isa mong manliligaw! Haha" disappointed ako dahil gusto ko namang hinahawakan nya yung kamay ko. Pero sa kabilang banda ay natutuwa ako dahil parang napakapatas nyang lumaban. Kanina ay binigyan nya ng pagkakataon si Klein na magkamoment kasama ako, ngayon naman ay pati ang sinabi ni Klein na no holding hands allowed habang nanliligaw ay sinunod din nya.

Mas lalo ko syang hinangaan.

Nang makapasok kami sa loob ay hinila ko ang upuan sa aking kaliwa na nakalaan talaga para kay Miel. Nasa bandang kanan ko naman si Klein.

                         Klein (^_^)                Ako (*.*)                Miel (*.*)             

Ate Cass (*.*)                                                                                    - wala -

                         Chabs (^-^)             Knap(,~~)              (~~,)Ree

Sitting arrangement namin sa table.

Kulang ng isa!

Kung andito sana sya ay occupied lahat ng upuan. Pero wala. at mukhang walang balak pumunta. Kahit nga greetings man lang ay wala akong natanggap galing sakanya.

"Kain na tayo?!" nakangiting sabi ko na lang.

"Klein asan si Z?" ayoko na ngang banggitin ang nakakainis na pangalang yan nabanggit pa ni Ate. Kasi naman di nanaman nagpaparamdam eh!! Parang nung isang araw lang may paakap-akap pa at halik sa noo tapos ngayon wala nanaman!! Tsk! Tsk! Tsk talaga!!

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon