ZELLE'S POV
"Sarapan mo ah!! Pag di yan masarap di na kita papapasukin talaga dito sa bahay namin!!" sabi ko habang nakaupo sa may tapat ng mesa at pinapanuod si Zy na nagluluto. Ewan ba kung ano naisipan nito at nag offer na sya na daw magluluto ng lunch dito samin tapos makikikain na lang daw sya.
"Haha walang tiwala?? Never pa yata akong nagluto ng hindi masarap!!" pagyayabang nya. Nilingon nya ko saglit pero ibinalik din ang tingin doon sa hinahalo nyang menudo. Alam nyang paborito ko ang menudo dahil nung minsang bigyan nya ko ng baon ay iyon ang niluto nya.
"Napakayabang mo talaga!" sabi ko na lang. Alam ko namang masarap talaga syang magluto, ako din naman eh!!
"Haha may maipagyayabang naman kaya ayos lang!!" hay!! pinanindigan na talaga!! Grabe talaga to'!! Oo na!! Wala na kong iba pang masabi dahil totoo naman diba??Tsk!
"Ang tagal naman!! Gutom na ko!" hehe yun na lang nasabi ko habang nakastretch pa ang dalawa kong arms sa may ibabaw ng table.
"Heto na po mahal kong prinsesa... luto na..." sabi nya habang dala dala ang mangkok na pinaglalagyan ng niluto nyang menudo. Hehe adik to!! Gutom na nga ako nagpapakilig pa. Mahal na prinsesa daw weh...
Nang mailapag nya na sa mesa ang mangkok ay nagtangka akong kumuha ng isang pirasong patatas para tikman pero agad nyang hinawi ang kamay ko. "Nagluto ka pa! Ayaw mo namang ipakain?!" inis na sabi ko. Patatas lang naman kasi kukuhanin ko ayaw pa.!? Bakit kailangang hawiin pa ang kamay ko?? Labo talaga nitong boyfriend kong matanda minsan!!
"Tss.. mainit po kasi yan mahal na prinsesa... baka mapaso ka.." sabi nya at tumalikod bigla. Pagbalik nya ay may hawak na syang kutsara. Sumandok sya ng kaonti sa niluto nyang ulam saka iyon hinipan. "Oh.... ahhhhhhhhh...." hinarap nya saakin ang hawak na kutsara at talagang nakaalalay pa sa ilalim ang isa nyang kamay.
Kainis!
Bakit ba ang sweet ng matanda kong boyfriend?! Kyaaahhh haha kainis talaga to!! Ang lupet magpakilig. Asar na nga ako kanina weh!! Tapos yun naman pala ganito ang gagawin nya?!! Shemz.
Kahit kinikilig much ay ngumanga ako para isubo yung pinapatikim nya saking luto nya. Pagkabuka ko ng aking bibig ay nilapit ko agad iyon sa kutsara dahil nasabik akong bigla sa pagsubo nya saakin. "Nam nam nam..."
"Aixt nakakabadtrip naman!!! Wag ka na nga!!" sabi ko at padabog na umupo sa upuan. Pano ba naman ready na ko sa pagsubo tapos bigla nyang inatras yung kamay tapos sa bibig nya isinubo yung hawak nya. Talagang kailangan ko pa yata syang turuan ng tamang manners ano?? Tsk! Tsk!
"Haha joke lang yun My Ber kaw naman!! Malay mo may ingredient pala kong nailagay na nakakalason... atleast ako yung unang mamamatay kesa ikaw!!" mga banat nito nakakabanas! Pagkatapos mang asar biglang babanat!! Sa halip tuloy na maasar ako talaga bigla na lang akong kikiligin. Tsk!
Sumandok sya ulit ng isa pa at gaya ng ginawa nya kanina ay hinipan nya muna ito. "Oh eto na... ahhhhhhh...." tiningnan ko lang sya. "Haha promise para sayo na to... walang nangyari sakin kaya ibig sabihin safe na kainin mo to..." inuuto pa ko! Huhuhu pasalamat ka mahal kita kaya magpapauto ako!! Hehe pero pahard to get pa muna daw kunyari ako. "Haha oo nga.. di ko na uulitin yung kanina.." shemz! Bigla kong naalala yun yung ginamit nyang kutsara pagsubo kanina....natense tuloy ako na isubo yung kutsara kasi naman galing na yun sa bibig nya.
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...