20. "OP!"

3.6K 79 3
                                    

CASS'S POV

Weekend kaya no work ako. No reason para ihatid at sunduin ako ni Z sa work. At tuwing weekends din ay namimiss ko ang presensya nya.

Yeah.

I'm inlove.

Hindi pa man sya nagtatanong kung papayag akong maging girlfriend nya ay panigaradong sasagutin ko sya ng Oo.

Parang pbb teens lang kung iisipin dahil sa edad kong ito ay talagang kinikilig ako tuwing nasa tabihan ko sya. Tuwing hinahatid at sinusundo nya ko sa kompanya at tuwing nagpupunta sya dito sa bahay.

At dahil namimiss ko sya ay tinawagan ko syang magpunta dito samin para naman makapagbonding like movie marathon or something.

Syempre tinanong ko muna kung busy sya at sabi nya ay hindi naman daw kaya pumayag na ding pumunta saamin.

Nang may marinig akong tunog ng motor ay agad akong sumilip sa bintana. Alam kong si Z na yun dahil kabisado ko na tunog ng motor nya. Inayos ko muna sarili ko sa harapan ng salamin bago lumabas at pagbuksan sya ng gate. "Oy! Tara pasok!" sabi ko habang nakangiti.

"Haha sure! Parang bahay ko na din ata tong bahay nyo! Mukhang mas madalas pa ko dito kesa sa apartment ko!" biro nya. Isa sa mga katangian nya kung bakit agad akong nahulog sakanya. Simple lang, dahil napapatawa nya ko, kahit pagod pa ko.

Ganun naman tayong mga babae diba? Kapag napapatawa tayo ng isang lalaki ay kinagagaanan agad natin sila ng loob to the point na gusto natin lagi natin silang kausap at kasama? Hindi ko alam kung lahat ay ganun pero masasabi kong karamihan ganun nga.

"Oh! May tandang nakapasok!" gulat na sabi ni Zelle pagkapasok namin ni Z. Sanay na din ako sa kulitan ng dalawa at sa tawagan nila. Mas nauna naman silang nagkakilala kaya hindi ko na rin pinapakialaman ang asaran nila. Para kasing sanay na din sila sa ganyang tratohan.

"Haha gurang mahiya ka sa bisita! Magmumog at maghilamos ka muna!" sabi ni  Z na tawa ng tawa. Maging ako ay napatawa ng makita ang reaksyon ni Zelle sa sinabi ni Z.

"Waaaaahhhhhh!" sigaw ni Zelle at nagtatakbo papasok ng banyo! 

"Hahahahahhah!" tawa namin ni Z. Pano ba naman ang kapatid ko inuna pa ang pang-aasar kay Ezzy samantalang kababangon lang nya at gulo gulo pa buhok nya. Halatang dipa nagtotoothbrush at naghihilamos kaya kumaripas ng takbo ng mapansin ang sarili.

Ganyan kasi yan. Kapag walang pasok ay tanghali na talagang magising. Hinahayaan ko na lang din dahil alam ko namang bumabawi lang sya ng tulog kasi gabing gabi na rin kung matulog gawa ng pag-aaral. Graduating na din kasi sya.

"Haha epic talaga yang kapatid mo!!" hindi pa rin mapigilan ni Z ang tumawa.

"Kuha lang kita ng maiinom.."

"Salamat."

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon