CHAPTER 1: FIRST TIME I MET HIMNAYEON'S POINT OF VIEW
Ngayong unang pasukan ko sa college, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwa, malay mo marami akong maging friends o kaya mga teacher na makikilala. Kakabangon ko lang sa aking hinihigaan kaya pumunta na agad ako ng banyo at naligo, pagkatapos ng lahat ay bumaba na ako nakita ko ang mga magulang ko na kumakain na sa hapagkainan, dahil good mood ako masaya akong bumati sa kanila ng goodmorning, dahil sa pagiging masayahin ko ay natanong ako ni Dad "Anak ang saya saya mo ngayon ha ano bang meron?" naku si daddy talaga nakalimutan na niya na unang pasukan ko ito, natapos na ako kaya nagpa-alam ako at umalis na.Sinamahan na ako ng kaibigan kong si Seungcheol a.k.a S.coups childhood friend ko siya sa katunayan gustong gusto namin na magkaklase kami dahil minsan tinutulungan niya akong gumawa ng mga projects. Pagdating namin sa university tiningnan namin ang bulletin board, sayang at hindi kami magkaklase de bale magkikita parin naman kami. Naglalakad ako dahil pupunta na ako sa classroom ko ng bigla akong nabangga ng tumatakbong lalaking nakasalamin, napahiga ako sa sahig at nabitawan ko pa ang mga dala dala kong libro, nakakainis hindi niya ako binalikan upang tulungan, pero nagkamali ako binalikan niya ako at tinulungan "Miss ok ka lang ba? Sorry at nabangga kita." at nagmamadaling umalis, nakaka-kilig naman ang gwapo.
Nasa hallway na ako hindi ko makalimutan yung gwapong lalaki pagkaupo ko tiningnan ko ang paligid nandito na ang mga istudyante pero may bag doon sa upuan sa harap, walang nakaupo dumating na ang guro namin pero wala parin yung nakaupo doon sa upuan nagsalita yung guro namin "class pwede bang magpakilala kayo isa isa" may biglang pumasok, siya yung lalaki napaka-gwapo niya talaga girls muna ang unang nagpakilala, nung tumayo ako nalaman kong nakatitig din pala siya sa akin "Hello my name is Im Nayeon" at umupo na ako hanggang siya na ang nagpakilala "Hi my name is Min Yoongi, nice too meet you all", sa wakas na tapos din ang 1st subject.
Nagumpisa na ang 2nd subject, hindi ako makapag-focus dahil lagi akong nakatitig sa kanya, buti nga hindi niya napapansin na tinitingnan ko siya, sa tuwing nakikita ko siya pinapakilig niya ang buong pagkatao ko. Minsan nga napapagalitan na ako ng mga teachers dahil hindi ako nakakapag-focus sa mga lessons dahil lang kay Yoongi, siya na talaga ang first love ko he's the one for me. Natapos narin lahat ng subject, excited na akong masabi kay S.coups ang bago kong crush, dati kasi crush ko si S.coups pero ngayon hindi na.
Nagkasalubong kami ni S.coups sa may gate nagsalita siya "Nayeon samahan na kita pauwi." kaya tumango lang ako at sumama sa kanya, habang naglalakad kami sasabihin ko na rin sa kanya ang tungkol kay Yoongi syempre excited na akong sabihin "Uy, S.coups"
tumingin siya sa akin "Ano yun?""May sasabihin lang sana ako sayo"
"Ano naman yun?"
"I have a new crush!"
Bakit nung sinabi kong new crush, naging black and white na lang ang naging expression ni S.coups?
"S.coups may mali ba sa sinabi ko?"
"Ah wala naman Nayeon"
Habang naglalakad kami walang kibuan, hindi niya na ako pinansin simula nung sinabi ko ang tungkol kay Yoongi. Bakit kilala niya ba ang lalaking yun at may sama siya ng loob? Sobra kong daming tanong, bakit hindi ko na lang kaya itanong sa kanya.
"S.coups, kilala mo ba si Yoongi"
Pagkasabi ko ng Yoongi dali dali na siyang umalis at iniwanan akong naglalakad, ano ba talaga ang meron kay Yoongi na ikakasama ng loob ni S.coups?
1st Chapter of Volume 1
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...