CHAPTER 44

16 3 0
                                    

Chapter 44: Jihyo's Ex

NAMJOON'S POINT OF VIEW
Grabe ang ganda talaga ng view, kasing ganda ni Jihyo at kasing ganda ng moment. Moment na hawak hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Jihyo, ang kamay ng pinaka-mamahal ko.

Naka-tingin lang siya sa'akin, sa ngayon di na ako naiilang sa kanya. Feeling ko kasi sobrang close na namin sa isa't isa.

"Alam mo Jihyo, may ipagtatapat lang sana ako sa'yo." Nakaharap na kami sa isa't isa.

Lalapit na ako sa mukha niya. Palapit ng palapit "Jihyo Mah-"

Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil may sumuntok saakin. Napahiga na lang ako, pagtingin ko hindi ko talaga kilala kung sino siya. Ngayon ko lang siya nakita, napatingin naman ako kay Jihyo na gulat na gulat sa mga pangyayari.

Lumapit sa'akin yung lalaki at pinagsususuntok pa ako. Hindi na ako nagpa-awat, sinuntok ko rin siya hanggang sa magbugbugan kami. May ilang security ang lumapit sa'amin para lang pigilan kaming dalawa.

May pumagitnang security sa'amin, nagulat na lang ako nung sumigaw siya.

"Ang lakas ng loob mong halikan ang girlfriend kong hayop ka!" Galit na galit siya. At tama ba yung narinig ko? Girlfriend niya? Si Jihyo?

"Sinong tinutukoy mong girlfriend ha?! E single yung kasama ko e!" Sinigawan ko na rin siya, kainis na talaga e.

"Bakit di mo kasi tanungin bago mo landiin!" Napatingin ulit ako kay Jihyo at lumuha na siya.

"Officer okay na ang lahat, pwede na kayong umalis, salamat." Sabi ni Jihyo sa mga security, lahat din ng tao umalis na. Sa totoo lang nahihiya ako kay Jihyo.

"Jihyo, ano yung mga pinagsasasabi ng lalaking 'to?!" Sobrang dumaloy ang luha ni Jihyo sa mukha niya.

"Na-Namjoon. Ex ko kasi siya." Literal akong napanganga, hindi ko ine-expect na ex niya 'tong lalaking 'to.

"Sabi ko nga sa'yo bakit di mo kasi tanungin bago mo landiin, by the way i am Jihyo's boyfriend, Kang Daniel." Pinagyayabang niya pang girlfriend niya pa si Jihyo.

"Daniel, please, wala ng tayo so don't expect na girlfriend mo parin ako." Napa-ngisi na lang ako kasi parang ang lakas ng tama ng sinabi ni Jihyo kay Daniel.

"Tatalikuran mo lang ba ako ng ganon-ganon lang Jihyo? After all these years ganito lang ang ibabalik mo sa'akin, all the efforts, all the love na ibingay ko sa'yo!" Pati siya lumuluha, dapat lang siyang lumuha ng ganyan.

"Ikaw! Siguro dahil sa'yo 'to e! Inakit mo si Jihyo ng ganito! Kaya ayaw niya na sa'akin!" Dinuro duro pa ako ni Daniel.

"Hindi mo pa alam lahat ng nangyari kaya wag kang maninisi! Wala akong inakit at isa pa ngayon ko lang nakasama ng ganito si Jihyo kaya kung pwede lang mind your own business!" Nagsigawan lang kami.

"Daniel, totoo ang sinasabi ni Namjoon. At bakit mo nalamang andito kami ha?" Oo nga paano niya nalaman? Nagmamanman ba siya?

"Matagal na kitang sinusundan Jihyo. Alam mo namang mahal na mahal kita. Iniwan kita for your own safety! Ayokong saktan ka ng tatay mo ng dahil lang sa'akin!" Umiyak ng umiyak si Jihyo dahil sa sinabi ni Daniel.

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now