CHAPTER 33

46 12 1
                                    

CHAPTER 33: The Truth

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Totoo ba talaga lahat ng sinabi ni Sana? Kailangan ko talaga malaman kung totoo ba talaga yung mga pinag-sasabi ni Sana, matanong nga kela Jin hyung, baka sila ang makapag-sabi sa akin kung totoo nga ba yung mga sinasabi ni Sana.

Bumaba na ako, nakita ko si Jin hyung na nasa kusina, nagluluto siya. Kung ano ano ang pinag-gagagawa ko, habang si Jin hyung nakakunot na ang noo dahil sa mga gingawa ko, pasimple akong lumalapit sa kanya.

"Taehyung? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Jin hyung habang naghihiwa, nakakunot parin ang noo niya.

"Umm, Jin hyung. Totoo ba lahat ng sinasabi ni Sana?" Tanong ko.

"Anong sinasabi niya?" Tanong ni Jin hyung, napatigil din siya sa sinabi ko.

"Umiiyak pa nga si Sana, nung sinabi niya yun sa akin. Sabi niya, siya yung babaeng pinakamamahal ko noon, nagka-amnesia daw ako dahil sa kanya, nagpa-ulan at nasagasaan daw ako dahil sa kanya. Totoo ba yun lahat Jin hyung?" Tanong ko habang naka-sandal sa pader at naka-cross arms.

Nagulat si Jin hyung ng dumaan bigla si Yoongi hyung, nakita ko naman na kasama ni Yoongi hyung yung apat sila Namjoon hyung, Hobi hyung, Jimin at si Jungkook.

"Oo. Totoo lahat yun Taehyung, siya yung pinakamamahal mong babae. At hindi yung Jennie na yun yung gusto mo! Kundi si Sana! Si Sana yung gusto mo! Noon pa man may boyfriend siya at pinagpipilitan mo ang sarili mo makipag-siksikan sa kanilang dalawa!" Sumigaw siya at ako wala akong kibo sa kinatatayuan ko, kahit sila Jin hyung nakatingin kay Yoongi hyung.

"Kalma ka lang Yoongi hyung." Sabi ni Jimin at tinapik tapik niya ang balikat ni Yoongi hyung.

"Kailangan mo ng sabihin sa kanya na mahal mo siya. Umaasa siya ngayon, umaasa na siya na sana, bumalik na yung Taehyung na kilala niya, yung Taehyung na nagmamahal sa kanya! Yun lang naman ang hiling niya, so please sabihin mo na mahal na mahal mo siya!" Halos ihagis na ni Yoongi hyung ang mga plato dahil sa galit niya.

Umalis na siya, naisip ko na tama nga yung sabi ni Yoongi hyung. Kailangan ko ng sabihin na mahal ko siya, ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Yun lang naman pala ang hiling niya, kaya tutuparin ko na.

"Aalis muna ako guys, pupuntahan ko na si Sana ngayon din!" Sabi ko at kinuha ko ang aking jacket at binuksan ko ang pinto, nagulat naman ako sa nakita ko. Si Jennie, andito siya.

"Taehyung, labas tayo. Wala akong magawa sa bahay." Sabi niya habang inaakit ako. Hinawakan ko ang mukha niya at pilit ko siyang tinutulak, nagmamatigas naman siya.

"Jennie! Please! Wag mo muna akong guluhin! May pupuntahan pa ako!" Sumigaw na ako dahil nai-inis na ako kay Jennie. Dumating naman si Jimin at Jungkook, para tulungan ako.

"Jennie! Pwede ba! May kailangang gawin si Taehyung kaya wag mo siyang istorbohin!" Sigaw ni Jimin, tinulak ni Jimin at Jungkook si Jennie.

Sinamahan na ako nila Jimin at Jungkook, para hindi ako malapitan ni Jennie. Dumiretso na kami sa bahay nila Sana, bago ako kumatok, huminga ako ng malalim. Kinatok ko ang pinto at binuksan ito ni Nayeon noona, tumingin tingin ako sa likod ni Nayeon noona, wala akong nakitang Sana.

"Anong ginagawa mo dito Taehyung?" Tanong ni Nayeon noona sa akin.

"Pupun-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil narinig kong may nagsalita, at alam kong si Yoongi hyung yon.

"Pupuntahan niya si Sana, magso-sorry siya at may sasabihin siya na ika-tutuwa ni Sana." Sabi ni Yoongi hyung, at hinila niya ako papunta sa kwarto ni Sana.

Pagbukas ni Yoongi hyung ng pinto ng kwarto ni Sana, nakita namin siya na umiiyak habang niyayakap ni Dahyun at Tzuyu. Nakita ako ni Sana at mas lalo siyang umiyak.

"Guys, pwede niyo ba kami iwan kahit saglit lang?" Tanong ko at tumango sila bilang sagot. Iniwan nila kaming dalawa ni Sana, agad naman akong lumuhod sa harap niya.

"Sana, alam kong umaasa ka na bumalik na sana yung dating ako, tutuparin ko yon, wag kang mag-alala." Sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang dalawa niyang mga kamay.

"T-Taehyung? Ano bang pinagsasa-sabi mo?" Nauutal niyang tanong sa akin, mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.

"Sana, mahal kita. Alam kong gusto mo ako, makikipag-break ako kay Jennie para lang sayo." Napatingin naman siya sa akin at gulat na gulat siya.

"Taehyung, ok lang ako. Baka magalit lang si Jennie pag nalaman niyang nandito ka." Nagpupumiglas siya, kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko sa kanya.

"Mas mahal na kita ngayon, kaya please hayaan mo na akong mahalin ka. Natupad na ang pangarap mo na bumalik na yung Taehyung na, hate na hate mo dati at ngayon mahal na mahal mo na." Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ko ang noo niya.

"Totoo ba to lahat Taehyung? O nililito mo nanaman ako?" Tanong niya.

"Totoo lahat to Sana, may itatanong ako sayo bukas sa park, basta magkita tayo doon bukas ng 7:00 ng umaga." Sabi ko at hinalikan ko ulit siya sa noo niya.

Umalis na ako, binuksan ko ang pinto at nakita ko sila na pinakikinggan kami sa loob, maliban na lang kay Nayeon noona at Yoongi hyung.

"Kamusta ang usapan niyo?" Tanong ni Yoongi hyung habang naka-cross arms, katabi niya si Nayeon noona na naka-cross arms din, may napapansin tuloy ako sa dalawang ito.

Sinarado ko muna ang pinto bago ako magsalita dahil baka marinig niya ang mga sasabihin ko.

"Baba muna tayo guys." Sabi ko at nagmamadali naman silang bumaba maliban kay Yoongi hyung at Nayeon noona.

"Bilis sabihin mo na kung ano yung pinag-usapan niyo." Kinikilig naman tong si Jimin, hindi na nahiya sa girlfriend niya na katabi niya lang.

"Wag nga kayong PDA!" Singit ni Nayeon noona, sinigawan niya si Dahyun at Jimin.

"Ok bukas tutulungan niyo ako para sa plano kong pagpro-propose kay Sana. Ok ba yun?!" Sabi ko at tumango naman silang lahat.

Dahil alam na nila ang plano ko, umuwi na rin kami ni Jimin, Jungkook at Yoongi hyung.

33rd Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now