CHAPTER 38

29 6 1
                                    

Chapter 38: Help

NAMJOON'S POINT OF VIEW
Halos lahat kami naiingit na kay Dahyun, Jimin, Sana at Taehyung.. Bakit ba kasi sila pa yung pinagpala na magkaroon ng jowa. Kung sino pa ang bata sila pa ang unang lumandi kesa sa aming matatanda.

Balita ko si Nayeon at Yoongi hyung may paga-away, ewan ko kung nag-away sila o hindi. Nalaman ko yun kay Yoongi. Gusto ko na rin sanang ligawan si Jihyo kaso torpe ako.

Ang hirap kaya para sa'aming mga lalaki na sabihin ang feelings namin sa mga babae. Takot kaming mare-ject. Takot kaming masaktan. Hindi lang naman babae ang nakakaranas 'non.

Si Yoongi nasa kwarto niya, tulog nanaman. Magpapatulong na talaga ako sa kanya, hindi ko na mahintay na maging kami ni Jihyo. I'm really excited.

Pumunta ako sa kwarto ni Yoongi at kinatok ko 'yon. Mabilis namang binuksan ni Yoongi 'to, bagong gising ang mukha niya.

"Ano ba ang kailangan mo?" Baka naalimpungatan 'to ah.

"Ah Yoongi magpapatulong sana ako." Napakamot ng ulo si Yoongi, bakit ba parang mainit ang ulo niya?

"Anong tulong?" Masama nga ang mood niya.

"Manliligaw kasi ako kay Jihyo." Nanlaki ang mga mata niya, bakit? Magugulat ba siya dahil ngayon lang ako nagkagusto sa babae?

"Ah... Magpatulong ka na lang sa iba. Wala ako sa mood pag sa mga kaibigan ni Nayeon." Sinarado niya bigla ang pinto. So talagang affected siya sa nangyari.

Pumunta na lang ako kay Taehyung, baka matulungan niya pa ako.

"Taehyung!!" Napalingon si Taehyung sa gawi ko.

"Bakit Namjoon hyung?" Nilapitan niya ako at tinapik tapik niya ang balikat ko.

"Papatulong sana ako manligaw kay Jihyo." Nakakahiya talaga pag sinasabi ko sa kanila. Napapakamot na lang ako sa ulo.

"Tawagan ko lang sila. Punta tayo doon." Nagmamadaling kinuha ni Taehyung ang telepono at tinawagan sila.

Pagbaba ni Taehyung nag thumbs up siya. Umakyat na ako para magbihis, sasabihin ko muna kay Yoongi na pupunta kami don.

Kinatok ko ulit si Yoongi.

"Yoongi, aalis tayo. Pupunta tayo kela Nayeon."

"Di ako sasama. Pakisabi na lang masama ang pakiramdam ko." Sinarado ulit ni Yoongi ang pinto.

Pumunta na lang ako kwarto at nagbihis. Pagbaba ko paalis na kami, si Jin ang nagmaneho, swerte magiging jowa nito.

Nagaabang lahat ng girls sa amin, pagbaba palang ni Jimin at Taehyung sinalubong sila ng mga girlfriend nila. Huli akong bumaba, pagbaba ko nagkaroon pa kami ng eye contact ni Jihyo. Sobrang tagal.

Napansin ko si Nayeon malungkot lang, hindi nakikihalubilo ngayon. Matamlay, may sakit ba 'to?

Dahil si Jihyo lagi ang incharge. Gagawa na ako ng hokage moves.

"Ahh... Jihyo bakit matamlay ngayon si Nayeon?" Napatingin sa akin si Jihyo at napakamot sa ulo.

"Ewan ko nga. Ilang araw na siya ganyan." Kahit papaano nakausap ko si Jihyo.

Lumapit ako kay Taehyung at siniko ko siya.

"Taehyung, sabihan mo na si Sana." Bulong ko.

Tumango na lang si Taehyung at hinila si Sana palayo.

Kinakabahan na ako, ano kayang sinabi ni Taehyung kay Sana?

Lumapit si Sana sa akin. At bumulong.

"Ikaw ah may gusto ka pala kay Jihyo..." Siniko siko ako ni Sana.

"Debale sasabihin ko na lang sa ibang girls. We will help you." Umalis na si Sana at bumalik kay Taehyung.

"Guys kain muna tayo! Nagluto ako!" Napatingin ako bigla ng malamang si Jihyo 'yon. So nagluto siya para sa amin?

Nagmadali akong umupo para makatapat ko si Jihyo, at sakto nakatapat ko nga siya.

Habang kumakain kami napapatingin ako sa kanya, siyempre pag hindi siya naka-tingin. Pag nakatingin siya, siyempre umiiwas ako. Pagkatapos naming kumain umuwi na kaming boys.

38th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now