CHAPTER 31

45 12 5
                                    

CHAPTER 31: Kidnap

SANA'S POINT OF VIEW
Ang sakit talaga sa damdamin na, yung mahal mo may iba na. Pero kasalanan ko rin naman eh, paano noon may gusto sa akin si Taehyung, pero hindi ko siya kayang mahalin, pero ngayon mahal ko siya pero may iba na siya.

"Sana, tanggap mo bang may ibang mahal si Taehyung?"  Ahhh! Bumabagabag sa isip ko yung mga salitang sinabi ni Jimin.

"Meron na, wag ka sanang masaktan." Sabi din ni Jungkook!

Kailangan wag ko ng isipin lahat ng iyon, kaya kong kalimutan lahat ng iyon! Kahit isang araw lang makalimutan ko si Taehyung, ok lang sa akin. Napatalon naman ako sa gulat ng may kumatok. Si Tzuyu pala.

"Unnie, alam ko na yung dahilan kung bakit nagmumukmok ka nanaman dito sa kwarto mo." Sabi niya.

"Sinong nagsabi sayo?" Tanong ko.

"Si Jihyo at Nayeon unnie. Yun pala yung dahilan kung bakit kayo umalis kagabi." Sabi ni Tzuyu.

May biglang pumasok, si Momo at si Mina.

"Sana outing tayo, para malimutan mo yung sakit na nararamdaman mo, dahil kay Taehyung." Sabi ni Momo.

So nakabihis na pala sila, hindi ako na-inform na aalis kami, i mean sila pala. Pero bakit itong si Tzuyu di pa naka-bihis?

"Tzuyu-ah bakit di ka pa nakabihis?" Tanong ko.

"Hinihintay kasi kita eh" sabi niya sa cute na tono.

"Ahhh!!! SaTzu fever nanaman ba? PDA?! PDA?!" Sabi ni Momo.

Kainis naman tong Momo na toh, hindi naman kami PDA, bakit? kami ba ni Tzuyu ah?! Makapag-bihis na nga, para makalimutan ko na si Taehyung. Nakababa na ako at ready to go na kaming lahat, sumakay na kami sa van.

Habang nasa van kami, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa likod. Kanina ko pa kasi napapansin yung isang puting van na sumusunod sa amin, hindi tuloy ako mapalagay. Sa wakas nakarating na kami, at wala na rin yung sumusunod sa amin, pero may kutob ako na may mangyayaring masama.

Habang naglalakad kami sa mall, may napapansin nanaman ako na sumusunod sa amin, lalaking naka-sumbrero, at matangkad, matangos ang ilong at medyo maputi, at balot na balot yung buong katawan niya, pati bibig niya nakatakip.

"Nayeon unnie, natatakot na ako, may sumusunod kasi sa atin na isang lalaki." Sabi ko, habang nanginginig sa takot.

"Akong bahala." Sabi ni Nayeon unnie.

Nung una isa lang yung lalaki, ngayon 7 na sila, pumunta kami ng cr para hindi nila kami masundan. Lahat kami pumasok na sa cr, at mamaya pa ay may narinig na kaming mga sigawan sa labas ng cr. Paglabas ko walang Nayeon unnie na sumalubong sa akin, bigla na lang tinakpan ang bibig ko ng panyo, may amoy na nakakahilo at bumagsak na lang ako bigla, sa mga oras na yun wala na akong naalala.

Nagising na lang ako, sa paligid ko ngayon ang tangi ko lang nakikita ay dilim at wala akong nakikita na kahit ano.

"Nayeon unnie, Jihyo unnie? Asan kayo?" Tanong ko.

Nagulat na lang ako ng may nagbukas ng ilaw, siya yung nakita kong lalaki na sumusunod saamin sa mall. Pero yung mga kidnapper parang mga walang alam, buti yung mga cellphone namin hindi pa nakukuha sa amin. Pwede pa kaming humingi ng tulong sa pamamagitan ng tawag. Ang tanging problema lang namin ay, nakatali ang mga kamay namin mismo sa inuupuan namin.

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now