CHAPTER 18

43 12 0
                                    

CHAPTER 18: Jin's Plan

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Paano ko kaya masosopresa si Sana? Paanong sopresa ko kaya mapapasaya si Sana? Dahil kakagising ko lang, bumaba na ako at ako na lang pala ang nagi-isa ang nasa itaas. Pagbaba ko andun sila lahat nanonood, umupo na lang ako sa tabi nila at nakasimangot lang ako.

"Oh bakit ka nakasimangot?" Tanong ni Jin hyung

"Wala lang." Tipid kong sagot, hanggang doon na lang ang paguusap namin wala ng kumibo sa mga oras na yun.

Nanonood nanaman sila, lagi na lang yang si Wonwoo, nakakairita ideal type niya pa naman si Sana, umakyat ulit ako sa kwarto at humiga sa kama at nag-isip isip paano kaya kung.

"Ahhhh! Bakit ka nandito??!" Sigaw ko

JIN'S POINT OF VIEW
Bakit kaya nakasimangot yung lalaking yun?? Parang galit na galit pa nagdududa na talaga ako sa mga pinag-gagagawa ni Taehyung ngayon.

"Guys? May napapansin ba kayo kay Taehyung?"

"Meron Jin hyung!" Sabi ni Jungkook habang lumalabas nanaman ang kanyang bunny teeth

"Anong napapansin mo maknae?"

"Parang may nililigawan ata siya pero si girl naman parang ayaw niya ata." Sad face na si Bunny boy, kanina lang ang saya saya niya ngayon parang iiyak na.

"Maknae! Sumama ka nga sa akin?"

"Sige po Jin hyung!" Tumatalon nanaman si Jungkook.

Umakyat kaming dalawa sa taas para puntahan si Taehyung, pero una kong pinapasok si Jungkook.

"Jungkook, maghasik ka ng kakulitan mo doon sa loob."

"Sige Jin hyung papasok na ako."

Pagpasok ni Jungkook may narinig akong sigaw at si Taehyung yun.

"Ahhhhhh!! Bakit ka nandito??!!" Sigaw ni Taehyung na para bang nakakita ng multo, tawa tuloy ako ng tawa, pero pagkalipas ng ilang minuto pumasok ako ng naka cross arms.

"Taehyung, sinong babae yan ha?" Tanong ko

"Teka paano niyo nalaman na may babae akong iniisip??" Nagtataka talaga siya sa tanong ko.

"Nagtanong kasi si Jin hyung, nagtataka nga rin ako sayo kaya sinabi ko kay Jin hyung na nabasted ka." Sabi ni Jungkook na para bang inaasar si Taehyung.

"Sino yang babaeng yan?" Grabe yung mga mata ni Taehyung ang laki, para ng lalabas.

"Teka, kilala niyo ba yung nililigawan ni Yoongi?" Tanong ni Taehyung, teka sinong nililigawan ni Yoongi? Minsan pala may feelings din si Yoongi.

"Jungkook, tawagin mo nga si Yoongi."

"Sige po Jin hyung." Bumaba na siya at pagbalik niya kasama niya na si Yoongi na nakasimangot.

"Anong kailangan niyo sa akin?" Sarkastikong sabi ni Yoongi.

"Sino ba yung nililigawan mo?"

"Bakit mo natanong Jin?" Tanong ni Yoongi.

"Kasi gusto naming malaman kung sino ang nililigawan ni Taehyung, kaibigan daw yun ng nililigawan mo." Sabi ko kay Yoongi.

"Ah ok si Nayeon lang naman ang nililigawan ko, tanungin ko na lang sa kanya kung ano ang mga pangalan ng friend niya, tawagan ko lang ah." Sabi ni Yoongi, lumabas siya saglit at bumalik agad.

"Yoongi, sino daw." Tanong ko

"Si Tzuyu, Sana, at Dahyun" sabi ni Yoongi na labas nanaman yung gilagid niya.

"Taehyung sino yung nililigawan mo sa tatlong yun?"

Bigla namang sumabat si Jungkook. "Si Tzuyu crush ko dun sa tatlo eh, siguro si Dahyun yung crush mo?"

"Hindi ah, si Sana yun! Alam mo namang girlfriend ni Jimin si Dahyun diba!" Napatakip ng bibig bigla si Taehyung.

"Ah si Sana pala ah" sabi ko

"Ayaw ba sa iyo ni Sana?" Tanong ni Jungkook kay Taehyung na nakataas pa ang isang kilay.

"Sosopresahin ko sana siya, pero hindi ko alam kung ano ang gagawin kong preparation." Naka pout si Taehyung ngayon, ang cute niya para siyang batang nawalan ng candy.

"Gusto mo tulungan ka namin?" Tanong ni Yoongi.

"Sige, Yoongi hyung tulungan niyo nga ako, para naman maging girlfriend ko na si Sana, matagal ko na siyang pinapangarap" nagmamakaawa na talaga si Taehyung kaya pagbibigyan ko na.

"Oo wag kang magalala Taehyung, tutulungan ka namin." Seryoso kong tono.

Umalis na ako sa kwarto niya at bumaba, sumunod naman si Yoongi at Jungkook sa akin. Habang nanonood yung ibang members, sinabi ko yung problema ni Taehyung.

"Guys! Pay attention muna." Lahat sila nagtinginan at pinatay na ni Namjoon yung TV para marinig nila.

"Bakit Jin hyung?" Tanong ni Jimin na nakatingala nanaman

"May problema kasi si Taehyung at kailangan natin siyang tulungan. Kilala niyo ba si Sana?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Ako Jin hyung! Kilala ko si Sana kaibigan yun ni Dahyun!" Pilit itinataas ni Jimin yung kamay niya pero hindi ko siya pinapansin.

"Gusto kasi ni Taehyung si Sana, pero hindi niya masuyo si Sana kaya kailangan niya ng tulong natin." Para ko na silang sinesermonan.

"So tutulungan natin si Taehyung gumawa ng date?" Tanong ni Namjoon

"Parang ganon na nga." Sabi ko

"Ok iaa-sign ko na kayo. Ako sa dinner nila, si Namjoon sa lugar kung saan sila magda-date, si Yoongi ang magco-contact kay Sana para malaman niya kung saan siya pupunta, si Hoseok sa decorations kasama niya na si Jimin at si Jungkook ok at si Hoseok na rin ang waiter." Isa isa ko silang tinuro.

Umakyat ako at nakita kong nakasilip si Taehyung sa bintana "Taehyung tapos na ang plano, ako ang gumawa para lang sa iyo." Habang nakahawak ako sa balikat niya.

"Thank you Jin hyung." Sabay yakap sa akin.

Bumaba na ako at sumabay na rin sa pinapanood nila.

18th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now