CHAPTER 27

46 13 5
                                    

CHAPTER 27: Amnesia

JUNGKOOK'S POINT OF VIEW
Grabe, kagabi pa wala si Taehyung, bakit kaya? Nagaalala na talaga ako. Si Jin hyung, nagaalala na rin, lahat kami dito naghihintay sa pag-uwi ni Taehyung.

"Jin hyung! Hanapin na kaya natin si Taehyung, wala pa din siya hanggang ngayon eh. Nagaalala na ako." Sabi ko kay Jin hyung habang palakad lakad.

"Jungkook, alam mo namang ako din nagaalala kay Taehyung pero sige tara na." Pag-aya ni Jin hyung sa amin.

Naglakad lakad kami umuulan pala, naglalakad pa naman kami sa kalagitnaan ng kalsada, ng may nakita kaming nakahigang lalaki. Tumakbo ako at tiningnan iyon, pagtingin ko si... TAEHYUNG!!! Tinawag ko sila.

"Jin hyung!!! Andito si Taehyung" sigaw ko, tumingin naman agad sila.

Tumakbo sila sa kinaroroonan ko, at nakita nila si Taehyung na walang malay. Dinala namin agad siya sa hospital. Pinahiram ko kay Jimin yung phone niya.

"Jimin, pwedeng pahiram ako ng cellphone mo?" Tanong ko.

"O sige, alam ko namang tatawagan mo agad si Sana, dahil si Sana lang ang makakapag-pagaan ng loob ni Taehyung." Sabi ni Jimin habang tinuturo ang ulo niya.

Tinawagan ko na si Sana.

"Sana, si Taehyung... May nangyari sa kanyang masama!"

"Anong nangyari kay Taehyung?! Nasaan kayo?!"

"Na-aksidente siya! At nasa ospital kami!"

"Sige papunta na ako."

Binaba ko ang telepono, at binigay ko ito kay Jimin. Nasa labas kami ng ER (Emergency Room) at hinihintay ang doctor ni Taehyung. Hanggang sa nakatulog ako.

JIN'S POINT OF VIEW
Andito kami ng boys sa labas ng ER hinihintay namin ang doctor ni Taehyung. Nakatulog na pala si Jungkook, Jimin at Hoseok. Nagulat na lang ako ng lumabas na ang doctor.

"Doc, ok po ba ang kalagayan ni Taehyung?" Sabi ko na para bang nagaalala.

"Oo ok lang si Taehyung, pero nagka-amnesia siya. Wag kayong magalala pwede pang bumalik ang alala ni Taehyung." Sabi ni Doc.

Umupo na ako, lumalabas na ang mga luha ko. So ang ibig sabihin nun, hindi niya na kami makikilala at magiging masaya na si Sana dahil hindi na siya makakagulo sa lovelife ni Sana.

Nagulat na lang ako ng dumating si Sana.

"Jin oppa! Asan na si Taehyung?!" Natataranta na tanong ni Sana.

Ginalaw ko ang ulo ko na ibig sabihin ay wala na.

"Anong wala na Jin oppa?!" Bumabagsak na ang mga luha ni Sana.

"Sana, may amnesia daw si Taehyung. So ang ibig sabihin nun, hindi na siya makakagulo sa lovelife mo." Mahinhin kong tugon.

"Marami kasi akong nasabing masasakit kay Taehyung, kaya siguro nagkaganyan siya." Niyakap niya ako bigla.

"Hindi mo naman kasalanan na nagkaganyan si Taehyung, masyado niya lang dinamdam lahat kaya nagkaganyan siya." Hinimas himas ko ang likod ni Sana.

Pinaupo ko na si Sana sa tabi ko at hinintay namin na lumabas ulit ang doctor ni Taehyung. Makakatulog na sana ako ng lumabas din sa wakas ang doctor ni Taehyung.

"Doc! Doc! Pwede po bang pumasok sa loob?!" Sigaw ko habang hinahabol si Doc.

"Doc, gusto ko na po puntahan si Taehyung!" Pagmamaka-awa ni Sana sa Doctor ni Taehyung.

"Teka miss, ikaw ba ang girlfriend ni Taehyung?" Tanong no Doc.

"A-ah h-hindi po ako, friend lang po ako ni Taehyung." Nauutal na sabi ni Sana.

"Mabuti naman, akala ko kasi ikaw ang girlfriend ni Taehyung. Baka kasi umiyak ka.." Sabi ni Doc habang hinihimas himas niya ang batok niya.

Pumasok na kami sa loob ng ER at nakita si Taehyung na mahimbing na natutulog. Nagulat kami ng biglang niyakap ni Sana si Taehyung.

"Taehyung, gumising ka! Sorry dahil nanaman saakin napahamak ka! At kung di mo ako makikila. Ako yung babaeng gusto mong mahalin, pero di mo magawa! Dahil ayoko sayo, sorry talaga." Lumuha na si Sana habang nakayakap siya kay Taehyung.

Biglang dumilat ang mata ni Taehyung, at tumingin si Sana sa kanya.

"T-Taehyung??" Nauutal na sabi ni Sana.

"Sino ka? At nasan ako?" Tanong ni Taehyung.

"Ako si Jin hyung, kami ang mga kaibigan mo. At si Sana ang pinaka-gusto mong babae, pero ayaw ka niya." Sabi ko kay Taehyung.

"Eto ba si Sana?" Tanong ni Taehyung.

"Oo, siya si Sana." Tugon ko kay Taehyung.

Walang kibo si Taehyung sa kinahihigaan niya, tanging hinga niya lang ang inilalabas niya sa bibig niya. Ako at sila Namjoon ay nakatingin lang kay Sana at Taehyung, iyak talaga ng iyak si Sana, hanggang sa napatahan ni Jungkook si Sana.

"Sana, ok ka na?" Tanong ni Jungkook kay Sana.

"Oo Jungkook ok lang ako." Tugon ni Sana.

Dito lang si Sana natulog sa ospital, gusto niya talagang masilayan si Taehyung. Kung ako kay Sana, uuwi na lang ako para wala masyadong problema, hindi ibig sabihin nun problemado ako kay Taehyung.

Sinamahan na namin si Sana, pauwi at sinalubong siya ng girls na nag-aalala din sa kanya.

27th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now