Chapter 40: Leaving Plan
YOONGI'S POINT OF VIEW
Nag-pasya na ako, na ako na ang mag-aalaga kay Nayeon, wala naman sigurong masama. Pero natatakot ako kasi baka galit siya sa'akin, sa pagsa-sabi niya ng totoo sa harap ko, hindi ko talaga akalain na may gusto siya sa'akin dati pa.Nasa harap ko siya ngayon, mahimbing siyang naka-higa. Sa totoo lang kahit ako nagkaka-gusto narin sa kanya, sa tuwing kasama ko siya. Kapag tinitingnan ko ang nga mata niya, nagniningning, parang isang anghel.
Kaya masaya ako sa nalaman ko pero, di ko alam mag-mula sa araw na ito kung mag-kaibigan pa ba kami. Siguro kapag naging akin 'tong babaeng 'to ako na siguro ang pinakama-swerteng lalaki sa buong mundo.
Kahit galit siya, maghi-hintay ako para sa kanya, kahit hindi ko masabi sa kanya ang mga katagang 'to. Maghi-hintay ako.
Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo at ipinunas ito sa mga braso, kamay, binti at paa niya. Kailangan ako mag-alaga dahil ako ang dahilan kung bakit nagkaka-ganyan siya.
Oo inaamin ko nagkaroon kami ng mis-understanding pero, kailangan kong gawin ang responsibilidad ko dahil kaibigan niya ako. Mag-mula na rin sa araw na ito hindi na kaibigan ang turing ko sa kanya, kundi mas higit pa sa kaibigan. Pero hindi ko pwedeng sabihin pa sa kanya, kahit na umasa pa siya.
Naka-titig lang ako sa kanya, maya maya may nag-bukas ng pintuan.
"Ano nakapag-usap na ba kayo?" Tanong ni Jin.
"Hindi pa e. Sobrang himbing na ng pagkakatulog niya, malalim na rin kasi ang gabi." Sabi ko sabay tayo.
"Bukas kakausapin mo ba siya?"
"Oo baka bukas na, napag-isipan ko narin naman kung ano ang sasabihin ko sa kanya ng harapan."
"Good!" Tinapik tapik ni Jin ang balikat ko.
Tumalikod siya at lumabas na ng kwarto, binalik ko ulit ang tingin ko kay Nayeon, lumakad ako papalapit sa kanya at bigla kong hinalikan ang noo niya.
"Goodnight, sweetdreams. Bukas na lang." Lumabas na ako at pag-dating ko sa baba handa na sila para umuwi.
Pag-pasok namin ng van, maraming tanong ang sumalubong sa akin.
"Ano ba ang sasabihin mo kay Nayeon?" Tanong ni Jin.
"Kung pwede lang sana wag niyong sasabihin lahat ng maririnig niyo sa mga oras na 'to. Lalong lalo na sa inyo Taehyung at Jimin." Napa-tango silang lahat.
"Alam niyo, ako rin nagkaka-gusto na rin ako kay Nayeon, hindi ko alam ang dahilan pero panahon na rin ata para lumayo ako sa kanya, hindi ko kasi kayang mawala siya sa'akin. Ang alam ko friends lang kami FRIENDS!! At hindi pwedeng mangyari yun, baka iwan niya na lang ako, alam ko may gusto siya sa'akin pero baka napipilitan lang siya." Napa-hawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang daming iniisip.
"Alam mo hindi ka iiwan nun kasi mahal ka nga niya e. Bakit ka iiwan?" Suggestion ni Jin.
Hanggang sa nakarating na kami sa dorm, dumiretso ako sa kwarto ko at humiga agad.
"Panahon na siguro para isulat ang lahat ng nararamdaman ko, hindi ko muna sasabihin sa kanya na mahal ko siya, sasabihin ko lang na sorry." Yun lang naman kasi ang naiisip ko e.
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...