CHAPTER 34

47 10 5
                                    

CHAPTER 34: Proposal Plan

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Ano kayang pwedeng gawin sa proposal na gagawin ko para kay Sana? Nararamdaman ko na yung feelings ko para kay Sana, mahal ko na siya ulit, bumalik na ako sa dati. Bumalik na yung Taehyung na kilala niya.

Bumaba ako para pumunta sa sala at manood, nakita ko si Jimin na may tinatawagan at alam kong si Dahyun yon, habang si Jungkook naman may ka-text siguro si Tzuyu yon. Umupo na lang ako sa sofa at binuksan ko yung TV, napanood ko yung isang palabas na "Un-expectedly Yours".

Nag-propose siya at may pakanta-kanta pang nalalaman, so gagawin ko to kay Sana, mapa-saya ko lang siya gagawin ko ang lahat.

Tumayo ako at hinanap ko si Jin hyung, sa kanya ko muna sasabihin ang plano kahit na sila Jungkook ang may alam na may proposal plan ako. Nakita ko si Jin hyung sa kusina nanaman, bakit ba laging nandito to?

"Ummm, Jin hyung. May sasabihin nga pala ako sayo, sekreto muna to." Bulong ko sa tenga niya at tumango lang siya bilang sagot.

"May proposal plan kasi ako para kay Sana, so tutulungan niyo ako. Alam na nila Jungkook na may proposal plan ako, pero ikaw ang maasahan ko kaya ko ito sinasabi sayo." Nakita ko yung reaction ni Jin hyung, yung tipong gulat na gulat. Umiinom pa man din siya.

"So, mahal mo na siya?" Tanong ni Jin hyung habang naka-devil smile

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"So, mahal mo na siya?" Tanong ni Jin hyung habang naka-devil smile.

"Oo Jin hyung, mahal ko na siya. Bumalik na yung feelings ko para sa kanya, bumalik na yung dating Taehyung na kilala niya." Sabi ko, sobrang laki ng ngiti ko kasi na-sabi ko na kay Jin hyung ang lahat.

"Sige support kita diyan. Pero bakit hindi mo pa sabihin sa kanila?" Tanong ni Jin hyung at napahimas siya sa kanyang baba.

"Sasabihin ko na to sa kanila, at papapuntahin ko yung girls dito, pero si Sana dapat hindi niya marinig lahat ng plano." Kumindat ako kay Jin hyung, tumalon talon ako dahil sa saya.

Pag-punta ko sa sala, inakbayan ko si Jimin, nang-uuto ako eh.

"Jimin, tawagan mo nga si Dahyun, sabihin mo punta silang lahat dito, please." Sabi ko kay Jimin habang naka-puppy eyes.

Nakita naman ako ni Jungkook.

"Ano nanaman ginagawa mo Taehyung? Inu-uto mo nanaman si Jimin." Sabi niya habang nakalabas ang kanyang bunny teeth.

"Oo na, tatawagan ko na" Sabi ni Jimin at lumabas para kausapin si Dahyun.

Umupo lang kami ni Jungkook at maya maya pa, pumasok na si Jimin.

"Ano Chim? Pupunta ba sila?" Tanong ko sa excited na tono.

"Oo pupunta sila dito, sa katunayan nga on the way na sila." Sabi ni Jimin, kaya umakyat ako sa kwarto ko at nag-bihis ako, alangan namang mag-pakita ako ng madungis ako.

Bumaba na ako at umupo sa sofa para hintayin sila, maya maya pa tumunog ang doorbell, nag-unahan pa kami ni Jungkook sa pintuan. Sa huli ako rin ang na-una, pag-bukas ko tumambad sa akin ang mukha ni Sana.

"S-Sana, tuloy kayo." Sabi ko at pinapasok ko sila, umupo lang sila sa sofa.

Agad kong pinuntahan si Jin hyung sa kusina.

"Jin hyung, turuan mo muna mag-luto si Sana. Para pag naging kami na, siya na ang mag-luluto." Sabi ko kay Jin hyung at agad na pumunta kela Sana.

Lumapit ako kay Nayeon noona. "Nayeon noona, kung pwede lang papuntahin mo si Sana kay Jin hyung sa kusina."

Tumango siya at binulungan si Sana, ng makaalis si Sana pinag-tipon tipon ko silang lahat.

"Guys, pag-uusapan natin yung sa proposal na gagawin ko kay Sana, and guess what? Bukas ko na gagawin yon." Sabi ko at nakangiti ng malaki.

"Bakit sobrang bilis naman Tae?" Sabi ni Dahyun na naka-kunot ang noo.

"Siyempre excited na ako eh, and by the way tutulungan niyo ko bukas para kay Sana."

"Oo na bilisan mo na kasi, inaantok na ako." Sabi ni Yoongi hyung na katabi lagi si Nayeon noona.

"Oo nga bilisan mo na Tae, inaantok na kasi si hubby ko." Sabi ni Nayeon noona kaya napatingin kami sa kanya lahat, maging si Yoongi hyung gulat na gulat sa sinabi niya.

"Teka lang guys ah, maistorbo ko kayo. Nayeon unnie kayo na ba ni Yoongi oppa?" Tanong ni Jihyo.

"Wala lang yun guys, ang mabuti pa pag-usapan na natin yung tungkol sa proposal." Sabi ni Nayeon noona na para bang kinakabahan.

"Ok the plan is: Si Nayeon at Jeongyeon noona ang sasalubong kay Sana, then si Namjoon at Seokjin hyung ang susunod, Momo and Jihyo, then Yoongi and Hoseok hyung. Si Jimin at Jungkook ang kakanta, Mina and Tzuyu kakanta rin, then si Chaeyoung at Dahyun ang mag dedecorate ng buong lugar. Yung mga sasalubong may mga hawak na flowers, and sila Jimin at Jungkook may hawak na gitara habang sinasabayan nila si Tzuyu at Mina. Gets?!"

"Gets!!!" Sabay sabay nilang sabi.

"Sasabihin ko na lang kay Jin hyung kung saan siya pupuwesto ok." Sabi ko at nag like sign.

Pinauwi ko na rin ang girls dahil alam kong pagod na sila, gentleman ata to!
Lumapit ulit ako kay Jin hyung.

"Jin hyung, ano na? Naturuan mo ba si Sana?" Tanong ko.

"Ang bilis matuto Tae." Sabi ni Jin hyung kaya ngumiti ako ng sobrang laki, ng mabalitaan ko na marunong pala si Sana.

"Sige Jin hyung bye!!" Sabi ko at kumaway, umalis ako dahil bibilin ko ang mga kailangan para bukas.

34th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now