CHAPTER 3

104 19 0
                                    


CHAPTER 3: YOONGI'S SECRET

NAYEON'S POINT OF VIEW
          Pagdating namin sa university, dumiretso kaming apat sa locker room, nakita ko si Yoongi na may tinatago sa kanyang locker, ano kaya iyon? Sana naman hindi sekreto yun.

"Guys sa tingin niyo may tinatago si Yoongi?"

"Sa tingin ko" sabi ni Dahyun

Lumabas na kami ng locker nakita ko si Yoongi kasama niya yung 3 lalaki, gwapo naman sila lahat baka etong tatlong ito may magustuhan sa kanila, magugulat na lang ako pag may nagustuhan si Tzuyu na lalaki doon sa tatlo. Lunch na ngayon at nakakita kami ng upuan pero pang walong tao ito, nag order naman si Dahyun ng foods.

Maya maya may naghahanap ng upuan at yun ang grupo ni crush, gusto ko ng tumili pero pinipigilan ko lang.

"Pwede bang makiupo?" Tanong Yoongi

"Pwede." Mahinhin kong sagot

Kaya umupo sila, nakita ko naman si S.coups na kumuha na ng pagkain niya, ang hindi ko alam ay nasa likod ko na pala siya, napakasama ng tingin niya kanino kaya? Lumapit siya sa akin at biglang sumigaw.

"Layuan mo nga si Nayeon" sabi ni S.coups kay Yoongi

Bakit ganito sila? Bakit sila naga-away may ginawa ba si Yoongi na mali kay S.coups basta hindi ko alam kung bakit. Inawat namin sila yung barkada ni Yoongi ang bahala sa kanya, samantalang kami nila Tzuyu ay nakahawak kay S.coups. Pagkatapos ng away nila pinaglayo namin sila.

Kaya naman nagdedisyon akong itanong kay S.coups kung ano ang mali kay Yoongi, umiiyak si S.coups sa galit tinabihan ko siya.

"S.coups, tanong lang bakit ka ba galit kay Yoongi?"

"Ganito kasi yun Nayeon, siya lang naman ang bumubully sa akin noong bata ako, kaya nagalit ako sa kanya dahil ayokong nakikitang magkasama kayo!" Nangigigil na sagot ni S.coups

Bakit parang hindi si Yoongi ang nakikita ko ngayon, ibang iba siya kesa sa sinasabi ni S.coups. Ano ba talaga ang katotohanan?

"Wag kang magalala S.coups, sa susunod magiingat na ako."

Iniwan ko na siya at dumiretso sa bahay namin, at pumunta kela Yoongi. Nakarating na ako kela Yoongi para itanong kung may problema ba sila ni S.coups kinatok ko siya, buti na lang at bumukas agad.

"Yoongi, ako nga pala yung classmate mo, Im Nayeon, pwede ka bang makausap?"

"Sure"

Pinapasok niya ako sa bahay niya, so wala siyang kasama sa bahay solo ko lang siya ngayon, walang panira sa moment namin. Ang saya ko talaga na makasama siya ngayon pero, kaya lang naman ako napaparito dahil lang sa kaibigan ko. Umupo na ako, umupo narin siya, umaapaw ang katahimikan kaya binasag ko ito.

"Yoongi kilala mo ba si Seungcheol?"

"Oo kilala ko siya, bakit mo natanong?"

"Kasi sinabi niya sa akin na marami daw kayong hindi nakakapagkasunduan, sa mga bagay bagay." sabi ko ng mahinhin sa kanya

"Ah, Nayeon pwede bang umuwi ka na, kasi napag-alaman kong may homeworks pa na gagawin."

Pinalabas niya ako at nilock ang pinto, napagisip-isip ko may takdang aralin ba kami kanina? Or niloloko niya lang ako para hindi niya masabi kung anong meron sila ni Seungcheol.

YOONGI'S POINT OF VIEW
          Nagsinungaling ako kay Nayeon para lang hindi masabi sa kanya ang pag-aaway namin ni Seungcheol, matagal tagal na rin nung huli kaming mag-away ni Seungcheol, pero ngayon nagbago na ako, hindi na ako yung katulad nung dati na nangbu-bully.

Para hindi ko matuluyang masabi kay Nayeon ang lahat sinulat ko ito sa papel at itinago muna sa aking drawer. At pagkalipas ng ilang oras nakatulog narin ako.

3rd Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now