CHAPTER 2

113 13 0
                                    


CHAPTER 2: S.COUPS' PROBLEMS

S.COUPS' POINT OF VIEW
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Nayeon, si Yoongi ang bago niyang crush? Ang alam ko ako ang crush niya kaya naman ako naging emosyonal ng marinig ko sa bibig ni Nayeon na si Yoongi ang bago niyang crush, hindi ko mapigilang mapa-luha, matagal narin kasi akong may gusto kay Nayeon. Naunahan na ata ako, kaya galit ako kay Yoongi ganito ang nangyari.

*Flashback*

Papasok na ako ng eskwela Grade 3 pa lang ako, sabi ng mga kaklase ko may isa daw lalaking sobrang tapang, hanggang sa nakita ko si Yoongi sobrang angas niya talaga, parang hindi ko siya kayang labanan dahil nagmamadali ako papuntang room nasa kalagitnaan siya ng daan, at mabilis akong tumakbo at sa hindi sinasadya, nabangga ko siya!

"Hoy! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!"

Kumunot ang noo ko akala mo kung sino magsalita tong lalaking to kaya sinigawan ko din siya tulad ng ginawa niya sa akin. Tumayo siya at tinulak ko.

"Ano bang problema mo hari ka ba ng daan ha, Stupid kid!"

Sakto namang nakita ng teacher namin ang ginawa ko ang akala nila ako ang nang bu-bully, kaya naman pareho kaming nasa detention, hanggang dito sa detention nambu-bully to! Kainis talaga. Natapos narin ang oras sa detention, this is the worst 1st day of school ever, sabi ko sa isip ko.

Pumasok na ako sa room, nadatnan ko naman siya sa room namin isa siya sa mga kaklase ko at katabi ko pa siya sa upuan, pagupo ko nahiya ako hindi ako ang umutot, yun pala nilagyan niya lang ang upuan ko ng lobo para kunwari ay may umutot. Tumayo ako sa sobrang inis ko ay nasapak ko na siya, maya maya may narinig akong sigaw.

"Mr. Choi stop it, this is the 2nd time na binu-bully mo si Mr. Min isa na lang at matatangal ka na sa school na ito!"

Natatakot naman ako na maalis sa school na ito, kaya ang ginawa ko hindi ko na lang pinansin ang mga panga-asar nila sa akin. Then one day field day namin at kasama ko siya sa baseball team namin, at sakto ako ang pitcher. At paghagis ko ng bola ay tumama ito sa mata ni Yoongi.

"Mr. Choi sumusobra ka na out ka na sa school na ito, bukas na bukas wala ka na dito fix your things now!"

Nabalitaan ko na lang na nanlabo ang isang mata ni Yoongi at nagsu-suot na siya ng salamin ngayon.

*End of Flashback*

Gusto ko sanang protektahan si Nayeon sa Yoongi na yun, pero sasama ang loob sa akin ni Nayeon pag ginawa ko yun, makakaapekto ito sa pagkakaibigan namin. Siguro wag ko munang kausapin at samahan papunta at pauwi ng eskwela si Nayeon.

NAYEON'S POINT OF VIEW
Paglabas ko ng bahay para pumasok, wala akong nadatnan na S.coups sa tapat ng bahay namin na maghahatid at magsusundo sa akin, nakakalungkot siguro sumama ang loob niya dahil kay Yoongi. Gusto ko tuloy mag sorry, dahil wala akong kasama pinuntahan ko na lang sila Dahyun, Tzuyu at Sana para samahan ako. Nakarating na ako kela Tzuyu.

"Tzuyu! sabayan mo na ako pumasok sa university!"

"Oo na pababa na!"

2nd destination namin ay kay Sana, eto talagang si Tzuyu napaka-cold kahit kailan. Paano na lang kaya kung magkaroon ng boyfriend si Tzuyu, all day cold siya habang yung BF niya inaasikaso siya, hayz.

"Sana! Andyan ka ba? Sabayan mo naman kami ni Tzuyu papuntang unversity!"

Bakit ganon walang sumasagot, siguro walang tao sa kanila, tumalikod kami ni Tzuyu at biglang napatalon sa gulat, nasa likod lang pala namin si Dahyun all time!

"Ano ba andito lang ako sa likod niyo ni Tzuyu all the time!"

Habang naglalakad kami, napansin kong si crush yung naglalakad may kasamang 3 lalaki, de bale sa university magkikita naman kami.

2nd Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now