CHAPTER 8

63 11 2
                                    


CHAPTER 8: VERNON'S MISSING PICTURE

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
          Papasok na ako, dahil late akong nagising nagmamadali akong kumilos, paglabas ko ng bahay nakita ko ang isang pirasong maliit na papel at pinulot ko ito, may nakasulat na pangalan "Hansol Vernon Chwe" ang nakasulat sa likod ng papel at pagtingin ko sa likod ng papel na iyon ay ang larawan ni Dahyun.

Dahil sa gulat ko, napag-isip isip kong itago ito at sabihin kay Jimin, baka sakaling magulat siya sa makikita niya. Habang nangangala-hati na ako sa oras ng paglalakad, nakita ko si Vernon na para bang may hinahanap, hinahanap niya siguro yung picture ni Dahyun, kaya kinausap ko siya.

"Vernon, bakit ka pa andito? May hinahanap ka ba?"

"Ahh, wala lang may nalimutan lang!"

Halatang nagsisinungaling ito, kaya ayan iniwan ko na siya buti na lang pag-rating ko sa university naka-abot pa ako sa 1st subject namin, si Jimin nakatulala lang napapapikit na siya sa sobrang antok, kaya lumapit ako sa kanya at ginising siya, hinampas ko kasi ang lamesa, dahilan para siya ay magulat.

"Bakit mo ako ginising?!" Pagalit na tanong ni Jimin

"Pre relax lang may sasabihin kasi ako sayo, kita tayo mamayang lunch."

Tumango siya, at dumating na ang oras para mag-lunch kami, hinihintay ko siya bakit ba minsan napakabagal niyang maglakad? Ay oo nga pala maliit yun onti lang ang taas ng kanyang mga binti, napatawa na lang ako bigla ng may tumapik sa akin, si Jimin na pala iyon.

Pinasunod ko si Jimin sa upuan namin, ano kaya ang reaksyon mukha ni Jimin mamaya? Magugulat, magagalit ay basta, umupo na ako at umupo narin si Jimin.

"Taehyung, ano ba ang kailangan mo?"

"Sabi ko naman sayo kanina, may ipapakita ako sayo!"

Kaya tumabi na lang siya sa akin at nilabas ko na ang picture ni Dahyun, ipinakita ko muna ang pangalan ni Vernon.

"Teka Taehyung ano yan?"

"Pangalan yan ni Hansol diba, tingnan mo sa likod."

Nagulat siya sa nakita niya halatang galit na galit siya kay Vernon, kahit na kaibigan niya ito, kaya niya paring magalit, kahit nga sa akin noon muntik niya na akong suntukin, buti na lang at dumating ang mga kaibigan ni Dahyun kundi natuluyan na ako.

Tumayo siya, dala dala niya parin yung picture ni Dahyun, alam kong papunta siya kay Vernon para kausapin ito. Pero baka may mangyaring masama kay Vernon sa galit ni Jimin hindi niya na ito papakawalan pa.

Kaya pinuntahan ko na lang ang mga kaibigan ni Dahyun para resbakan si Vernon, tatawagin ko na rin ang tropa para awatin si Jimin.

JIMIN'S POINT OF VIEW
Sa oras na makita ko ang Vernon na yan, malalagot siya sa akin. Itinuri ko siyang kapatid tapos kukunin niya ang pinakamatagal ko ng gusto! Anong gusto niya harapan ba?

Sa ngayon kung saan saan napupunta ang tingin ko, dahil hinahanap hanap ko si Vernon, hanggang sa nakita ko siya sa locker niya, agad naman akong tumakbo palapit sa kanya sabay sapak.
Siguro nagtataka siya kung bakit ko siya sinapak.

"Jimin, bakit mo naman ako sinapak?"

"Sige tingnan mo kung kanino ito!"

Inilabas ko ang picture ni Dahyun na may pangalan niya, titig na titig ako sa mga mata niya hindi ko maiwasang mainis, nagulat siya sa nakita niya. Agad niya itong kinuha at tumakbo papalayo, nagulat ako ng kinuha niya ang picture kaya hinabol ko siya.

Sa sobrang pagmamadali ko ang hindi ko alam natamaan ko si Momo, isa siya sa mga kaibigan ni Dahyun kaya hinabol nila ako, dahil nakatingin ako sa likod hindi ko alam pader na pala ang sasalubong sa akin kaya nabangga ako at hindi ko na alam kung ano ang nangyari

8th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now