CHAPTER 41

25 4 0
                                    

Chapter 41: Run! Run!

NAYEON'S POINT OF VIEW
Bakit kailangan niya pang umalis?? Sa ngayon hindi na ako maka-hinga sa kaka-iyak dahil kay Yoongi. Andito na ako sa sahig kaka-iyak. Susundan ko pa ba siya?

Dumating si Jihyo at dali dali akong pinatahan.

"Nayeon unnie anong problema??" Tinapik tapik niya ulit ang likod ko katulad ng ginawa niya sa'akin kagabi.

"Iiwan na ako ni Yoongi!"

"Paano mo nalaman??"

"Kaka-alis niya lang at ibinigay 'tong letter." Binigay ko kay Jihyo yung letter at binasa niya ito.

"Oo nga, hahabulin mo ba siya?"

"Oo hahabulin ko siya kahit anong mangyari!" Tumayo ako at pumasok kami ni Jihyo sa dorm.

"Oh? Anong nangyayari?" Tanong ni Jeongyeon.

"Basta sumama na lang kayo, baka maiwan pa ako nun." Kinuha ko lahat ng importanteng bagay, pumasok na kami sa van at nagpa-drive.

Habang papunta kami sa airport hindi ko mapigilang mapa-luha.

"Bakit ba kasi kailangan niyang umalis?"

"Hindi namin alam, siguro gusto na niyang lumayo sa'yo." Suggestion ni Momo.

"Ang point ko bakit nga gusto niyang lumayo sa'akin?" Hindi ko talaga alam ang dahilan.

"Hindi rin namin alam ang dahilan, siguro kailangan mong tanggapin na aalis na si Yoongi." Sabi ni Jeongyeon.

Maya maya pa nakarating na kami sa airport, dali dali akong bumaba, pumasok ako ng hindi alam ng mga security, hinanap ko siya.

At sa wakas sa tagal ko siyang hinanap, nakita ko narin siya. Tumakbo ako sa gawi niya, at bigla siyang niyakap patalikod. Nakita kong kasama niya yung ibang boys.

Napansin ko din na kakadating lang nung ibang girls, pagod na pagod. Sobrang bilis tumulo ng mga luha ko, dahil lang sa lalaking 'to.

"Oh Nayeon bakit ka nandito? Bakit mo pa ako hinabol?" Naga-alalang tanong ni Yoongi.

"Hinabol kita kasi gusto kitang tanungin kung bakit gusto mong umalis? Humagulgol ako ng iyak.

"Wag ka ng umiyak, may gagawin lang naman ako sa ibang bansa. Dun lang naman ako magtra-trabaho ng ilang years." Pinunasan ni Yoongi ang mga luha ko.

"Please. Yoongi. Wag kang umalis. Alam mo naman kung bakit diba? Ganyan ka na ba talaga? Umamin lang ako sa'yo nilalayuan mo na ko." Hindi ko napigilan ang mga luhang bumabagsak.

"Basta, kailangan ko ng umalis. Naka sched na ang flight ko. Kung gusto mo muna ako makasama i will be with you, saglit lang. Mamaya pa naman flight ko e." Sabi niya at niyakap ako.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Guys, pwede bang iwan niyo muna kami? Magbo-bonding lang kami bago ako umalis." Sabi ni Yoongi, tumango na lang sila, at bigla naman akong hinila ni Yoongi papunta sa isang cafe sa airport.

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now