CHAPTER 17

44 10 0
                                    

CHAPTER 17: CONFESSION?

SANA'S POINT OF VIEW
Sa ngayon may bagong couple na kami at yun ay si Dahyun at si Jimin, bakit bigla na lang naging sila? Ay ewan basta masaya ako sa bagong couple, kuntento na ako kahit wala akong lovelife basta nandyan lang sila unnie para sa akin. At dun sa Taehyung na yun titig ng titig sa akin parang mawawala ako pag lumipat ang tingin niya.

Nakaupo lang ako dito sa bench ng park, dahil busy silang lahat eto ako nagiisa nanaman lagi naman akong nagiisa. Nabigla na lang may lumapit na lalaki sa akin at inakbayan ako, ang sarap sa feeling sa kalagitnaan ng gabi may umaakbay sa akin ng ganito, hindi ko pa siya tinitingnan dahil nahihiya ako.

Siguro oras na para tingnan ko siya, nagulat ako sa nakita ko bakit nandito siya? Diba kasama siya ng mga kaibigan niya sa mga oras na to? Paano niya nalaman na nandito ako sa Park?

"Taehyung, bakit nandito ka?"

"Bakit ayaw mo ba ako ang nasa tabi mo?"

Grabe namumula na ang mukha ko, sana di niya nahahalata, at bakit napaka concern niya sa akin? Wag ko ng isipin na magiging kami, baka mamaya meron na siyang iba, baka kinocomfort niya lang ako, or sinasamahan dito sa park. Nakatitig na siya sa akin, ano ba ang gagawin ko?

Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakatitig sa akin, teka ano ba ang pinagagagawa nitong lalaking to? Lasing ba to o may saltik? Ang dami tuloy gumugulo sa isip ko, ano ba yan! Bakit niya to ginagawa sa akin?!

"Tae-Taehyung, anong ginagawa mo?" nauutal kong sabi

"Alam mo ba Sana, matagal na kitang pinapangarap, simula nung una kitang makita ikaw na talaga ang unang nakapagpatibok ng puso ko."

Nagulat talaga ako sa sinabi niya, ngayon lang ako nakarinig ng ganyang salita, naninibago ako bakit ganun ang nararamdaman ko?

Hindi ko na matiis ang confession ni Taehyung kaya umalis na lang ako dumiretso na ako sa dorm, pagdating ko sa dorm lahat sila tulog na. Pero may naririnig akong boses sa maknae room, si Dahyun kausap nanaman si Jimin, bakit ba di siya mapakali kapag hindi niya kausap si Jimin???

Umakyat na lang ako dahil, hindi ako maka-get over dun sa ginawa at sinabi ni Taehyung. Humiga na lang ako habang yung iba tulog na si Dahyun porket may boyfriend na hindi masyadong nakaka-tulog ng maaga dahil sa kaka-chat, hays ang dami kong iniisip matulog na lang kaya ako!

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Buti nga si Jimin, gusto din ni Dahyun, eh ako?! Gusto ko si Sana pero ako hindi niya ako gusto, paano ko naman siya mapapa-oo kung liligawan ko siya? Sobrang mula ng pisngi ni Sana pero umalis na lang siya bigla, parang wala lang ako sa kanya.

Nung iniwanan ako ni Sana naglaro na lang ako, para akong bata bumabalik lang ako sa nakaraan ko, de baleng mapag-iwanan basta masaya. Pagkatapos kong maglaro umuwi na ako papuntang dorm, lahat sila tulog na maliban kay Jimin, kausap nanaman niya si Dahyun. Naiingit tuloy ako sa dalawang to! Basta may gagawin ako bukas na bukas.

Sosopresahin ko si Sana, kung tatangapin man niya o hindi ok lang basta nasopresa ko siya, malay mo magbago ang isip niya, o maging true love niya nga ako. Matutulog na nga ako masaya akong matutulog basta maisip ko lang si Sana.

17th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now