CHAPTER 42

23 5 0
                                    

Chapter 42: Friendzone

NAYEON'S POINT OF VIEW
"Paano mo nalamang andito ako?"

"Paano ko nalamang andito ka?"

"Oo paano?" Naramdaman kong hinihimas himas niya ang likod ko para maging comfortable ako. Naalala ko tuloy yung bestfriend ko.. At itong lalaking ito yon.

"Papunta sana ako sa inyo.. Pero nakita kita na umiiyak sa sahig. Nung umalis kayo sinundan ko kayo. At sinundan kita hanggang dito." Napayakap tuloy ako ng mahigpit.

"Bakit kailangan mo pa akong sundan?"

"Dahil ikaw ang bestfriend ko. Hindi magbabago 'yon. Pero alam mo naman na may pagtingin ako sa'yo hindi ba?" Tumango na lang ako.

"Tara pagusapan natin ang lahat. Andito naman ako para sa'yo. Wag kang magsabi na empty pa ang buhay mo kahit wala na siya."

Hinila niya ako palabas ng airport at sumakay kami sa sasakyan niya.

"May pupuntahan tayo."

"Saan?" Tanong ko. Wala naman akong alam na ganito ang mangyayari.

"Kung saan mailalabas mo ang nararamdaman mo na walang pagaalinlangan." Bigla niyang binuksan ang makina ng kotse.

Habang nagmamaneho si Sungcheol gusto ko sana siyang kausapin about sa kanya kung bakit hindi siya nagpakita ng ilang buwan.

Binasag niya ang buong katahimikan. "Ano bang nangyari? Bakit aalis na lang si Yoongi?"

"Dahil nahihiya ako sa nangyari sa'amin nung mga araw na nakita namin si Jungkook at Tzuyu sa park." Napayuko ako bigla.

"Ano bang nangyari sa park?"

"Nag-tago kami ni Yoongi, nahila ko siya kaya nakahiga kami parehas at magka-holding hands pa. Tapos simula nung araw na 'yon nahiya na ako sa kanya at hindi ko siya inimik. At akala niya wala na akong pake sa kanya." Tumulo ulit ang mga luha ko.

"Pero yun ba yung dahilan kung bakit siya umalis?"

"Ang alam ko oo 'yon ang dahilan. Pero ang sabi niya sa'akin may aasikasuhin lang daw siya sa ibang bansa."

"Kakausapin ko na lang si Yoongi." Napatingin ako kay Sungcheol.

"Cheol, wag please wag." Pakiusap ko. Tumango na lang siya.

"Bakit ayaw mong kausapin ko si Yoongi?" Nakakunot ang noo ni Sungcheol.

"Dahil ayoko na ipaalala sa kanya 'yon. Nagkamabutihan na kami kanina at ayoko na rin sumama ang loob niya sa'akin."

"Kung yan ang gusto mo nirerespeto ko naman." Sabi niya at biglang hinawakan ang kamay ko.

"Alam ko naman 'yon Cheol. May tiwala ako sa'yo dahil bestfriend kita." Pinatong ko ang isa ko pang kamay sa kamay ni Sungcheol na nakahawak sa kamay ko.

"Andito na tayo." Luminga linga ako sa paligid at nakita ko nandito kami sa may bundok.

"B-bakit tayo nandito Cheol?" Nagtataka kong tanong.

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now