CHAPTER 11

61 11 1
                                    


CHAPTER 11: JEALOUS

NAYEON'S POINT OF VIEW
Bakit ba parang nagseselos ako pag nakikita kong magkasama sila Sowon at Seungcheol, bakit ba parang nasasaktan ako tuwing naiisip ko na sila na. Meron namang ibang itinitibok ang puso ko, at iyon ay ang lalaking kaaway ni Seungcheol, si Yoongi.

Lagi na lang ako umiiyak, hindi makatulog, dahil sa kakaisip kay Seungcheol. Gusto ko namang makalimutan ang lahat ng nangyari dati, pati si Dahyun dinadamdam na ang problema niya kay Vernon at Jimin.

Kahit ganon ang problema ni Dahyun, lumalaban parin siya, eh ako parang wala lang sa akin, para na nga akong sinasaktan ni Seungcheol eh, sinasaktan niya ako sa paraan na nagseselos ako sa kanya.

Nakasalubong ko si Yoongi, kasama niya ang mga kaibigan niya, maya maya hinawakan niya ang braso ko nagulat na nga lang ako sa ginawa niya pinaalis muna niya ang mga kaibigan niya, hindi pa nakakalayo ang mga kaibigan niya, bigla niya na lang akong yakapin. Sakto namang dumaan si Seungcheol at napatingin sa amin, hindi niya kasama ang girlfriend niya kaya malaya siya.

Ang sama ng tingin ni Seungcheol saakin, parang masusunog na ako sa titig niya. Umalis siya na parang walang nangyari chill lang siyang umalis, sobrang tagal ng pagkakayakap ni Yoongi saakin, kaya di ko mapigilang kiligin, halos yung ibang dumadaan nakatingin sa amin, hiyang hiya tuloy ako. Kumalas siya ng yakap.

"Sa susunod na lang Nayeon."

Di na akong nagabalang sumagot pa kaya tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko, nabigla nga lang ako, teka bakit niya ginawa yun? Diba shy type siya? Ay ewan makauwi na nga.

S.COUPS' POINT OF VIEW
          Dumaan ako sa classroom nila Nayeon ng makita kong yakap yakap ni Yoongi si Nayeon, bigla na lang akong nakaramdam ng galit, tandaan mo Seungcheol may girlfriend ka na may girlfriend ka na, wag mo ng isipin si Nayeon iba na ang tingin ko kay Nayeon, ibang iba.

Pag-uwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama at inisip ko ang lahat ng nangyari kanina bakit hindi ako maka-move on sa nakita ko kanina, bakit ba napakalakas ng apekto ng yakap na yun sa akin?

Kakaisip nakatulog na ako at bigla na lang akong nagising, iniisip ko parin talaga, nagseselos talaga ako dahil sa yakap na yun. Tuluyan na talaga akong nakatulog at nagising na, magaayos na ako para sa pasukan.

Nakita ko si Nayeon, hinabol ko siya may sasabihin kasi ako sa kaniya. Hinawakan ko ang braso niya.

"Nayeon, may sasabihin ako sayo."

"Ano yun?" Mahinhin niyang sagot

Pero biglang sumingit si Yoongi, nagbabago nanaman siya bumabalik nanaman yung ugali niya sa dati. Umakbay siya kay Nayeon at umalis.
Sayang at hindi ko nasabi sa kanya may singit kasi.

11th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now