CHAPTER 28

43 9 7
                                    

CHAPTER 28: Feelings for Taehyung?

SANA'S POINT OF VIEW
Naaawa ako kay Taehyung dahil sa kalagayan niya, dahil nanaman sakin lahat ng iyon. Pero may iba na akong nararamdaman kay Taehyung, yung feeling na parang ako yung girlfriend niya na iyak ng iyak, dahil nagka-amnesia siya at hindi niya na ako makilala.

Nakatingin lang ako ngayon dito sa bintana habang umuulan sa labas, naalala ko tuloy yung sinabi ko kay Taehyung.

Sorry talaga Taehyung, hindi ko kaya eh. Bakit ba kasi dumagdag ka pa sa mga problema ko, edi sana hindi nagka-ganito.

Naiiyak na lang ako, nagsisi ako na sinabi ko kay Taehyung iyon, edi sana minahal ko na lang si Taehyung kesa kay Wonwoo. Yung feelings ko kasi hindi type si Taehyung.

Nagulat na lang ako ng pumasok si Nayeon unnie.

"Umiiyak ka ba Sana?" Tanong ni Nayeon unnie, alam kong nagaalala siya.

"Hindi, hindi Nayeon unnie" sabi ko habang, pinunasan agad ang mga luha ko.

"Alam kong umiiyak ka, pls sabihin mo kung ano ang nangyari. Ako bahala sa iyo." Sabi ni Nayeon unnie habang hinihimas himas ang likod ko.

"Tanungin mo na lang kay Yoongi oppa, Nayeon unnie." Tugon ko.

Humiga ako at inisip ang mga nangyayari, si Nayeon unnie lumabas muna saglit.

NAYEON'S POINT OF VIEW
Ano kayang nangyayari kay Sana? Matanong nga muna kay Yoongi. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko si Yoongi.

"Yoongi, pumunta ka nga dito."

"Bakit Nayeon?"

"Basta! Pumunta ka na dito bilis! May pagu-usapan tayo!"

"Sige on my way na ako."

Madali talagang sabihan si Yoongi, hindi katulad ng ibang lalaki diyan. Na pilosopo pa, bumaba ako para hintayin si Yoongi.

"Anong nangyari kay Sana?" Tanong ni Jihyo, habang kasama ang maknaes.

"Ayun, umiiyak nanaman. Pero di ko naman alam ang dahilan." Sabi ko sabay himas sa batok.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto, yun pala si Yoongi lang pala. Nagulat nanaman ako ng buhatin ako ni Yoongi.

"Miss na miss na kita Nayeon!" Sigaw ni Yoongi, ang akward naman nun.

Binaba na ako ni Yoongi at tumahimik bigla ang paligid. Kaya binasag ko iyon.

"Yoongi? Para saan yun?" Nagtataka kong tanong.

"A-ah wala w-wala lang yun." Sabi niya.

Hinatak ko siya papunta sa kwarto ni Sana, kumatok ako at nakita ko si Sana na nakahiga na parang sobrang lalim ang iniisip.

"Sana, andito na si Yoongi." Napatalon naman siya sa gulat, dahil sa sinabi kong andito na si Yoongi.

"T-teka Yoongi oppa? Bakit ka nandito?" Nauutal na tanong ni Sana.

"Pinapunta kasi ako dito ni Nayeon." Sabi ni Yoongi habang nakalabas ang kanyang malaking gilagid.

Umupo kami at pinag-usapan ang lahat, si Sana wala pa nga kaming sinasabi bigla siyang umiyak.

"Oh? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Yoongi kay Sana.

"Nagkamali kasi ako, dapat pala matagal ko ng nakilala si Taehyung. Nagsisi talaga ako na hindi siya ang pinili ko." Sabi ni Sana habang hinahampas niya ang kama niya.

"Teka, nagsisi ka? Dapat si Taehyung na lang ang pinili mo? Tama ba ang pagkakarinig ko?" Seryosong tanong ni Yoongi.

"Oo kasi may nabubuong feelings ako para kay Taehyung! Na dapat matagal ko ng naramdaman, pero ngayon ko lang naramdaman!" Hindi matigil ang iyak ni Sana.

"Feelings kay Taehyung?" Tanong nanaman ni Yoongi.

"Oo! May feelings na ako kay Taehyung!" Sigaw ni Sana, dahil sa sigaw niya, umakyat silang lahat.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Tzuyu.

"It's too late Sana, wala ka na sa isip ni Taehyung. Hindi ka na niya mahal so expect na parang wala ka na sa kanya. And don't expect na mahal ka pa niya." Sabi ni Yoongi habang naka-cross arms.

Pinababa ko na ang girls at pinatahan na namin ni Yoongi si Sana. At sa wakas napatahan din. Nagpaalam na si Yoongi.

"Sige Nayeon, aalis na ako and wag mong kakalimutan na..." Bitin na sabi ni Yoongi.

"Na ano??" Tanong ko.

"Ah wala wala, sige alis na ako." Sabi ni Yoongi na para bang nalimutan niya ang sinabi niya.

28th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now