Chapter 43: Feelings For You
NAMJOON'S POINT OF VIEW
Hindi ko na ma-control ang nararamdaman ko kay Jihyo e. Kailangan ko ng gumawa ng mga da-moves. Sasabihin ko na lang kay Yoongi kapag naging kami na ni Jihyo, ayoko muna sabihin sa kanya.Iniwan ko na lang silang 5 doon sa dorm pupunta na lang ako kela Jihyo siyempre makikitanong kung anong paborito niya haha! Umuunlad kaya ako.
Kumatok ako, nako pag bukas nakita ko yung anghel ko, grabe talaga parang nag slow motion yung paligid tapos lumiwanag.
"Ah Jihyo, nakikibisita lang." Pinapasok niya ko, aba parang ang tahimik ata.
"Asan sila Jihyo?" Napatingin naman sa'akin si Jihyo.
"Wala silang lahat umalis. Ako lang andito." Napaisip ako parang gusto ko ng magpro-pose dito sa babaeng 'to. Siyempre lagi kong dala 'tong singsing na 'to.
"So bakit ka nga pala bumisita?" Ano bang sasabihin ko? E balak ko lang naman pumunta dito para mag stalk sa kanya. Argh sana naman gumana yung utak ko.
"Ahhh... kala ko kasi andito sila kaya dumalaw ako, tsaka nabo-boring ako sa dorm namin. Wala na kasi akong kasama magbonding lalo na wala na si Yoongi." Tumango na lang si Jihyo.
"Total andito ka naman ahhh gusto ko sanang magtanong tanong about sa personality natin sa isa't isa." So may pagkakataon akong malaman yung mga favorites niya.
"Ah sige." Yun na lang nasabi ko, nahihiya talaga ako pag katapat ko siya e.
Nasa sala lang kami siyempre saan pa nga ba. Parang wala ata saamin ang gusting mauna ah. Ako na lang kaya? Pero parang ang awkward kasi e.
"Ahhh sino ba magsisimula?" Nagulat ako kasi nagtanong siya, siya na lang kaya kasi diba nga ladies first.
"Ikaw na total ladies first naman." Napaka cheesy ko haha.
"Sige kung yan ang gusto mo." Nagisip siya para sa katanungan niya, bakit parang ang hirap naman ata ng itatanong niya wag niyang sabihin na gagawin niyang game show 'to.
"What is your favorite color?" Kala ko mahirap na, madali lang pala.
"Black. sayo?" Ibinalik ko na rin yung tanong niya.
"Red!" Ang saya niya nung sinabi niya 'yon.
"Ok tara! may ibibigay ako sa'yo at tiyak magugustuhan mo 'yon." Biglang napangiti si Jihyo sa sinabi ko, halo halong emosyon ang meron siya. Masayang nagdududa ang emosyon niya, excited na ko.
Kahit favorite color lang yung nalaman ko sa kanya ok lang 'yon basta red yung ibigay ko. Pero bakit parang may kulang pa ata?
"Ahhhh Jihyo, anong place ang pinakapaborito mo?" Napaisip si Jihyo.
"N Seoul Tower!" Pareho pala kami ng gustong puntahan.
"Sige tara dadalhin kita doon." Napangiti ako nung nakita ko siyang nagmamadali umakyat para magbihis. Ganyan pala siya kapag excited. Para na akong manliligaw ni Jihyo dito.
Pagkababa niya nakasuot lang siya ng simple dress, mas maganda nga 'yon kasi natural lang. Pagkatapos lumabas na kami, may naiisip ulit ako. Gagawin kong red yung kotse ko, hindi naman van ang gamit dahil ako lang so siguro magiging masaya.. Pero napa-isip ako na black and red na lang para terno.
Black pa lang kasi 'tong kotse ko, kaya panahon na para ibahin ko yung kulay, nakaka-umay na rin kasi. Pina-una ko siyang papasukin sa sasakyan ko, siyempre siya naman talaga uunahin ko, pagka- pasok ko sa sasakyan pina-andar ko agad. Baka hanapin pa si Jihyo kung gagabihin kami diba.
Dadaan na lang ako sa isang auto spray shop, mabilisan lang naman 'yon kaya di siya ma-iinip.
"Jihyo, daan muna tayo sa isang shop ah?" Tumango na lang siya, this is gonna be fun.
Pag-dating namin sa auto spray shop pinababa ko na si Jihyo kasi magpa-park na ko.
"Ok, matagal ba 'yan boss?" Tanong ko doon sa naga-assist.
"Hindi naman sir, saglit lang po ito. Ano po bang kulay ang gusto niyo?"
"I want color black and red, kailangan maganda ah." Nag ok sign lang yung naga-assist, binalikan ko si Jihyo.
"Jihyo saglit lang naman 'yon, tara gala muna tayo tapos babalikan natin." Hinawakan ko agad yung kamay niya, buti hindi niya nakikita na nagbu-blush ako kasi mas matangkad ako. Nakakahiya kaya kapag nakita niya.
Pumunta muna kami sa isang coffee shop, ako na mago-order siyempre ako nagyaya.
"Miss, 2 black coffee please." Tumango lang yung babae at bumalik na ako sa table kung nasaan si Jihyo.
Pagkatapos namin bumalik na agad kami sa auto spray shop para kunin yung sasakyan. Pagbalik namin binayaran ko agad.
"Jihyo pikit ka muna." Sinunod niya naman ako, sumakay ako sa sasakyan at pinaandar ko pupunta sa harap ni Jihyo.
"Jihyo pwede ka ng dumilat." Pagdilat niya sobrang saya ng mukha niya nakita niya lang ang paborito niyang kulay sumigla na siya.
"Ahh.. nagustuhan mo ba?" Tumango lang siya at nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.
"Thank you Mamon!" Nagtaka ako, bakit mamon?
"Bakit mamon?" Natawa siya sa tanong ko.
"Kasi dati diba tawag nila sayo dati rapmon? Edi yung akin tawag ko sayo mamon." Para sa'akin that's the special nickname for me.
"Sige, tara na punta na tayo sa N Soul Tower!" Nagmamadali kami sa sobrang pagka- excite. Iniisip ko rin na dito na rin mag-propose sa kanya, pero siyempre hindi pa ngayon. May tamang oras 'to, kailangan ding malaman nila 'to.
Mga ilang minuto nakarating na rin kami and as always inakyat namin papunta doon sa mga locks.
Bumili din kami ng locks at gumawa ng wish for our better future.
Siyempre ang sinulat ko 'Jihyo, you are mine, always be mine." Yan lang iniligay ko, ano pa nga bang iba?
Hindi ko naman pwedeng tingnan yung kay Jihyo kasi secret daw, at isa pa ang wish hindi magkakatotoo kapag sinabi mo daw sa isang tao.
Pagkatapos namin sa locks tumingin tingin kami sa view, and as expected kitang kita ang Seoul dito. Iniisip ko kapag naging kami ni Jihyo, lagi ko siyang dadalin dito.
Habang nakatingin kami sa view, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ang kamay ni Jihyo ng mahigpit, sobrang mahigpit.
43rd Chapter Of Volume 1
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...