CHAPTER 15

47 11 0
                                    

CHAPTER 15: JEALOUS

SUNGCHEOL'S POINT OF VIEW

Nabalitaan kong gumala pala si Yoongi at Nayeon ng sila lang, bakit ba napaka-selfish nila, ni hindi nga sila ng sama eh, kaya ko nalaman ganito kasi yun.

*FLASHBACK*

VERNON'S POINT OF VIEW

Papunta ako ngayon sa mall para mamili ng mga kailangan namin sa dorm, teka parang kilala ko yun ah si Nayeon kasama si Yoongi? Sila na ba? Di ako makapaniwala na nakaakbay si Yoongi kay Nayeon habang si Nayeon naman parang kinikilig, teka bakit ba sila andito? Makunan nga ng litrato ng makita to ni Sungcheol. Paalis na sila habang ako mamimili pa lang.

Paano kaya kung magalit si Sungcheol? Ano kaya ang magagawa niya kay Yoongi kapag nakita niya yung litrato nung dalawa? Alam kong mababaliw siya sa galit, kaya umuwi na ako pagdating ko sa bahay lahat sila nasa baba maliban ka Sungcheol, ano kayang nangyari dun kaya tinanong ko si Wonwoo.

"Wonwoo, anong nangyari kay Sungcheol hyung at nasa taas yun?"

"Ewan ko ba kanina pa yan nagmumukmok sa taas, ayaw niya nga na may kakausap sa kanya!"

"Sige, salamat hyung."

Pumanik na ako sa taas habang hinahanap ang picture ni Yoongi at ni Nayeon, kumatok ako pero ayaw niyang buksan naka-lock kasi ang pinto kaya hindi ako makapasok, buti na lang may susi ako para makapasok kapag kinakailangan, pag-bukas ko ng pinto, nakita ko na lang si Sungcheol na nakaupo hindi ko namalayang bigla akong inatake ni Sungcheol ng sapak, agad naman akog nahulog sa sahig.

Nagulat nga ako ng biglang umakyat si Wonwoo at Mingyu para awatin ako, ano ba ang nangyayari kay Sungcheol?

"Ano ba Sungcheol! Dahil lang ba yan sa pagseselos mo kaya ka nagkakaganyan!?"

Hindi niya na ako sinagot, nanginginig na ang mga kamao niya, bestfriend mo lang siya Sungcheol, bestfriend mo lang siya! Hindi ka dapat magselos, bakit mo kailangang magselos kung bestfriend mo siya! Binaba na lang ako ni Wonwoo at ni Mingyu at ginamot ang pasa ko sa mukha. May biglang kumatok sa pintuan binuksan naman ito ni Mingyu at bumungad na lang sa amin ay si Woozi, siya ang pinsan ni Yoongi.

"Napadaan ka dito Woozi!" sabi ni Mingyu

"Ah gusto ko lang kayong bisitahin" habang ipinapakita niya ng cute niyang mukha

"Woozi, gusto kitang makausap!" singit ko naman sa usapan nila

Lumapit sa akin si Woozi at sinundan niya ako sa kwarto ko upang makapag-usap kami ng kaming dalawa lang.

"Woozi, pwede mo bang kausapin si Sungcheol hyung?"

"Oh sige, pero saan galing yang pasa mo?

"Kay Sungheol hyung to galing, nagagalit kasi siya ngayon sa pagseselos sa pinsan mong si Yoongi at kay Nayeon, at pakisuyo na lang, ipakita mo to sa kanya."

"Sige Vernon hyung."

WOOZI'S POINT OF VIEW

Sinunod ko ang sabi ni Vernon, tsaka si Yoongi at si Nayeon na ba? Naguguluhan na ako kaya itatanong ko na lang sa kanya pagdating ko sa bahay. Nakarating na ako sa kwarto ni Sungcheol.

"Hyung, ako to si Woozi papasukin mo naman ako."

Binuksan na lang ni Sungcheol ang pinto.

"Anong kailangan mo sa akin Woozi?"

"May ipapakita kasi ako sa iyo"

Umupo ako sa kama niya at binuksan ang cellphone ni Vernon para makita niya ang picture ni Yoongi at Nayeon, pagkabukas ko ipinakita ko ito sa kanya at bigla siyang nagsalita.

"Hyung alam ko na magkasama sila."

"Paano mo nalaman?"

"Dahil dito."

Dahil pala kay Nayeon kaya nalaman niya na magkasama sila ni Yoongi, nag-post pala siya ng silang dalawa at may caption na "Salamat Yoongi oppa sa libre" kaya siguro talagang nagseselos tong si Sungcheol. Iniwanan ko na lang siya at bumalik sa kwarto ni Vernon. Binuksan ko na ang pinto.

"Vernon alam niya pala na magkasama yung dalawa."

"Paano niya nalaman?"

"Dahil sa post ni Nayeon."

Pagkatapos ko sabihin yun, agad niyang kinuha ang cellphone niya tiningnan niya ito at nagulat na lang si Vernon ng sobrang saya talaga nila sa picture, kaya pala sobra sobra ang pagseselos ni Sungcheol. Magpapaalam na ako sa kanya sasabihin ko lang kay Yoongi ang mga nangyari.

"Sige Vernon alis na ako."

"Sige Hyung."

Pagdating ko sa bahay nakita ko si Yoongi na nakaupo sa sofa habang nakangiti kitang kita na nga ang gilagid niya sa sobrang saya niya.

"Uy Yoongilagid! Alam mo ba yung ginawa mo kay Sungcheol ha!"

"Ano yang pinagsasabi mo liit!"

"Nagselos ng todo si Sungcheol, at dahil sa pagseselos niya may pasa si Vernon!"

"Teka, nagseselos siya dahil kasama ko si Nayeon kahapon?"

"Oo tingnan mo tuloy si Vernon kung ano ang itsura!"

Wala na akong sinabi pa agad naman akong umakyat sa taas upang matulog muna pagod ako sa mga problema nila.

*END OF FLASHBACK*

Sobra talaga ang ginawa ko kay Vernon dahil sa pagseselos ko pero humingi na ako ng tawad sa kanya, pinatawad niya naman ako. Hindi pa tayo tapos Yoongi may araw ka pa sa akin.

15th Chapter Of Volume 1



My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now