CHAPTER 45

32 3 1
                                    

Chapter 45: Dinner Date

NAMJOON'S POINT OF VIEW
Pag-gising ko, hindi ko parin malimutan lahat ng nangyari kahapon, kahit yung kwento ni Jihyo kagabi. Pero ang mas iniisip ko ngayon, yung mga ginagawa ni Jihyo. Ano kaya yung ginagawa niya?

Pagbaba ko sa sala hindi ko mapigilang ngumiti, kung natuloy lang sana yung nangyari kagabi. Kung natuloy lang yung paghalik ko sa kanya, kung natuloy lang yung sasabihin ko sa kanya. Kami na siguro ngayon.

"Bakit ang aga aga ang ganda ng ngiti mo hyung?" Tanong ni Taehyung.

"Tinatanong pa ba 'yan? Hula ko kaya masaya 'yan si hyung dahil sa nangyari kagabi. Merong nangyari kagabi na hindi sinasabi ni Namjoon hyung." Singit ni Jungkook.

"Kung ano ano ang mga pinagsasasabi niyo diyan, kumain na nga lang kayo." Sabi ko kaya sabay sabay na kaming kumain.

Nagulat kami kasi nagmamadali si Jin pumunta dito. "Guys guys! Si Yoongi tumatawag!" Nilagay ni Jin yung tablet sa may isang part ng lamesa na kita kami lahat.

"Guys? Musta kayo diyan? I miss you all already." Yung mga maknaes umiyak, hindi ko alam kung bakit.

"Yoongi hyung kelan ka ba babalik? Miss na namin yang pagka-swaeg mo e." Parang batang umiiyak si Jungkook, sabagay, bagay naman sakanya.

"Malayo layo pa, sorry kung matatagalan ah. Para naman sa ikabubuti ko 'to." Sobrang tagal pa?

"Para sa ikabubuti mo o dahil sa pag-aaway niyo ni Nayeon?" Tanong ni Jin.

"Para sa ikabubuti kong lumayo sa kanya, ng hindi na lumalim ang feelings ko para sa kanya. Oo noon ako yung nerdy crush niya. Pero ako na rin kasi nagkakaroon ng feelings para sa kanya kaya ayoko ng mas lumalim yon." So sinabi niya na yung totoo? Na may gusto talaga siya kay Nayeon pero ayaw niyang lumalim ang feelings niya.

"Alam na ba ni Nayeon na may feelings ka para sa kanya?" Tanong ko, hindi ko rin naman mapigilan na hindi tanungin 'yon.

"Hindi ko pa sinabi sa kanya, pero siguro alam niya 'yon dahil dati niligawan ko siya." Tumango na lang kami. Habang kumakain kausap namin si Yoongi.

Maya maya umalis agad ako.

"Namjoon saan ka pupunta?" Tanong ni Yoongi, ano ba kailangan kong sabihin? Gusto ko na kasing makipag-kita kay Jihyo.

"Pupunta lang ako sa friend." Biglang umubo si Jin. Kahit kailan talaga oh.

"Friend ba talaga 'yan? Friend ni Nayeon?"

"Yoongi, basta friend. Just mind your own business, i need to go." Hindi na sila umimik, umalis na ako ng bahay. Pina-andar ko na yung sasakyan ko papunta kela Jihyo.

Pagdating ko sa may dorm nila parang nagkakagulo sila don, kaya dali dali akong bumaba sa sasakyan ko.

"Anong nangyayari ha?!"

"Namjoon oppa si Daniel kasi, nasa loob ng dorm nagtatalo sila ni Jihyo. Nagulat kasi kami kanina, bigla na lang dumating si Daniel." Nagulat ako sa mga sinabi niya, hinding hindi na ako papayag na lumapit si Daniel kay Jihyo.

"Tara pumasok tayo sa loob!" Sumunod naman sila sa'akin, dali dali kaming pumasok.

Nung nagtama yung mata namin ni Daniel, walang alinlangan ko na siyang sinuntok. Napahiga na lang siya sa sahig sa sobrang lakas ng suntok ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now