CHAPTER 5

77 16 0
                                    


CHAPTER 5: 2ND VACATION

TZUYU'S POINT OF VIEW
Sa ngayon napagdesisyonan kong pumunta ng Palawan para sa aming vacation trip ngayong taong ito, hindi talaga ako mapapa-ayaw pagdating sa usapang travel, gusto kasi namin ng out of town na vacation, yun bang sobrang saya, pupuntahan ko na si Dahyun para kunin siya, mamaya kasi si Mingyu na ang magdri-drive.

Pagdating ko kela Dahyun nasa labas na pala siya, parang nalate ata ako ha.

"Late ka nanaman, Tzuyu!"

"Sorry Dubu." pacute kong sabi sa kanya

Susunod na destination ko ay si Mingyu, pagod na pagod na kasi ako kinikilig nanaman ako, crush ko kasi si Mingyu dati pa nung mga bata pa kami hindi ako makagalaw pag andyan siya. Mamaya nasa tabi niya lang ako dahil ako ang nasa harap. Nakarating na kami kela Mingyu.

"Gyu! Andito na kami!"

Bumukas na lang ang pinto at nakita ko na agad ang gwapo niyang mukha, alam niya namang siya ang magdri-drive kaya binuksan niya na ang pinto at sumakay,

"Sino pa yung kukunin natin?"

"Nayeon, Sana, Momo, Vernon at si Wonwoo." sabi ko

Teka may nag-text ata, si Nayeon pala

Nayeon unnie

-bes asan na kayo?

Andito na kami sa park Tzuyu, lahat kami andito kami.

"Gyu, nasa park daw sila lahat"

"Sige"

Pagdating namin sa park, ang dami nilang gamit si Mingyu pa ang nagbuhat, kawawa naman si Gyu ko mahihirapan pa, kaya sinigawan ko sila.

"Hoy, ano ba! Si Mingyu lang ba ang magbubuhat?"

Agad naman silang nagsikilos na para bang takot na takot sa akin, sila naman kasi ang may kasalanan, pinapahirapan ba naman ang Gyu ko!

DAHYUN'S POINT OF VIEW
Si Tzuyu kala mo mamatay na si Mingyu, nagbubuhat lang nag-aalala na paano na kaya kung kaibigan niya, wala lang sa kanya! Galing niya seryosong seryoso ako dito sa likod nakikinig lang ako sa kanila bad vibes ako ngayon. Yung admirer ko kasi nangungulit tapos yung kaibigan naming paepal na may gusto sa akin, nangungulit rin. Ang buhay nga naman.

Katabi ko pa ang mga magugulo si Wonwoo, Vernon, Sana at Momo, teka? Bakit wala si S.coups? Matanong nga kay Nayeon.

"Nayeon unnie, bakit wala si S.coups?"

"Ewan ko, simula nung sinabi ko sa kanya ang crush ko, hindi na siya nagpakita" sabi ni Unnie

Siguro may lakad kaya wala, si Nayeon may bagong crush? Diba si S.coups ang crush niya? Grabe napakarami kong tanong na wala namang kakwenta kwenta nakakainis talaga. Ayan nagtext nanaman sa akin tong si Jimin porket hindi maisasama nangungulit, sabi niya tatawag daw siya sa akin, bakit naman siya tatawag, at nangyari na ang ayaw kong pangyayari.

"Uy Dahyun, kausapin mo naman ako, kaya lang naman kita tinawagan kasi hindi mo ako sinama ayan tuloy namiss kita."

"Grabe naman Jimin, isang araw lang akong mawawala wag kang mag-alala"

Sa sobrang inis ko kay Jimin, binaba ko ang telepono at tumingin na lang sa bintana para matingnan ang mga magagandang tanawin, minsan lang mangyari sa buhay ko ang magpakasaya ang dami kasing nangugulo, maraming polusyon ang nakakarating sa akin pero, eto ako malinis na hangin na nagiisa. Nakatulog ako dahil sa sobrang antok hindi ko namalayan na nakasandal ako kay Vernon, eto namang mokong na ito sarap na sarap, nakatanggap tuloy ng batok sa akin.

"Hoy Vernon, sarap na sarap ka naman, nakatulog lang yung tao tapos sumandal lang sa iyo, tuwang tuwa ka!"

"Sorry na Dahyun, minsan lang to kaya wag kang magalit, at kilala ko kung sino yung admirer mo!"

"Sino?"

"Basta!"

5th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now