CHAPTER 32: Sin
SANA'S POINT OF VIEW
Hindi ko talaga makalimutan yung nangyari kahapon, pasalamat ako at dumating pa si Wonwoo para sa akin, masakit man na hiniwalayan ko si Wonwoo, pero sa ngayon mas mahal ko na si Taehyung. Pero mahal ba ako?Gusto kong mapag-isa, pupunta ako ng park at doon na ako magiisip-isip, lalabas na sana ako ng pintuan ng bigla akong hinawakan sa braso ni Nayeon unnie.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Sa park lang Nayeonnie." Sabi ko at lumabas na.
Hinawakan parin ni Nayeon unnie yung braso ko.
"Sasama kami." Sabi niya. Sabi ko sa sarili ko gusto kong mapag-isa, pero alam kong hindi magpapatalo si Nayeon unnie pag sinabi kong ako lang. Tumango na lang ako.
Habang naglalakad kami, nakita ko si Taehyung na may kasamang babae, at si Jennie iyon. Nakita kong nag-holding hands sila, hindi ko mapigil na mapaluha, napapansin ako ni Dahyun kaya nagtanong siya.
"Sana ok ka lang?" Tanong sa akin ni Dahyun.
Bigla kong pinunasan ang mga luha ko.
"Oo, ok lang ako." Sabi ko.
Maya maya, umupo muna kami para kumain. At tinitingnan ko lang dito sila Taehyung at Jennie, gusto kong sagutin si Taehyung at malaman niya na ako yung pinakamamahal niyang babae dati. Nabasag naman ang moment ko ng nagsalita si Nayeon unnie.
"Ang lalim ng iniisip mo ah, eto oh kumain ka muna, alam naming gutom lang yan." Sabi ni Nayeon unnie at inabot sa akin ang lunch ko.
Hindi ito gutom Nayeon unnie, ang hirap kasing mag-move on, pag alam mo na yung lalaking pinaka-mamahal mo may ibang mahal na. Palibhasa wala pang boyfriend si Nayeon unnie kaya ang alam niya ay gutom ko lang iyon. Sana nga maging boyfriend ni Nayeon unnie si Yoongi oppa, lagi kasi silang dalawa yung tumutulong sa amin. Kaya ship ko sila.
Nung natapos ako, tiningnan ko ulit sila Taehyung at sakto wala na si Jennie. Pupuntahan ko muna si Taehyung, alam kong hindi ako papayagan nila Nayeon unnie kaya magpa-palusot ako.
"Ah guys, pupunta lang ako sa cr." Tumango sila at umalis na ako. Pinuntahan ko naman si Taehyung sa kinaroroonan niya, hindi ko alam na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Sana? Bakit nandito ka? At bakit ka umiiyak?" Sasabihin ko lang naman sa kanya na ako yung babaeng pinakamamahal niya ngayon. Kasalanan ko rin lang naman kung bakit siya nagka-amnesia.
"Taehyung, di mo pa ba naaalala lahat?" Taehyung please, sagutin mo ako ng maayos, gusto kong maayos ang lahat kasi mahal na rin kita, hindi na ako yung Sana na, hindi ka kayang mahalin.
"W-wala pa akong naaalala, bakit mo naman natanong" Nauutal si Taehyung dahil alam kong hindi niya alam lahat.
"Ako kasi yung pinakamamahal mong babae noon, nagka-amnesia ka dahil sa akin, nagka-amnesia ka kasi sabi ko sayo noon hindi kita kayang mahalin. Kaya nag-paulan ka at nasagasaan ka. Kaya please mapatawad mo sana ako, ngayong araw na ito sasabihin ko sayo na mahal na mahal na kita, naramdaman ko yun simula nung nagka-amnesia ka, sorry talaga Taehyung." Sinasabi ko sa kanya yun habang umiiyak ako, alangan namang tumawa ako, panatag na rin ang loob ko at nasabi ko na kay Taehyung na mahal na mahal ko siya.
"Totoo ba lahat ng sinasabi mo Sana?" Tanong niya, nakakunot parin ang noo niya.
"O-" sasabihin ko sana kay Taehyung na oo, pero may dumating na babae. Si Jennie dumating na siya at galit na galit siya ng makita ako kasama ng boyfriend niya.
"Hoy! Sana! Anong ginagawa mo sa boyfriend ko?!" Sigaw niya sa akin, hinarangan naman siya ni Taehyung.
"Jennie! Walang ginagawa si Sana na kahit ano! Pinapa-alala niya lang sa akin ang lahat! Dahil nagka-amnesia ako! Humingi siya ng tawad dahil siya daw ang may gawa kung bakit ako nagka-amnesia!" Sigaw ni Taehyung kay Jennie, at si Jennie naman kitang kita sa mga mata niya ang pagkagulat, dahil ngayon lang siya sinigawan ni Taehyung.
"Dapat nga Taehyung magalit ka sa kanya! Kasi siya ang may kasalanan kung bakit ka nagka-amnesia!" Sigaw ni Jennie at pinagtuturo niya ako.
"Hindi siya ang may kasalanan!" Nagsisigawan talaga sila dahil sa akin.
"Paano mo naman nalaman na wala siyang kasalanan?!" Sigaw ni Jennie, kaya lahat ng tao na nandito pinag-titinginan kami.
"Hindi mo na kailangan malaman kung paano ko nalaman!" Ang hindi ko alam tumutulo na ang mga luha ko, nawawala na ako sa sarili ko.
Sasabunutan na sana ako ni Jennie, nagulat ako ng dumating si Wonwoo at hinarangan niya si Jennie. Kasama na rin ni Wonwoo sila Nayeon unnie.
"W-Wonwoo?" Nagtataka kong tanong. At bakit nalaman ni Wonwoo na nandito ako.
"Nakita kita na pumunta kay Taehyung, alam ko naman talaga ang pakay mo. Alam mong hindi ka namin papayagan kapag pumunta ka kay Taehyung, kaya nagpalusot ka na pupunta ka sa cr. Tinawagan na namin si Wonwoo dahil alam naming may mangyayaring masama." Sabi ni Jihyo.
"Sorry at nagsinungaling ako sa inyo, gusto ko lang naman na maka-usap si Taehyung, gusto ko lang naman masabi sa kanya lahat ng nasa loob ko. Panatag na rin ang loob ko dahil nasabi ko na sa kanya lahat." Sabi ko at hinatak ko si Jihyo para umalis na.
"Teka, Sana mag-usap tayo" Hinawakan ni Wonwoo ang braso ko at hinatak niya ako papalayo kela Jihyo.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya, halatang may sasabihin siya na sorry sa akin.
"Kung magiging kayo ni Taehyung, masaya na ako. Total naging tayo naman, sorry sa lahat ng nagawa kong pagkukulang sayo noong tayo pa. Tandaan mo Sana, sa lahat ng problema mo, andito lang ako palagi." Sabi ko na nga ba at may sasabihin itong si Wonwoo na sorry.
"Hindi ko pa alam kung magiging kami ni Taehyung, hindi ko pa sigurado." Sabi ko at niyakap ko siya, hinalikan niya naman ako sa noo.
"Thank you, Wonwoo. Sa lahat ng nagawa mong mabuti sa akin, tandaan mo rin na mahal na mahal kita, bilang kaibigan na lang." Sabi ko, hindi ko mapigilang mapaluha sa bawat salita na binibitawan ko.
"Naiintindihan ko, mahal na mahal din kita bilang kaibigan. Basta tandaan mo lahat ng sinasabi ko sayo, sige uuwi na ako." Sabi niya habang pinupunasan niya ang mga luha ko, mayamaya nag-wave sa akin.
Iniwan na lang namin si Taehyung at Jennie sa park, umuwi na rin kami dahil panatag na ang loob ko.
32nd Chapter of Volume 1
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...