CHAPTER 26: Rain
TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Nakakatamad talaga pag sinusuyo mo ang babae pero ayaw ka naman, talagang inggit na inggit na ako kela Jimin at Dahyun, biruin mo sila pa ang naunang maging love team kesa sa amin ni Sana. Makaupo na lang sa sofa.Uupo na sana ako ng may biglang kumatok sa pintuan, sino nanaman kaya yun? Nung binuksan ko, si Wonwoo pala.
"Ano ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sa kanya, iritang irita kasi ako sa pagmu-mukha niya.
"Bad news kasi!" Natataranta si Wonwoo, at pilit akong hinihila palabas.
"Teka, teka Wonwoo! Anong bad news?" Nagtataka na talaga ako sa mga pinagsasabi niya.
"Si Sana kasi, nag-break na kami! At ngayon may bagong boyfriend na siya!" Galit na galit si Wonwoo at pinagsu-susuntok niya yung pader.
"Wonwoo, easy ka lang. Puntahan natin sila Sana." Tinapik tapik ko siya sa balikat niya.
Umakyat ako sa taas, iniwan ko si Wonwoo sa baba, nagbihis ako dahil pupuntahan namin si Sana. Pagkababa ko umalis kami agad dala dala ni Wonwoo ang kotse niya. Hanggang sa nakarating kami sa bahay nila... Huh? Mark??!
"Wonwoo, bakit andito tayo kela Mark?" Nagtataka nanaman ako.
"Si Mark kasi ang boyfriend ni Sana!" Sigaw nanaman niya.
Kinatok ko ang pintuan, at nakita namin si Sana at Mark na naka-holding hands, nagalit ako, sinuntok ko si Mark sa mukha, agad namang hinarangan ni Sana si Mark.
"Sana! Anong meron yang lalaking iyan na wala ako?!" Nakakunot na ang noo ko habang sumisigaw.
"Akala ko pa naman titigilan niyo na ako pag may bago na akong boyfriend! Pero maling akala lang pala lahat ng iyon!" Lumuluha nanaman si Sana.
Tumakbo si Sana at hinabol ko siya, hinila ko ang braso niya at iniharap ko siya sa akin.
"Sana, hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" Mahinhin kong tanong.
"Sorry talaga Taehyung, hindi ko kaya eh. Bakit ba kasi dumagdag ka pa sa mga problema ko, edi sana hindi nagka-ganito." Umiiyak na talaga siya, kaya niyakap ko siya.
Nakita ni Mark at Wonwoo ang ginawa ko kay Sana, nagsalita naman sila ng sabay.
"Teka! Anong ginagawa mo kay Sana?!" Sabay nilang sigaw sa akin.
"Kino-comfort ko lang si Sana." Sabi ko habang hinihimas himas ang likod ni Sana.
Iniwan ko na si Sana kay Mark.
"Mark, tandaan mo, alagaan mo si Sana." Turo ko kay Mark habang naglalakad palayo.
"Oo, pangako, aalagaan ko siya." Sabi ni Mark habang nakayakap siya kay Sana.
Nagpa-iwan na ako kay Wonwoo, gusto ko kasing mapag-isa, masakit lang isipin na hindi ako kayang mahalin ni Sana. Naglalakad ako sa gitna ng kalsada, ng biglang umulan....
(Play: Rain By BTS)
Masakit talagang isipin, bakit hindi ako kayang mahalin ni Sana? Bakit na kaya niya naman sa piling ni Wonwoo at Mark? May mali ba sa akin?
Minamalas ata ako sa pag-ibig, nasa kalagitnaan pa ako ng ulan, habang umiiyak ako dito. Marami ng gumugulo sa isip ko dahil dun sa sinabi ni Sana, malaking apekto yun sa akin, gusto ko na tuloy mag pakamatay. Pero ayaw nila akong mawala.
Iiyak kaya si Sana pag nangyari yun? Malulungkot ba siya? Malalaman niya ba yung pagkakamali niya? Siguro kung ako talaga ang pipiliin niya, siguradong hindi siya nasaktan. Habang naglalakad ako wala talaga akong pake sa paligid ko hanggang sa... Nasagasaan ako.
26th Chapter of Volume 1
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...