CHAPTER 35

41 13 3
                                    

CHAPTER 35: I need you

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Sisimulan ko na ang proposal ko para kay Sana, excited na talaga ako. Excited na akong makita si Sana na masaya, alam kong mahal na mahal niya ako kaya sinisigurado kong 'Oo' ang sagot niya. Hinding hindi ako magkaka-mali, mahal niya ako at mahal ko siya, hindi niya ako bibiguin.

Pumunta na sila sa kani-kanilang puwesto at nasa kadulu-duluhan ako dahil nagha-handa para sa gagawing proposal kay Sana, nata-takot rin ako dahil baka hindi siya umoo. Natatakot ako dahil baka hindi niya ako tanggapin.

Nakarating na siya, naghanda na kami. Sa kani-kanilang puwesto ay umayos sila at habang naglalakad si Sana sa red carpet ay binigyan nila ito isa isa ng mga rosas, at habang palapit ng palapit dito si Sana ay kumanta na sila ng 'I need U'.

(Play the video)

Habang palapit ng palapit dito si Sana ay, kinuha ko na sa bulsa ko ang singsing, at siyempre hindi niya pa alam yon. Binigay ko ang kamay ko sa kanya, at tinaggap niya iyon, naka-ngiti siya ngayon, lubos akong natuwa dahil don.

Hihintayin ko na lang matapos ang kanta, magsasalita lang ako sa kanya at ok na. Hindi ko naman kailangang mag-salita pa nang kung ano ano, habang kumakanta sila ay sinayaw ko muna si Sana.

"Sana, bumalik na si Taehyung na hinihintay mo. Masaya ka na ba?" Bulong ko sa kanya, alam kong nakiliti siya sa ginawa ko.

"Oo Taehyung masaya ako, pero ano to?" Tanong niya, biglang napalitan ang ekspresyon ko at napalitan ito sa pagdududa, ayaw niya ba ng inihanda ko?

"Sana hindi ka ba natutuwa dito sa surprise ko?" Tanong ko, agad siyang tumango at napalitan ulit ng ngiti ang aking labi.

"I need you girl, damn! Gustong gusto na kita, miss na miss na kita, i need you! I need you so bad! Nagiging bad boy na ako dahil sayo." Sabi ko at inilagay ang takas ng buhok sa likod ng kanyang tenga.

"You need me? Wag kang mag-alala Taehyung, andito naman ako para sayo. Bakit may surprise ka pang nalalaman?" Ngumisi ako dahil sa sinabi niya, mahal na mahal talaga kita.

"Yes i need you, at kaya lang naman ako may surprise dahil, may isang katanungan lang ako na dapat mong sagutin." Sabi ko at walang kahirap hirap na lumuhod sa harap niya at inilabas ko ang sing sing.

"Ano yun Tae?" Tanong niya.

"Will you marry me?" Tanong ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang magiging sagot niya.

Nakatingin ako sa kanya at nakita kong lumuluha na siya.

"Y-yes, Taehyung. I will marry you!" Sabi ni Sana at sabay tayo ko at niyakap siya.

"Yes!!!!" Sabi ko, at sila din ay nagsi-talon dahil sa saya.

"May bagong couple na ulit!!" Sabi ni Nayeon noona..

Kung hindi sa kanila ay hindi siguro umoo si Sana.. I'm very happy na sinagot na ako ni Sana.

I need you girl, very much, so bad! Gusto ko lagi ka lang sa tabi ko. Kahit masaktan ako ok lang, maka-sama lang kita.

"Even the world has disasters, you will be my angel. And you protect me from everything, i'm very happy because you are mine now. Mine. Don't you dare to find someone else. I'm here to protect you too, this day, you will be my girlfriend." Walang kahirap-hirap kong sinabi sa kanya ng tapatan.

Umiiyak si Sana sa bawat salitang sinasabi ko sa kanya, thankful ako sa mga kaibigan ko kasi, sila yung dahilan kaya umoo si Sana. Di ko mapigilang maging masaya lalo na't sinagot na ako ni Sana. Noon pahirapan pero ngayon sobrang dali na sa akin.

"Taehyung, bakit mo naisipan na gawin to?" Tanong ni Sana habang naka-ngiti.

"Para sayo, para maging tayo na! Alam mo bang matagal ko ng hinintay toh?!" Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Kala ko hindi ka na babalik, umasa ako dati. Ngayon masaya ako at naging tayo na rin." Sabi ni Sana at malaki ang kanyang ngiti.

"I love you Sansan.."

"I love you Tae.."

Yun lang yung sinabi namin sa isa't isa.

"Hoy tama na yan! Umuwi na tayo at magsasaya tayo doon, magluluto ako." Sabi ni Nayeon noona.

"Siyempre kasama ako!" Sabi ni Yoongi at Jin ng sabay.

Naka-uwi na kami at nag-luto nga sila Nayeon noona, Yoongi at Jin hyung. Nag-celebrate kami at pagka-tapos mag-celebrate ay umuwi na sila.

35th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now