CHAPTER 25

47 10 13
                                    

CHAPTER 25: Thank You

JUNGKOOK'S POINT OF VIEW
Ano ba yan nakakainis na, sila Taehyung, Wonwoo at Sana hindi matapos tapos sa problema nila tapos dadagdag pa yung issue ko kay Tzuyu! Paano ba naman kasi, kaibigan ko si Mingyu pero hindi ako papayag na mapunta sa kanya ang mahal ko, pero ang talagang problema ko, gusto ni Tzuyu si Mingyu yun lang.

Gusto ko na ngang suyuin na makipag-date sa akin si Tzuyu, pero hindi ko magawa dahil lagi siyang nasa tabi ni Mingyu at si Mingyu naman napaka-over protective. Si Taehyung sobrang tamlay niya, nagkasakit na nga dahil kay Sana, paano hindi kumain ilang araw na hindi lumalabas ng kwarto hays.

Pati si Jin hyung namomoblema na kay Taehyung, gusto ko na rin makausap si Sana para malaman niya na may sakit na si Taehyung, kahit papaano alam ni Sana ang sitwasyon ni Taehyung. Dahil si Jimin lang naman ang may communication kela Dahyun makiki-usap na lang akong maka-usap si Sana.

Naiingit na ako kay Jimin, kasi siya may girlfriend na, alam kong nakabukas ang pinto ni Jimin, pero kumatok ako siyempre kahit minsan kailangan din ng respeto.

"Uy Jungkook, anong maitutulong ko sayo??" Nakahiga si Jimin, kausap si Dahyun.

"Jimin, paki sabi kay Dahyun kakausapin ko lang si Sana" kinausap niya si Dahyun at ibinigay ni Jimin ang telepono niya sa akin.

"Hello Sana, si Jungkook ito"

"Bakit gusto mo akong maka-usap Jungkook??"

"Tungkol kay Taehyung kasi."

"Anong tungkol kay Taehyung? May nangyari ba sa kanyang masama?"

"May sakit kasi siya."

Hindi ko alam kung bakit ibinaba ni Sana yung telepono hindi ko na lang pinansin at baka nagalit lang si Sana sa akin. Bumaba na ako para manood sa sala pero may naririnig akong kumakatok. Pagbukas ko si...

"Jungkook! Asan si Taehyung?!" Si Sana pala, para siyang natataranta.

"Nasa kwarto niya sa taas, bakit?" Tanong ko naman, pero common sense Jungkook baka aalagaan niya lang si Taehyung.

"Basta, dalhin mo ako doon." Pinasunod ko siya sa akin at pagpasok niya sinarado niya ang pinto, siguro nga aalagaan niya nga talaga si Taehyung.

Bumaba na lang ako at nanood na rin.

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Dahil may sakit ako, dahil kay Sana hindi ako bumaba at nagkulong lang ako sa kwarto ko. Ng may narinig akong sigawan sa baba, hindi ko na pinansin yun at alam ko namang si Jimin at Jungkook lang yun. Pero nagtataka ako bakit pam-babae yung boses ng sumisigaw? Nagulat na lang ako ng may pumasok na babae, si Sana.

Bakit nandito si Sana baka magalit nanaman siya sa akin, pero nagkamali ako ng iniisip.

"Taehyung, sorry ah dahil sa akin nagka-sakit ka, sorry talaga." Lumuluha na si Sana, habang ako naman pinupunasan ko ang luha niya. Napangiti na lang ako.

"Sana, ok lang ako basta nandito ka." Sabi ko sa kanya, nagulat na lang ako ng yakapin niya ako. Mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kanya.

Inalagaan niya ako, hanggang sa nagpaalam na siya.

"Bye Taehyung, sa susunod wag mo nang uulitin itong ginawa mo ah, at ingat ka palagi." With flying kiss pa.

"Sige Sana, THANK YOU kasi inalagaan mo ako." At nagbigay din ako ng flying kiss.

25th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now