CHAPTER 6: 3RD VACATIONS.COUP'S POINT OF VIEW
Nagising na ako, natutulog pa pala si Sowon oras na para maghanda ng pagkain namin, habang naghahanda ako kinuha ko ang aking cellphone para maglibang, nakita ko na lang ang pi-nost ni Sowon, pinicturan niya ako habang natutulog. This can't be happen hindi to pwedeng makita ni Nayeon.Dahil sa sobrang panic ko lumabas ako para umalis, kaso nga lang nakita ko sila Nayeon, bakit sila nandito? Alam ba nila na andito ako? Sobra kong daming tanong, nagising naman bigla si Sowon, hindi ko siya pinansin dahil sa ginawa niya kagabi.
"Sowon! Bakit mo pi-nost yung ginawa mo kagabi! Bakit mo ko pinicturan?" Pagalit kong sabi
"Bakit Seungcheol? May masama ba?"
"Oo meron!"
Pumunta ako ng cr para malimutan muna ang picture na iyon, ayoko sanang makita ni Nayeon pero simula ng isama ako ni Sowon dito, nagkaroon na ako ng feelings sa kanya. Kaya lumabas ulit ako at bigla ko siyang niyakap.
MOMO'S POINT OF VIEW
Umaga na nung dumating kami sa isang resort sa Palawan, napakaganda doon lahat sila tinatanaw ang mga lugar habang ako may naririnig akong mga sigaw galing sa isa sa mga kwarto ng resort na ito. Naririnig ko ang pangalan ni Sowon at Seungcheol, teka at kaboses pa nila yung mga sumisigaw.Sumingit muna ako sa pag-uusap ng manager at ng mga kasama ko.
"Sir, para atang may nagsisigawan doon sa kwartong iyon"
Kaya pinuntahan nila, kinatok nila ito
Nabuksan na lang nila dahil hindi naka-lock. Nagulat naman ako sa nakita ko si S.coups niyakap si Sowon? Imposible yun ayaw nga ni S.coups na yumakap ng babae, kahit nga bestfriend niyang si Nayeon hindi niya magawang yakapin si Sowon pa kaya.Agad kong nilapitan si Nayeon, at tinulak siya papalayo para hindi niya makita ang nangyari masasaktan lang si Nayeon pag nakita niya yun. Nagtataka na rin siya, kung bakit ko siya tinulak.
"Momo, bakit mo ako nilalayo sa pinto may masama bang nangyari?" sabi niya na para bang nagpa-panic
"Nayeonnie mas maganda dito, matatanaw mo lahat."
Pero ang hindi ko alam tumakbo na pala siya at tiningnan ang nangyari, baka umiyak nanaman si unnie dahil lang doon sa nangyari.
NAYEON'S POINT OF VIEW
Ano kayang nangyayari doon? Kaya lumapit ako pero si Momonnie inilalayo ako bakit kaya? Mamaya maya naisipan kong tumakbo, sa pagkakataong nakatingin si Momo sa kalangitan ako'y biglang tumakbo. Pagdating ko ay nakita ko na lang na yakap yakap ni S.coups si Sowon, nakakagulat lang talaga. Ipinagpalit ba ako ni S.coups sa matalik niyang kaibagan.Tumakbo na lang ako at umiyak, hindi ko matanggap na may kayakap si Seungcheol, bakit parang may feelings pa ako sa kanya diba pero iba naman ang itinitibok ng puso ko. Bakit ba ganon, bakit ako nasasaktan? Dahil ba bestfriend ko siya? Dahil ba may feelings pa ako sa kanya? Bakit ako magseselos kung kaibigan ko lang din naman ang kayakap niya?
Nagpakalayo layo muna ako sa kanila hanggang samahan ako doon nila Dahyun, Tzuyu, Momo, at Sana nakaupo lang kami sa lilim ng puno niyakap nila ako at bigla na lang guminhawa ang pakiramdam ko gusto ko munang limutin ang lahat ng nangyari, kaya magpapakasaya na kami.
6th Chapter of Volume 1
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...