CHAPTER 9: WORRYMOMO'S POINT OF VIEW
Dahil binangga ako ni Jimin, nagalit ako sa kanya at hinabol din siya dahil nakatingin siya sa akin pagharap niya ay sumalubong sa kanya ang pader na dahilan upang siya ay mauntog. Ng nahulog si Jimin sa sahig agad akong humingi ng tulong, agad ko namang tinawagan sila Dahyun para madala si Jimin sa clinic para matingnan.Tinawagan ko si Dahyun, maya maya may dumating sila Jungkook na pala yun kaya agad akong lumayo ng onti at tumawag kay Dahyun.
"Momo unnie, napatawag ka?"
"Unnie problema, si Jimin nawalan ng malay dahil sa pagkakauntog sa pader!"
Agad naman niyang binaba ang telepono, hindi pa naman siya nakakapagsalita maya maya andito na sila wala na si Jimin dito, dinala na nila Jungkook at Taehyung sa clinic.
Kasama ko na si Dahyun ngayon, papasok na kami sa clinic at agad namang pinuntahan ni Dahyun si Jimin. Siguro nagaa-lala talaga siya di napigilang umiyak ni Dahyun, habang nakayakap siya kay Jimin.
May napansin akong anino na dumaan sa likod ko, siguro tinitingnan niya lang kung ano ang nangyayari sa loob ng clinic. Andito ako ngayon sa pintuan ng clinic, ng biglang dumating si Nayeon at Tzuyu kasama na nila si Yoongi.
Halatang nagaa-lala din sila kay Jimin, pinatahan ni Nayeon si Dahyun, sobra kasi kung umiyak si Dahyun para siyang leon na umiiyak. Dumating ang school nurse.
"Maam, Sir kailangan niyo po siyang dalin sa ospital.
"Sige po, thank you" sabi ni Taehyung
Agad naman kaming nagpaalam sa guro namin para dalhin si Jimin sa pinakamalapit na ospital, agad siyang dinala sa emergency room, dumating ang isang nurse at ginamot siya, pinalabas kami ng nurse.
Humahagulgol lang si Dahyun sa pag-iyak, habang kami ay nakaupo, ang mga kaibigan naman ni Jimin nakatingin sa bintana kung saan kitang kita si Jimin habang ginagamot ng doctor.
"Guys bibili muna ako ng pagkain sa labas."
Tumango lang sila, at bumaba na ako ng makasalubong ko ang isa sa mga kaibigan ni Jimin, si Hoseok kumaway lang siya sa akin at naglakad na. Habang naglalakad ako may humawak ng braso ko si Hoseok lang pala.
"Momo, samahan na kita, saan ka ba pupunta?"
"Bibili lang ng pagkain."
"Samahan na kita."
"Sige."
Umakbay siya sa akin, bakit ba ang feeling close saakin nitong si Hoseok bestfriend lang naman siya ni Jimin.
Ako naman pinapabayaan ko lang siya, mamaya makakatikim ng batok to sakin. Nakabalik na kami ayaw niya talaga ibaba yung kamay niya sa balikat ko kaya naman mag-isa ko itong binaba sabay kotong sa kanya."Aray, bakit mo naman ako kinotongan?"
"Eh yang braso mo, kung saan saan pumupunta!" Pagalit kong sabi
Nakatingin lang sila sa amin habang kumakain, sa ngayon iniwan namin si Jimin sa kwarto niya at kami kumakain sa canteen. Ano ba ang problema nitong Hoseok na ito all day na nakatingin sa akin.
DAHYUN'S POINT OF VIEW
Di ko mapigilang hindi umiyak kapag nakikita ko si Jimin na nasa loob ng kwarto kung saan siya nakahiga, bakit ba concern ako sa kanya? Ni wala ng akong gusto sa kanya pero alam kong may gusto siya sa akin.Nabalitaan ko na si Vernon ang mag gawa ng lahat ng ito, kaya naman maiinis na ako sa kanya, hindi ko na siya papansinin sa mga araw na ito. Ngayon kumakain kami sa canteen ng ospital, pabalik na kami sa kwarto ni Jimin para kamustahin siya.
Pagakyat namin nasa labas na pala si Jimin at nakaupo sa bangko, nabigla na lang ako ng dalhin ako ng mga paa ko kay Jimin at niyakap ito, parang hindi makapaniwala ang mga kaibigan ko sa nangyari.
"Jimin ok ka lang ba?"
"Oo, ok na ako."
"Alam mo nag-alala ako sayo."
"Salamat Dahyun."
9th Chapter of Volume 1
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...