CHAPTER 30

49 11 5
                                    

CHAPTER 30: Taehyung's Girlfriend?!

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Sa wakas naka-recover na ako, pero ang sabi nila ang pangalan ko daw ay Kim Taehyung, so ako si Taehyung. Nakakalungkot naman, siguro naman may girlfriend ako noon, dahil sa gwapo kong mukha magkakaroon talaga ako ng girlfriend.

Napag-isip isip ko na mamaya maghahanap na ako ng girlfriend ko, pero bakit parang ang bilis ata. Nakalabas na rin sa wakas, makikita ko na rin ang gusto kong makita sa labas.

"Umm, Jin hyung" tawag ko.

"Ano yun Taehyung?" Tanong ni Jin hyung.

"Saan ba may restaurant dito?" Tanong ko ulit.

"Gutom ka na ba? Sige kain na tayo!" Sobrang saya ni Jin hyung, siguro mahilig siya sa pagkain.

Pumunta kami sa isang korean restaurant, nag-order lang ako ng ramen at sushi, yun lang. Habang kumakain ako may nakaagaw ng atensyon ko, ang ganda nung babaeng yun ah. Pero itinuloy ko pa rin ang kinakain ko.

Paalis na yung babae, buti na lang tapos na akong kumain, hahabulin ko yung babae, tumayo ako tatakbo na sana ako ng hawakan ni Jungkook ang braso ko.

"Saan ka pupunta Taehyung? Kakagaling mo lang sa ospital gagala ka nanaman." Sermon ni Jungkook sa akin.

"Teka, teka may hahabulin lang ako." Tumakbo ako at hinarangan ko yung babae.

"Hi miss, I'm Taehyung, Kim Taehyung." Pagpapakilala ko sa kanya.

"H-hello I'm Jennie, Kim Jennie." Pagpapakilala niya.

"Pareho pala tayong Kim" sabi ko.

"Oo nga eh, at bakit mo nga pala ako hinabol?" Tanong niya.

"Eh kasi, kukunin ko sana number mo, ganda mo kasi eh, na fall ako." Pagbibiro ko.

"Ahh ok, eto ang number ko." Namumula ang pisngi niya, umalis na siya at ako talon ng talon dahil sa saya.

Nakita ako nila Jin hyung na sobrang saya, nagtanong tuloy sila.

"Ano yun Taehyung?" Tanong ni Namjoon hyung.

"Ah wala lang yun Namjoon hyung." Sabi ko habang nakangiti.

Nakauwi na kami at ite-text ko pa si Jennie, gusto ko kasi siyang ma-meet ulit so lulubusin ko na.

Kim Jennie
•Active now

Taehyung: Jennie, gusto ulit kitang makita pwede bang magkita tayo sa park?

Jennie: Pwede naman.

Taehyung: Sige magkita na lang tayo doon sa garden.

Jennie: Sige, on my way.

Taehyung: Sige bye.

Excited na akong masolo si Jennie, ang saya saya ko... Bumaba na ako at magpapa-alam na ako kay Jin hyung.

"Jin hyung, aalis muna ako, may pupuntahan lang ako" sabi ko at dali daling lumabas ng bahay.

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now