CHAPTER 7: DAHYUN'S ADMIRERVERNON'S POINT OF VIEW
Ang hindi alam ni Dahyun, ako ang secret admirer niya, matagal tagal na rin akong nagsimula bata pa lang kami gusto ko na siya, pero napapansin kong may laging tawag ng tawag sa kanya hindi ko alam kung sino iyon, wala namang nababangit sa akin si Dahyun ni isang pangalan ng lalaki, sino ba talaga yun?Pasukan na at agad agad akong tumakbo sa room para mailagay ang mga chocolates sa table ni Dahyun, alam kong paborito niya ito, inilagay ko na ito baka kasi may makakita pa sa akin at sabihin kay Dahyun.
Nandito ako sa rooftop, nagiisip-isip iniisip ko lang naman ang tungkol sa tumatawag kay Dahyun, gulat na lang ako dumating si Wonwoo.
"Vernon, bakit andito ka?"
"Wala nagii-sip isip lang"
"Tungkol ba kay Dahyun yan Vernon?"
"Teka paano mo nalaman, stalker ka no?"
"Hindi ah, sige na nga diyan ka na aalis na ako"
Hindi talaga ako maka-move on pag nalaman ko talaga kung sino yung tumatawag kay Dahyun makakatikim siya sa akin. Gusto ko tuloy pumunta kela Jimin, si Jimin lang naman ang matatakbuhan ko kapag may problema ako.
Pumunta ako sa bahay nila Jimin, kinatok ko ang pinto at nakita ko agad ang pagmumukha niya.
"Pre anong problema mo?" tanong ni Jimin na parang nag-aalala
"Malupit na problema."
Pinapasok niya na ako, at pinaupo sa sofa matutulungan niya kaya ako?
"Vernon, ano ba ang problema mo?"
"Si Dahyun kasi eh, laging may tumatawag sa kanya, di ko alam kung sino yung tumatawag sa kanya, kaya gusto kong alamin."
Napatulala na lang siya na para bang naninigas siya sa refrigirator, baka naman nabigla siya sa sinabi ko, may problema kaya doon sa sinabi ko para kay Jimin?
"Pre aalis na ako, may lakad ako eh"
"Sige, sa susunod na lang pre" matamlay na sabi ni Jimin
Pupunta kasi ako sa mall para bilan si Dahyun ng mga magagandang damit, para naman magustuhan niya ako at hindi sila magkatuluyan ng tumatawag sa kanya, matagal tagal ko ng pinapangarap si Dahyun, papakawalan ko pa! Hindi pwedeng mangyari yun.
Pagdating ko sa mall nakasalubong ko si S.coups kasama ang girlfriend niyang si Sowon.
"Uy Seungcheol saan kayo galing?"
"Wala gumala lang."
Yun lang ang sinabi niya, para siyang walang ganang makipag-usap sa mga taong nasa paligid niya, maliban sa girlfriend niya. Kung ako ang nanay neto masasapak ko na to! Ayaw mamansin.
Uuwi na lang ako, ilalagay ko pa ang pinamili ko sa box at ilalagay ko sa lamesa ni Dahyun bukas. Excited na akong mabuksan niya to. Natulog na rin ako sa sobrang antok sa biyahe.
Nagising na ako saktong alas-8, paano ko mailalagay sa lamesa ni Dahyun ang pinamili ko kung andon na siya? Kung minamalas ka naman, teka may naisip akong paraan bakit kaya hindi ko na lang ilagay sa locker niya, tama doon ko ilalagay.
Sa sobrang pagmamadali ko, nahulog ko ang picture ni Dahyun, may pangalan ko pa naman yun sa likod, maaaring may makakita. Patay na ako nito.
7th Chapter of Volume 1
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...