CHAPTER 14: HANGOUT
YOONGI'S POINT OF VIEW
Ang gusto ko ay mapasaakin si Nayeon, na-inlove na talaga ako ng tuluyan, may pag-asa kaya ako? Sa sobrang tagal na pagsasama nila ni Sungcheol, sigurado akong pipiliin niya si Sungcheol kesa sa akin.Pero, paano si Sowon, diba girlfriend ni Sungcheol si Sowon? Basta ang isipin ko mapipili ako ni Nayeon. Nandito ako ngayon sa dorm namin nagpapahinga, teka may naisip ako, ililibang ko si Nayeon para ako ang piliin niya.
Tumayo na ako sa hinihigaan ko at nagbihis ng pangalis, at dapat gwapo ako diba para dagdag points kay Nayeon, teka kukunin ko nga yung sasakyan doon sa magaling kong kapatid, ng maisakay ko doon si Nayeon.
Habang naglalakad ako napansin kong, nakasalubong ko si Sungcheol saan kay siya pupunta? Di bale basta wag lang kay Nayeon. Nakarating na ako sa magaling kong kapatid at kinuha na ang sasakyan.
At ngayon papunta na ako kela Nayeon para isama siya sa lakad ko, isasama ko siya sa sinehan kung saan siya ang pipili ng gusto naming mapanood. Nakarating narin sa wakas tatawagin ko nga siya.
"Nayeon! Nayeon!"
"Yoongi ikaw pala, bakit ka nandito?"
"Igagala sana kita, gusto mo sumama sa akin?"
"Sure! Pasok ka muna hintayin mo na lang ako sa loob."
"Sige maghihintay ako."
Pagbaba niya ang ganda ng suot niya bagay na bagay sa suot ko, teka bakit pareho kami ng suot? Couple t-shirt to ah! Nakalagay sa akin ay key at sa kanya padlock na may puso, meron pala siyang ganitong t-shirt, nakakagulat.
Tumayo na ako at si Nayeon nung papalapit saakin, inakbayan ko siya hanggang sa nakarating kami sa kotse ko.
"Yoongi, may kotse ka pala?"
"Oo bago lang to kaya iniiwasan kong wag munang gamitin."
Wala na siyang kibo, nakarating na kami sa sinehan.
"Nayeon, ikaw na pumili ng papanoirin natin."
"O sige"
At ang pinili niya ay ang House Of Army ng BTS, bakit yun pa baka makita niya pa ako sa palabas naku, paano na ito, sa bagay kung mapapanood niya to siguro baka ipagmalaki niya rin ako.
NAYEON'S POINT OF VIEW
Ang pinili kong palabas ay ang House Of Army siguro maganda yun, pero bakit parang iba ang kinikilos ni Yoongi oppa? Ano kayang nakain nito at bigla na lang nagyayaya? Siguro nakatama to sa lotto.Ayan maguumpisa na ang palabas halos lahat ng mga babae nagtitilian eto namang si Yoongi may hokage moves nanaman inaakbayan nanaman ako, mga ilang sandali nakita ko siya na nasa screen at nabigla ako kaya nakatulog na lang ako sa balikat niya.
Dahil tapos na yung palabas ginising niya ako at inuwi sa bahay, pagdating sa dorm namin nag-picture muna kami at nilagay ko ang caption na "Salamat Yoongi oppa sa libre" at nag wave siya sa akin hindi ko talaga ginusto na matulog sa balikat niya.
14th Chapter of Volume 1
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...