CHAPTER 29

54 10 2
                                    

CHAPTER 29: Recover

YOONGI'S POINT OF VIEW
Bakit ngayon lang sinabi ni Sana yun? Edi sana matagal na nalaman ni Taehyung ito, at hindi na sana nasaktan si Taehyung. Ipapaalam ko to sa boys.

Pagdating ko sa dorm, nakita ko silang lahat, busy na busy sila sa kakatingin sa picture ng mga gusto nila. Si Hoseok tinitingnan ang picture ni Momo, si Namjoon kay Jihyo, si Jin kay Mina, si Jimin kay Dahyun, at si Jungkook kay Tzuyu.

Habang ako, wala lang, nabasted ako eh paano ba naman, sabay kami ni Sungcheol na nanligaw kay Nayeon. Sa tingin niyo ba may pipiliin yun? Diba wala naman. Mahirap kasing mamili, parang gulay lang yan eh, mahirap pumili kapag magaganda at fresh ang gulay, mamimili ka pa kung ano ang kukunin mo.

Dami kong iniisip, sabihin ko na nga sa kanila yung sinabi ni Sana.

"Guys!!! May sasabihin lang ako sa inyo importante! Habang wala si Taehyung!!" Nagsitayuan naman sila.

"Bakit?! Ano ba yun?!" Sabay sabay nilang sigaw.

"Si Sana kasi, ngayon lang nagkaroon ng feelings kay Taehyung, sabi ko it's to late na, kasi kung kelan hindi na siya maalala ni Taehyung, saka pa siya nagkaroon ng feelings sa mokong na yun." Sabi ko habang naka-cross arms.

"Ano! May gusto si Sana kay Taehyung! Kelan pa?!" Tanong ni Jin habang nalahawak sa ulo niya.

"Oo nga eh! Paulit ulit! Unli! Unli! Gaya nga ng sabi ko, may gusto si Sana kay Taehyung! As in ngayon lang siya nagkagusto!" Sigaw ko ulit sa kanila.

"Eh paano yun, hindi na siya kilala ni Taehyung?" Tanong ni Namjoon.

"Aba! Yan ang hindi ko alam!" Sigaw lang ako ng sigaw.

"Puntahan na nga natin si Taehyung ngayon!" Sigaw ni Jimin.

"Oo nga tara na!" Sigaw din ni Jungkook.

Umalis na kami at pumunta kami sa ospital, sa ngayon hindi pa nakaka-recover si Taehyung. Nakakalungkot talaga na nagka-amnesia si Taehyung at hindi niya na kami makikilala, kahit ako may feelings ako, kahit minsan manhid ako.

Lumapit ako kay Taehyung, tulog pa rin siya hanggang ngayon. Ibubulong ko lang kay Taehyung lahat lahat. Lumuhod ako at lumapit ako sa tenga niya.

"Taehyung, alam mo ba may gusto na sa iyo si Sana, nagsisisi daw siya dahil hindi ikaw ang pinili niya." sabi ko ng pabulong.

Tumayo na ako at umupo sa tabi ni Jimin, marami ngang nagsasabi YoongMin daw. Pshhh.. Di ako naniniwala dun. Iniisip ko tuloy yung couple name namin ni Nayeon, mas maganda siguro yung YoongYeon hahaha ang ganda nun.

Dumating ang doctor ni Taehyung.

"Doc, ano po bang kalagayan ni Taehyung ngayon?" Tanong ni Jin.

"Good news! Makaka-recover na si Taehyung, pwede na siyang makalabas. And remember pwede pang bumalik ang ala-ala ni Taehyung." Sabi ni Doc.

Tinapik ni Doc and balikat ni Jin at lumabas na siya, tama ba yung narinig ko? Makaka-recover na si Taehyung?
Bigla akong tumayo at tumakbo kay Jin at niyakap ko si Jin.

"Yes!! Babalik na si Taehyung!! Jhhhoooopppeeee!!!" Sigaw ko.

"Wait, wait Yoongi, remember what Doc said. Pwede pang bumalik ang ala-ala ni Taehyung PWEDE! Hindi BUMALIK na" nakasimangot na sabi ni Jin at naka-cross arms pa siya.

Inayos na ni Jin at Namjoon ang mga gamit ni Taehyung, bigla namang namulat ang mga mata ni Taehyung na ikinatuwa namin ni Jimin, Jungkook at Hoseok.

"Uy si Taehyung! Gising na!" Sigaw ni Hoseok, habang nakaturo siya sa gawi ni Taehyung.

Pinatayo namin si Taehyung at pagkatapos ng lahat umuwi na kami. Pag-uwi namin pinagpahinga na kami ni Jin at ako antok na antok na kaya matutulog na rin ako.

29th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now