CHAPTER 19

47 11 0
                                    

CHAPTER 19: Sana's Crush

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Ano kaya ang gagawin nila para sa date ko? Sana maganda ang kalalabasan, at hindi naman ako mapahiya kay Sana. Nakakahiya naman kung hindi ko pinaghandaan. Bumaba ako at lumapit ako kay Jin hyung nagluluto kasi siya.

"Jin hyung tapos na ba yung para sa date namin ni Sana?" Tanong ko sabay kamot sa batok.

"Wag kang mag-alala kami na bahala dun, sasabihin na lang namin pag tapos na kami." Sabi ni Jin hyung.

Pumunta na ako ng sala para manood kasama ni Jimin, Jungkook at Hoseok. Si Yoongi kasi kausap nanaman si Nayeon sa telepono. Pati sa kanila naiingit ako kahit na hindi girlfriend ni Yoongi si Nayeon, palagi parin silang naguusap. Ang manhid kasi ni Sana hindi niya nararamdaman ang feelings ko para sa kanya.

"Taehyung ang lalim nanaman ng iniisip mo." Nakangiti nanaman tong rabbit na to.

"Wala, iniisip ko lang kung paano yung magiging date namin ni Sana." Sabi ko at biglang sumabat si Jimin.

"Wag kang mag-alala sasabihin ko kay Dahyun ang lahat, magpapabigay ako ng advice kay Sana." Kumikindat pa si Jimin, hayz nako naman.

"Sana lang sagutin ka ni Sana." Sabi ni Hoseok na seryoso.

May kumakatok sa pintuan, tumayo ako at binuksan iyon, si Dahyun lang pala pero, kasama niya si Sana 4 silang nandito si Dahyun, Sana, Tzuyu at Nayeon. Pero kanina lang kausap ni Yoongi si Nayeon.

Bumaba si Yoongi at sinalubong si Nayeon, nagusap sila sa isang tabi, si Hoseok naman umakyat na naguusap sila Jungkook at Tzuyu, si Dahyun at si Jimin. Pero ako at si Sana wala, lahat sila may ginagawa, nahihiya talaga ako kay Sana.

Pero sinabi ko sa sarili kong kaya ko ito kakayanin ko to para kay Sana, kaya lumapit ako sa kanya.

"Sana, yung tungkol sa park. Tanggap mo ba yun?" Di masyadong malakas ang boses ko dahil maririnig lang nung 2 si Jungkook at si Jimin yun.

"Ahh, Taehyung kasi.." Yung boses ni Sana parang nanghihinayang siya.

Bigla na lang siyang tumayo at umakyat siya sa terrace para magpahangin, hindi ko na siya susundan baka hindi niya pa ako sagutin.

SANA'S POINT OF VIEW
Bakit kaya gusto ako ni Taehyung? May gusto ako pero hindi siya, gusto din naman ako ng gusto ko. Pero kapag sinabi kong may iba akong gusto baka masaktan lang ang damdamin niya at ayokong mangyari yun.

Bakit kaya ayaw ko siyang masaktan? May feelings din ba ako sa kanya pero hindi ko ramdam? Bakit ba napaka-manhid ko?. Kaya siguro hindi na ako sinundan pa ni Taehyung dahil ayaw niyang magalit ako sa kanya.

Paano ko kaya sasabihin ang lahat ng ito, nagulat na lang ako nang may naglalakad sa likuran ko, si Nayeon unnie at Yoongi oppa lang pala.

"Bakit ka nandito Sana?" Tanong ni Nayeon unnie.

"W-wala lang unnie, nagpapahangin lang ako dito." Nauutal ako, bakit?

"Alam kong meron kang problema, ano yun? Sabihin mo na." Pagpupumilit na tanong ni Unnie

"Teka, Yoongi oppa bantayan mo nga si Taehyung, baka umakyat." Pag-utos ko kay Yoongi oppa.

"Sige hinding hindi ko siya papapasukin dito, don't worry" sabi ni Yoongi oppa.

"Anong problema Sana?" Tinatapik ni Nayeon unnie ang likod ko.

"Kasi, pinipilit ako ni Taehyung na gusto niya ako pero si Wonwoo talaga yung crush ko. Pag sinabi ko kay Taehyung na may iba akong crush, baka masaktan lang siya." Lumuluha na tuloy ako dahil kay Taehyung.

"Wag kang iiyak, kami ni Yoongi ang bahala sa iyo, ok Sana?" Pinapakalma lang ako ni Nayeon unnie.

Nagulat na lang ako ng dumating si Jungkook, Tzuyu, Jimin at Dahyun buti na lang wala si Taehyung kundi tumalon na ako dito sa terrace.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Jungkook habang naka-akbay kay Tzuyu, pero si Tzuyu naman pilit tinatanggal ang braso ni Jungkook sa balikat niya.

"Si Taehyung kasi pinipilit si Sana na gusto niya daw, si Sana naman may ibang gusto at hindi si Taehyung" pagpapaliwanag ni Nayeon unnie.

"Wag kayong magiingay tungkol dito, kundi di ko na kayo papansinin ng ilang buwan." Buti na lang andiyan si Yoongi oppa at Nayeon unnie na tutulong sa problema ko.

"Ipapaalam ba natin to kay Taehyung?" Tanong ni Jimin.

"Oo pero, yung tipong hindi masyadong masasaktan si taehyung sa sasabihin natin. Sabi ni Nayeon unnie

Bumaba kaming lahat lumuluha pa ako at namumula pa ang mata ko, kaya mapapansin ni Taehyung na umiyak ako. Tumayo bigla si Taehyung nung nakita ako.

"Teka, sabihin niyo nga saakin kung sino ang nagpa-iyak kay Sana?!" Galit na galit si Taehyung, parang nag-worry talaga siya sa akin.

"For your information ikaw ang nagpaiyak sa kanya!" Sigaw ni Yoongi oppa kay Taehyung.

"Teka!, bakit ako?!" Nagtatakang tanong ni Taehyung.

"Kasi aya-" sigaw ni Nayeon unnie pero bigla akong nagsalita.

"Kasi ayaw mo akong tigilan, pero sorry Taehyung ha!, may iba kasi akong gusto at hindi ikaw yun!" Sigaw ko sa harap niya habang umiiyak, pinapatahan na ako ni Tzuyu, Nayeon at Dahyun pero hindi ko mapigilang umiyak dahil sa ginawa niya.

Bigla na lang umalis si Taehyung na galit na galit at sinara niya ang pinto ng padabog, hindi ko alam sa sarili ko kung nagsisisi ba ako sa ginawa ko o hindi. Umupo ako at kasama ko silang lahat maliban kay... Taehyung.

TAEHYUNG'S POINT OF VIEW
Nagsayang lang ako ng oras kakaisip kung papaano mapa-oo si Sana pero ang sagot na narinig ko sa kanya ay may iba siyang gusto at hindi ako iyon. Masakit para sa akin na marinig iyon sa sobrang tagal akong naghintay para lang mapasaakin siya pero UGH!!

Nung lumabas ako parang nawasak ko na ang pintuan, pinagsususuntok ko yung pader, dugong dugo na ang mga kamao ko pero masakit isipin na hindi niya ako mahal, umasa lang ako sa wala, si Wonwoo nga siguro ang gusto niya.

19th Chapter of Volume 1

My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NYWhere stories live. Discover now