CHAPTER 20: Fight
WONWOO'S POINT OF VIEW
Ngayon may sopresa ako para kay Sana, pumunta ako sa bahay nila para sunduin siya para sa date naming dalawa. Pagdating ko doon kinatok ko ang pinto nila at ang ganda ni Sana, kausap niya si Nayeon at sinabi niya kung saan kami pupunta.Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko para makapasok siya, at umalis na kami pumunta kami sa isang mamahaling restaurant. Pag pasok namin para kaming nasa palasyo ang ganda ng paligid, tama lang to dahil magpro-propose na ako kay Sana. Ano bang sasabihin ko? Will you be my girlfriend or will you be mine?
Basta sasabihin ko na lang yun pag napasaya ko na siya.
NAYEON'S POINT OF VIEW
Buti na lang sinabi ni Sana kung saan sila pupunta, sasabihin ko ito kay Taehyung, sa totoo lang team Taehyung talaga ako hindi ko gustong maging boyfriend ni Sana si Wonwoo hindi sila bagay. Mas boto ako kay Taehyung.Tinawagan ko si Yoongi.
"Yoongi si Taehyung nga pala?"
"Eto nagdra-drama nanaman"
"Yoongi pumunta kayong lahat dito ngayon din, bilis! Urgent!"
"Sige, sige papunta na kami on our way na "
Binaba ko na yung telepono, sabihin ko kaya to sa ibang girls? Sige para lahat malaman ang problema ni Taehyung at matulungan din nila.
"Girls! Pls bumaba muna kayo may paguusapan tayo, kasama ng boys!" Sigaw ko sa kanila, agad naman silang bumaba.
"Para saan Nayeonnie?? Sinong may problema??" Tanong ni Jihyo nagtataka siya.
"Tzuyu at Dahyun alam niyo naman na siguro ang problema ni Taehyung tungkol kay Sana?"
"Kami pa!" Sabay nilang sagot.
"Hintayin na lang natin ang boys." Sabi ko habang nakapa-mewang pa.
Kanya kanyang gawa sila habang hinihintay ang boys, kahit ako naiinip na rin mamaya pag tumawag ako, andiyan na pala sila sa pinto. Kukunin ko na sana ang cellphone ko ng may kumatok, sabi ko na pag kinuha ko na ang cellphone ko andiyan na sila.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang malungkot na mukha ni Taehyung, pero may 3 lalaking nakangiti at ang isa ay kitang kita yung gilagid.
"Jimin, Jungkook, Yoongi! Bakit kayo tumatawa?! Anong problema niyo?!" Sigaw ko sa kanilang tatlo.
"Ahh wala lang yun Nayeon." Sabi no Yoongi sabay kamot sa batok.
Pumasok na sila at umupo magkakatapat kami, ganito ang formation namin. Si Yoongi katapat ko, si Momo katapat si Hoseok, si Taehyung walang katapat dahil wala si Sana, si Jihyo katapat si Namjoon, si Mina katapat si Jin, si Dahyun katapat si Jimin at si Tzuyu katapat si Jungkook.
"Taehyung, kaming bahala sayo wag kang mag-aalala." Sabi ko
"Puntahan na lang natin at makipag-ayos ka Taehyung." Sabi ni Jihyo.
Biglang nagsalita si Taehyung. "Sang-ayon ako kay Jihyo, makikipag-ayos ako kay Wonwoo!"
Tumayo si Taehyung at hinila si Jin oppa para mag-drive, sumunod na lang kaming lahat.
"Oo nga pala, Jin oppa alam mo naman siguro yung famous na restaurant dito, andun si Sana at Wonwoo."
Nang nakarating na kami doon, agad naming hinanap si Sana at Wonwoo, nagulat na lang kami ng sugurin ni Taehyung si Wonwoo. Tumakbo ang mga boys inaawat nila ito pero masyadong nagmamalakas si Taehyung.
Dinala ng boys si Taehyung at Wonwoo at pumunta kami sa isang bakanteng lote.
"Taehyung bakit mo sinugod si Wonwoo?! May ginawa ba siyanh mali sa iyo?!" Sigaw ni Sana kay Taehyung.
"Meron siyang masamang ginawa! Para sa akin!" Sigaw din ni Taehyung kay Sana
Nagsasagutan na sila, hindi namin kayang pigilan ang dalawa dahil magagalit lang lalo sila.
"Sige nga Taehyung! Anong masamang ginawa ni Wonwoo sa iyo?!"
"Kinuha ka niya sa akin! Kinuha ka niya! Bakit sa kanya may feelings ka tapos sa akin wala?!"
"Kasi mas mahal ko siya kesa sa iyo!!"
Bigla namang natumba si Taehyung at binuhat ito ng mga boys papunta sa sasakyan. Dahil wala namang ibang mag-aalaga kay Taehyung sila na lang ang mag-alaga. Iniwan namin si Sana at Wonwoo.
"Guys, alagan niyo muna si Taehyung! Yoongi samahan mo ko."
"Saan tayo pupunta Nayeon?"
"Yoongi, tandaan mo lagi mo akong sasamahan kahit saan ako magpunta. Ok?!"
"Ok Nayeon, love naman kita eh"
"Ang corny mo Yoongi, kahit minsan din pala may feelings ka."
"Para sayo to eh."
Bumalik na kami ni Yoongi at inalagaan na rin si Taehyung, hindi parin umuuwi si Sana.
20th Chapter of Volume 1
YOU ARE READING
My Nerdy Crush (V1 & V2)|M.YG & I.NY
FanfictionA BangTwice Fanfiction (YoongYeon) Sa una pa lang crush ko siya, at habang tumatagal nagiging crush niya rin ako pero may mga kaibigan kami na hinaharap ang mga problema nila, natutulungan namin sila tungkol sa lovelife nila, eh kami kaya?? BangTwic...